Alam ko masungit ako. E ano magagawa ko? Reklamo kayo ng reklamo, nga anak kayo ng impakto, e sa hindi ko makuha ung kasimple-simple'ng kailangan ko e.
SAWA NA AKO NA NAGBIBIGAY.
Sawa'ng sawa n ako sa mga effort ko, na hindi naman ako nakikinabang sa mga pinaggagagawa ko at hindi naman madali ang mga hinihingi sa akin palagi. Bakit ano ba akala ninyo sa akin, na Ako ang Cornucopia of Plenty? Paksyet!
I'm so sorry pero kelangan ko unahin ang sarili ko, kasi wala namang mag aalaga sa akin kundi ako e. Antagal na na ako ang nalalapitan ng tulong, pahihirapan ko muna kayo, kasi hindi nga akao makakuha ng tulong sa guisto ko mangyari para sa akin e.
Pagod na ako'ng mainggit sa mga taong may panahon para sa sarili nila, Pagod na ako'ng mainggit sa mga tao'ng may mga nagmamahal sa kanila. Bigyan naman ninyo ako ng konting puwang para sa sarili ko kasi UPOS NA UPOS na ako sa kakaintindi sa mga putanginang kailangan ninyo.
Nakakapikon na kasi.
Tapos sasabihin ng mga tao na kasi hindi maganda tingin ko sa sarili ko at sa kapwa ko, BAKIT, MAY NAIPAKITA NA BA SA AKIN NA MAGANDA, lalo na ung mga NAKASAHOD LAGI ANG MGA KAMAY?
Sus, e kahit nga sa Facebook, e. Friends for Sale, fpor example. Inaad lang ata ako kasi madami ako coins pambili at pampataas ng value nila, pero may bumili ba sa akin? WALA.
Kagaya ng FFS, habang tulong ako ng tulong sa mga sarili ninyong kailangan, ako ang nawawalan, at wala namang nagppoprovide para sa akin. AKO ang nahihirapan.
BUTI KUNG NAKAKAKUHA AKO NG INSPIRASYON SA INYO, e WALA. PAGKATAPOS NA MABIGYAN, PARANG DWENSDENG NAGLALAHO.
Nakakadala talaga.
So Imbes na nagrereklamo kayo na masungit ako, gawin ninyo kaya ung pinapayo din sa akin sa trabaho: ALAMIN MO KUNG BAKIT AKO MASUNGIT, baka may solusyon pa. OTHERWISE, pucha, tanggapin na ninyo na hindi ako magiging mabait sa inyo ano.
No comments:
Post a Comment