Dear Agnolo,
Kagabi, naibalibag ko ang kapatid ko nang lasing siya. Umiwi ng lasing at nakisindi sa akin ng sigariyo. Tapos ay humiga sa sala, at tinatawag ang asawa. Mga kalahating ras siya na ganun, at pinagbantaang ihahagis ang mesa kung hindi siya lalabas.
Nakarinig ako ng sigawan at kalabog. Umiyak ang bata. Lumabas ako at nakitang nagwawala na naman siya.
Sinigawan ako at inakmaang susuntukin. Mabilis ko siyang tinulak, at muli niya akong pinawalan ng suntok (na hindi tumama) at mabilis ko siyang hinawakan at sa nalalaman ko sa ju jitsu ay hinagis ko.
tumama ang ulo niya sa sofa at doon na ako hinatak ng nanay ko sa loob ng kuwarto.
Buong gabi kong naririnig ang hiyaw niya na babasagin din niya ang mukha ko.
Hindi ko kailanman ninais na bumalik dito sa Meycauayan. Kaya lang ako umuwi ay dahil sa nanay ko at sa kapatid kong babae.
Hindi kasama sa usapan ang verbal abuse at mnga gabing hindi ako makatulog dahil pinagbabantaan ako'ng patayin.
Nawalan na ako ng mga kaibigan dahil sa hindi ko masabi ang tungkol sa kanyo kung sakaling umuwi ako dito, hindi na nakapag asawa ang kapatid naming babae dahil sa kanya. Nagkahiwalay sila ng una niyang asawa at hindi na binalikan ang mga anak dahil hindi niya malapitan dahil sa kanya.
Marami siyang anak pero ni isa hndi niya kayang pakainin. At kami'ng nagpapakain sa kanila ay minamaltrato niya ng masasakit na salita at mga pagbabanta.
Isa siyang halimaw.

No comments:
Post a Comment