Atasan mo ba naman ako'ng magdirect ng isang re-enactment ng pagkamatay ni St. Francis, e ni hindi nakapagworkshop yung mga bata, at sa biyahe ko---tingin mo magagawa iyon? As if hindi magtatawagan ang mgfa magulang ng mga bata'ng iyan at magrereklamo. wala naman pare-pareho'ng bayad at saka alam ko na magkakalat at pangalan ko na naman ang mahahatak, sus. SIRANG SIRA na ako sa teatro kakatanggap ng mga proyektong hilaw.
Kumpletuhin mo man ang ilaw, damitan mo man ng ginto, kung hindi naman handa'ng umarte sa harap ng maraming tao ang isang bata, hindi mo mapapaniwala ang manonood.
Hindi ko pinangarap batuhin ng kamatis.
At isa pa, wala ako sa mood. 3 taon na akong wala sa mood. Ni hindi ko nga natapos na ang nobela ko na sinusulat.
Ewan ko ba, patay na ang damdamin ko ata. Binuro ang creative talents kpo sa Call Center sabay bigyan ng sunud-sunod na kabiguan sa pag-ibig, tapos sabay pagtanda, resulting in pagkatigang, bigla ka pa magiging "tatay," aba, wala talaga ako sa mood. Retarded na din ang simula ng gabi ko, kasing-retarded mng pangala'ng ONDOY.
Plus horny ako nu'ng gabi'ng iyon.
Ewan, basta napaka badtrip ng gabi'ng iyon na wala namang ginagawa sa akin ang mundo. Bumuhos ang ulan at lalo ako'ng nabadtrip dahil hindi natuloy ang pangarap ko'ng rumampa sa dilim.
Natulog na lamang ako.
Kinabukasan, Sabado, umuulan pa rin. Hindi ko naman Alam na si Ondoy na pala iyon. Sinabi sa akin na malamang bumaha at itaas ko na lahat ng maaaring abutin ng tubig. Bumaha na dati sa loob ng bahay, bagamat hanggang talampakan lang naman. Itataas mo lang naman lahat ng sapatos, etc, tapos. pagbaba ng tubig happy ka na.
So niligpit ko lang ang mga gamit ko, nagwalis at baka maging putik pa ang alikabok. Maya-maya'y tinatawagan na ako ng aking tiyahin at itinatanong kung tuloy pa ba ang kumpil sa bayan dahil umuulan nga. Ipinatanong ko pa sa kaibigan ng pamangkin ko at itinext pa sa simbahan. Maya-maya'y sumagot na na Cancelled nga daw.
Itinuloy ko na ang aking paliligo at natiulog. Galit sa ulan, mabubnuro na naman ako sa bahay; wala na namang mangyayari sa aking maghapon.
Ginising ako ni Aylin. Alas tres ng hapon iyon. Tingnan ko daw ang bakuran. Dumungaw ako sa bintana at puro tuktok na lamang ng mga puno ang nakita ko. Nilunod na ng tubig ang mga puno! Dali kong binuksan ang pinto at nagsimula sa hagdan. Nabigla ako sa aking nakita:
Malaki na ang tubig sa loob ng bahay.
Lalo akong nagulat nang lumusong ako dahil ga-binti na pala ang inaasahan nami'ng ga-talampakang tubig. Pinasok ko ang aking kuwarto at hinango ang sari-saring gamit sa aking silid. Mga kutson, mga papeles, mga sapatos, damit.
Bago ko natapos, ay nakaakyat na hanggang binti ang tubig.
Punatak ang alas sinngko. Hindi pa bumabalik sa bahay ang pamangkinkong 12 taong gulang na bumili lamang ng diaper sa kanyang bagong panganak na kapatid sa labas. Malaki na ang tubig sa mga oras na iyon, at isang kendeng na lang ay nasa 2nd floor na ang tubig-delubyo.
Huling sign off ko na din iyon sa Facebook, dahil pinatay na ng kapatid ko ang kuntador. Nawalan ng kuryente. Nakarinig kami ng malakas na pagsabog sa labas ng bahay. Pumutok ang transformer sa isang poste.
Kasunod noon, ay nawalan na ng dial tone ang telepono.
Unti unting dumilim ang paligid.
nagsindi ng kandila ang mommy ko. hinihintay naming abutin na ng tubig ang kuwarto namin sa itaas. Tinanaw ko ang natitira sa kuwarto ko.. Naririnig naming magtauban ang mga mesa, sofa at mga gamit na inaanod ng tubig. Nababasag ang mga salamin, nasisira nag mga kahoy. Gusto kong umiyak pero binabantayan nila ako.
Ako lang kasi ang pinagkukunan nila ng lakas ng loob, napansin ko iyon mula ng mamatay ang Daddy ko. Hindi ako nagpakita ng kahit katiting na luha kahit kailan mula noon sa aking pamilya. Mas mahirap ngayon dahil wala naman ako makasamang kaibigan para iyakan.
Yakap ko lang ang pamamngkin ko'ng babae, at tinanong ko, "Maiintindihan mo ba ang nangyayari?"
gusto kong umiyak nang umiling siya.
Gusto ko'ng sabihin na hinihintay na lang namin na mamatay kami. Sa oras na iyon, bumulwak ang tubnig mula sa mga floor boards nang hindi namin inaasahan, at nagsimulang umapaw sa kuwarto ang tubig.
Officially, wala na kami'ng matungtungan na tuyo'ng sahig, at wala na kaming pupuntahan. Ito na yun. Kung tumaas pa ang tubig katulad ng sa ibaba, MALULUNOD NA KAMI.
Niyakap ko na lang ang pamangking babae at sinabi na mag pray siya, pray siya na buhay ang kuya niya, pray siya na tumigil na ang ulan. Gumagana pa ang mga cellphone. hindi man makatawag ay nakakapagtext kami sa kahit sinong inaakala naimn na kasama ng pamangkin kong lalaki.
Malapit nang mag-hatiggabi nang sumagot siya. Buhay siya pero muntik nang malunod sa may simbahan. Nasa pangangalaga siya ng Kura Paroko namin.
Tumigil ang ulan bahagya at muli naming narinig ang pagbulwak ng tubig. Hindi na tumaas ang tubig.
Sinabi kong matulog na sila habang salitan kaming magbantay ng sister ko sa tubig kung tataas pa.
Pero hindi na nakayanan ng mga katawang lupa namin. Nagising kami, wala nang tubig sa kuwarto. Paglabas namin, nakita na namain ang iniwan ng bagyo... Mga sirang kasangkapan, burak at isnag sirang bahay. Sa labas ng bahay, hindi na tricycle ang namamasada kundi bangka, at kahit airbed ay ginawa na ri'ng pamasadang life raft. Naglip[ana ang mga taong nagpapanic makabili ng pagkain. Nang pumunta kami ng kapatid kong babae sa supermarket, dagsaan ang tao at nagkakagulo. Offline ang mga ATM at credit cards. Napilitan kami'ng pagkasyahin ang natitira sa pera namin.
Hindi ako pumasok sa trabaho nung araw na kinabukasan. Buo'ng araw na naglinis ang buong pamilya ng abahay, pinilit tanggalin ang burak at mabaho'ng amoy.
Sa mga oras na ito, amoy burak pa din ang bahay.
Pumasok ako sa trabaho kahapon. Ayokong magmukhang kawawa. Gusto ko mang magpahinga pumasok pa in ako, dahil sayang ang trabaho. Pagdating ko, mas madami pa'ng hindi pa rin pumapasok. Yung iba, totoong na-stranded na tulad namin, ang iba nagpilit pa ring pumunta sa opisina kahit nawawala pa ang mga mahal sa buhay, may mga galit sa gobyerno, may mga umiiyak.
Ang masaklap pa noon, pinilit mo na nga pumasok dahil mahal mo ang trabaho mo, queueing pa. Galit pa ang mga customer mo na winasiwas at giunalit ng mga taong nauna nilang kausap kesa sa iyo. ibinabato sa amin ang mga tawag na ayaw nila.
Gusto ko'ng magmura na makakapal ang mukha nilang umiwas sa trabaho nila kasi ako nga itong hindi malaman kung saan hihiga mamayang gabi, TINATARANTADO PA NG KAPWA PINOY NA TAMAD.
Naiinins ako. nanggigigil ako sa trabaho ng ibang tao pero sapat na makaraos na sa araw.
Pag uwi ko, nabalitaan ko na ang kapitbahay namin na kasa-kasama naming maglimas ng ubiog ay namatay na sa atake sa puso. Nahirapan siguro sa baha.
Ako din, gusto ko atang ma-ataque de corazon.
Alam mo, kung tutuusin, ang mga pinoiy kasi minsan, sakim. Puro AKO AKO AKO. Walang pakialam sa kapwa kung hindi naman sila makikinabang. Kaya siguro kapag hganyang may mga malakihang sakuna, nauubos tayo.
Sisihan ng sisihan, samantalang nakaasa tayo sa IILAN LAMNAG NA MATINO'NG gumagawa ng kanilang trabaho.
Kung lahat tayo ayt nagbabantay, nag-aasikaso sa sari-sari nating ginagawa nang BUONG PUSO, sana hindi mahirap ang mga ganito'ng bagay para sa atin.
Walakasi tayong ginawa kungdi magbilang ng kung ano ang makukuha natin, wala naman tayo'ng ibinibigay.
Hindi pwede'ng face value ang lahat ng bagay. kapal ng mukha mo.
No comments:
Post a Comment