Be One of My Froglets

Search This Blog

Saturday, September 19, 2009

Tanga


May 3 tanga na nagsisiksikan sa iisang kama, kaya ang sabi ng isa, "Dapat isa sa atin, sa sahig mahiga, para hindi siksikan."

Kaya bumangoin ang isa at sa sahig na natulog.

Maya-maya, sabi ng isang tanga, "Ayan, maluwag na, akyat ka na ulit dito."

Toinks.




5 taon ako tumira sa Makati. I had been reatively hapy, except for my lovelife siguro. I had friends, I had a decent place to live, I had the freedom to pursue anything I wanted. Wala ako masyado iniintindi.

Bout a year ago, I was about to move out of my apartment, pero nahirapan ako maghanap ng lilipatan dahil andami sa mga nakukuha ko'ng contacts mga bading lang na front lang ang apartment for sharing o rent tapos haharrassin ka. Meron nga, kausap ko na about paytment, bigla ako iniwan to meet up with a guy na sabi ay titingnan ung place. Nakita ko pic nng guy. He was a HUNK.

Ang mga bakla talaga malilibog.

Ang nanay ko ilang buwan nang pinapauwi ako s bulacan. Mahirap, pero ala ako magagawa, papalapit na ang araw na kailangan ko umalis sa apartment ko. Nung mga nauna kong buwan, sobra sobrang hirap pumasok sa trabaho. Sa kinasanayan ko'ng 15 minuto lang ay nasa opisina na ako, 3 oras ang biyahe ko. bulacan papuntang Makati iyon, ha?

Hindi na ako makagiik. Hindi na ako makapag relax. May mga bata sa Bulacan, at maya't maya ako hingan ng pera. May kapatid akong ultimo yosi at barya kinukupit.

Sa Makati kahit minsan hindi ko naging problema ang pag iwan ng pera. dito ultimo tatae ako o maliligo, nakadikit sa katawan ko ang wallet ko.

Hati kami ng sister ko sa gastos, pero nabaon siya sa utang kaya minsan, ako din ang gagastos pag kapos.

Wala na ako contact sa mga dati kong barkada, kung dati kasi isang sabihan lang nila, nasa tambayan na kami, ngayon kelangan may appointment sila dahil 3 oras nga ang biyahe, hello?

Pakiramdam ko, nawalan na ng saysay ang buhay ko nung bumalik ako dito. Bagsak na din ang performance ko sa work, dahil nga pagpasok ko pa lang sa trabaho, p[agod na ako.

Hindi sulit, dahil ang pera sana'ng pang renta ko ng apartment ay siyang pamasahe ko pa lang.

Sino'ng may sabi'ng tipid mag-uwian?

Nanaba pa ako, lalong walang magkagusto sa akin. buklod sa pag nagtanong sa chat ng ASL, hindi appealing sabihing 30 m Bulacan. Kahit sabihin mong valenzuela lang yung kausap mo, sasabihin pa rin niya malayo.

Parang TANGA ano?

1 comment:

Anonymous said...

hahahaha! toxic ka na nga tlga... ako din uwian ng calamba tpos my work is in ortigas.. 4 na taon ko na pinaplano lumipat ng malapit dun either boni or makati.. kaso either wala akong mkitang gusto ko, nawawalan nko ng gana maghnap... gsto ko kc environment dto sa calamba, tahimik sa subd nmin plus 5 blocks away lng ako sa kapatid ko. tpos hndi nmn ganun ka hasle ang byahe... 1 bus ride lng ofc na. pero dto sa 5th year ko try ko ulit & i suggest ikaw din.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...