Be One of My Froglets

Search This Blog

Monday, January 25, 2010

A New Software Version is Available For Gooeyboy, Would You Like to Download It Now?

Isang buong buwan ko'ng pinakiramdaman ang aking sarili. Isang buong buwan ko'ng tiniis na huwag ka'ng kausapin, Agnolo. Hinayaan kong ang huling entry sa aking blogelya ay isang nakakahiyang yugto sa aking pagkatao. Hinayaan ko'ng ang huling pagkakaalaala sa akin ng mga tao ay isang desperado, malibog at nakakaawang nilalang. poor you, Gooeyboy... poor you.

Pero sabi nga nila, "When you're down, and you hit rock bottom, there's no where else to go but up."

Pag-ulaulanigin at pagtagni-tagniin natin ang mga naganap sa mga huling sandali ng 2009. Naiisip ko tuloy, mamimiss ko ang 2009.  Naging mabait siya sa akin.

(Enter Thoughts Here)

Oo late na masyado para sa isang New Years edition ang aking blogelya, pero not too late for KUNG HEI FAT CHOI! (dragon+firecrackers+tikoy...kaboom) ang dahilan... kailangan ko hanapin ang sarili ko, at pakiramdaman kung nabago nga ba ako ni 2009. Pinaghahanap na ako ng mga kinauukulan at kinabubukulan.

Nagkasakit ako ng isang linggo simula ng pasko, at umabot pa ng bagong taon. Sinisipon at nilalagnat ako pero patuloy pa din ng pagkayod at paghahanap buhay. Dumating si 2010, (Two Oten, kung tawagin ko) at binaha ng unos ang trabaho ko. Sa labas ng trabaho, nadukutan,nanakawan, naipit sa pintuan ng MRT (WALANG BIRO, NAIPIT AKO SA PINTUAN NG MRT!) sA PAGBABALIK MULA SA BAKASYON, isang superdupermajorcosmicpowertothemax na outage ang bumulaga sa amin, kasabay ng mga wasiwas calls na nagpapatunay na wala pa talagang gustong pumasok sa trabaho. Sana nag AWOL na lang yung mga ganung agents, hindi naman pala mahalaga sa kanila trabaho nila e.

Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa iyo? So napakalaking kasalanan ba na matapos kong kalikutin ang aking likuran at magsisi sa paggawa noon, ay hanapin ko kung bakit ako nagkakaganito? Bakit masungit si Gooeyboy? Bakit sobrang hindi na siya naniniwala sa magagandang bagay? Bakit galit siya sa salitang lovelife, sexlife, soulmates, twin flames at kilig? Bakit hindi diya ngumingiti? Ito at marami pa, sa aking susunod na mga sasabihin.

At eto na ang resulta ng aking pagmumuni-muni...

Sa edad kong 33, ay hindi ko na kayang paniwalaan ang happily ever after. Hindi na ako nakikipaglaro. Marami na akong mga naranasan sa buhay na minsan ay hindi ko maubos maisip kung bakit kailangang mangyari. May mga taong umalis, nang-iwan, namatay, at mayroon namang ibang dumating. May mga problemang nagapi , mayroong nakatalo sa akin, at marami ang darating pa. Paulit ulit akong umasa, nabigo, umasa, nabigo, hanggang hindi ko na alam kung aasa pa ako. May mga bagay akong natututunan at may bagay akong nakakalimutan. Naranasan kong manginig sa takot sa mga bagay na hindi ko alam at iwasan at kalimutan ang mga bagay na nalalaman ko.

Hindi ko alam kung anong uri ng batobalani mayroon ang pag-ibig, na kahit ilang beses kong i-deny na wala akong balak sumali sa kabaliwang iyan, yun pala, sa loob loob ko, umaasa pa rin ako sa mahiwaga, at sa bagay na hindi ko nauunawaan. Umaasang isang araw mahahanap din ako ng hinahanap ko.

Pero sa ngayon, naghahanapan lang kami.

At naisip ko, sa isang buong buwan na pinakikiramdaman ko ang aking sarili, sa pagbibilang ko ng mga taon at mga pangyayari, sa mga bagay na nagawa ko na at gagawin pa lamang, napagtanto ko...

Wala sa edad ang natututuinan mo.

Tanga ka pa rin sa pag-ibig. Mangmang ka pa din sa buhay.Bobo ka pa rin matapos ng lahat ng leksiyon na napag-araklan mo.

Ilang buwan ang nakakaraan, pinag uusapan nila kung bakit paklaging mainit ang ulo ko, kulang na lang sa pagwawala ko sa opisina ay ibalibag ko na ang katabi ko. Muntik pa akong hamuning makipagsuntukan ng kaopisina ko minsan. Ampangit pangit ng outlook ko sa buhay, wala nang maganda, at kapag nakakakita ako ng maganda, sinasabi kong peke, hindi totoo, osandali lamang yan. Ang permanente ay gulo, away, problema.

Itong mga nakaraan na mga linggo ay kinakantyawan nila ako sa opisina. kahit yata sa facebook. IN LOVE DAW AKO. Kung sino sino ang sinususpetsa nilang nakabasag ng "sumpa" pero mariin kong itinatanggi.

Bakit daw kanyo ako In Love?

Hindi na ako naninigaw sa opisina. Bihira na akong mambalibag ng mga gamit. Hindi na ako nakasimangot tuwing may lalapit sa akin. Hindi ko na tinititigan ng masama ang mgamagsyotang nakikita ko. Palagi na akiong nakatawa o nagpapatawa. Nahuhuli nila akong kumakanta.

At hindi nila mahahanap kung sino ang nakapagpabago sa akin, kasi ibang tao ang hinahanap nila, Samantalang nandirito lamang ako.

Kasi nga, BILOG ANG MUNDO.

Nakalagay sa About Me ng facebook ko at kahit sa Mukltiply ko... IKAW ANG MAY KASALANAN NG IYONG KAHAPON AT ANG MAY KAPANGYARIHAN SA IYONG KINABUKASAN.

Dapat simulan ko nang paniwalaan iyan.

Tatanggalin na natin yung PARA KANG LANGAW NA PABALIK BALIK SA TAE.


May nakapagsabi na balanse dapat ang mundo, at nagtatanong tayo kung paano babalansehin angbuhay natin.

Naniwala akong HINDI PARATING MAGANDA ANG BUHAY.

Nakalimutan ko'ng HINDI RIN MAAARING PALAGING PANGIT ANG BUHAY.

Balanse.

Binabalanse ng pangit ang maganda. Kinukumpleto ng Maganda ang Pangit. Hindi puro liwanag ang kalawakan at hindi rin puro dilim.

Ito ang bagong version ng software ko. Sinisimulan ko na siyang iinstall at malay mo, mamaya ay updated na ang pagkatao ko.

Aaminin ko'ng hindi pa tapos ang pag-uupdate. At malamang kapag na update ko na siya ay may bago na namang version na lumabas.

Nagbabago ang tao.

At kahit hindi ako halatang tao, hayaan ninyo ako'ng magbago.


PS: Hindi talaga ako in love. Pasensya na. Pero kung tingin mo, pwede mo akong painlabin... Go gurl... at malay mo, sakto ka sa hinahanap ko?

Simple lang naman e... IN LOVE AKO SA SARILI KO. Angal ka? Check mo facebook ko, tingnan mo kung kanino ako may relationship.

Walang picture. Hindi pa ako tapos mag update.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...