Be One of My Froglets

Search This Blog

Thursday, March 31, 2011

Drama-Rama sa Hapon

Nagtatrabaho ako sa Makati bilang call center agent. Hindi po totoo na madalas makipagsex at kung kani-kanino ang mga taong nasa ganitong trabaho. Sa katunayan, walang social life, walang sex life at walang love life dito kung minsan.

Kung panggabi ka, putol ang kominikasyon mo sa mga kakilala mo. Papasok ka ng bandang alas ocho o alas diez ng gabi, at umaga na, o pasikat ang araw kung ikaw pauuwiin. 5 taon ako'ng panggabi. Limang taon na hindi ko namalayan, mga nagsipag asawa ang mga kabarkada ko, lumaki ang mga pamangkin ko, naubos ang buhok ko sa ulo.



Mahirap ang trabaho ng call center agent. Halos buong gabi ka nakikipag-usap sa mga taong sari-sari ang problema, sari-sari ang topak. IKAW ang pagbubuntunan ng hinaing at galit nila sa kumpanyang inirereprisinta mo. Ikaw ang kawawang haharap sa mga taong handang laitin kayo at ng mga katrabaho mo sa serbisyong minsan akala nila ay perpekto.

Dahil taga Meycauayan ako, tumira ako sa Makati dahil magastos magpabalik balik. Nagkaroon ako ng partner. Pero 4 na taon na ang nakakaraan, kinasama ang kasama ko sa bahay. Nagtatalik sila kapag nasa trabaho ako.

Depressed ako ng mga panahon na iyon, wala akong malapitan na mga kaibigan, lahat sila may kanya-kanyang buhay na nabuo nang wala ako.



Sa ganoong estado, humingi ng tulong ang kapatid ko sa Bulacan. Nabaon sa utang dahil sa credit card. Iniwan ko ang buhay ko sa Makati ngunit pumapasok pa ako sa trabaho. Call Center pa din, pero pang-umaga. Dahil nalulungkot ako sa aking bioglaang pag-iisa, at dahil naaalala ko ang ex ko a bahay na tinitirhan ko, at kung paano nila binaboy ang bahay at ako, pumayag akong bumalik ng Bulacan.

Nadagdag sa araw araw na pasanin ko ang pag-uwi sa Bulacan ARAW-ARAW.

Noong una, ay ok pa. Hati kami s gastos sa bahay. Malaki ang bahay ng mga magulang ko. Luma. May nanay ako, kapatid na babae, ang kapatid kong lalaki, asawaniya  at ang 2 nilang anak. Ang kapatid kong babae ang humingi ng tulong sa akin.

Pagbalik ko sa Bulacan matapos ng maraming taon ang akala mo ay balikbayan ako. Nakita klo kung bakit nagrereklamo ang kapatid kong babae: gastos niya lahat, pati ang kapatid kong walang trabaho at ang 2 bata. In fairness, nagsisikap ang hipag ko noong mga panahon na iyon para kumita kahit konti. Pero hindi sapat.

Lahat pala ng gastos nila, kugn hindi kayangbayaran ng nanay ko o ng kapatid ko gn cash ay innutang sa credit card.

Ending, andun ako para makaraos sila.



Unti unting naapektuhan ang trabaho ko. Wala akong masyadong kaibigan sa bagong kumpanya ko, kalilipat ko pa lamang doon nung bumalik ako ng Bulacan, at dumoble ang gastos ng pamasahe ko. Kung sa 50 pesos ay nasa trabaho na ako, at makakabalik ako sa bahay sa halagang 11 pesos... dito's kailangan ko ng 500 araw araw kasama pagkain. Bumalik ang gastritis ko, tumataas ang BP ko.



Dahil sa ganoong set-up, unti unting bumabagsak ang performance ko. Himala pa nga at may trabaho pa rin ako hanggang ngayon. Bukod doon, ang kapatid ko, biglang hiniwalayan ang asawa niya, pero hindi ibinigay sa asawa ang mga anak.

Inuwi niya ang babae niya sa bahay, na kinagalit ng nanay ko,pero tulad naman ng dati, wala siyang magawa. Lalong nag init ang ulo ng kapatid ko'ng babae.

Nagkaroon pa ng 2 anak sa ikalawa ang kapatid ko. Ang dati kong hipag, napilitang mag asawang mili, at ngayon ay may sarili nang pamilya.

Ang 2 bata? Kargo ko na ngayon, bukod sa bahay, nanay ko, at kapatid ko.



Kinakapos na ang 5-digit figure kong sweldo. Napilitan na din ako'ng kumuha ng credit card. Noong una ay nababalanse ko pa. Palagi nang umiinit ang ulo ko. Pakiramdam ko, nag-iisa ako sa mundo, sabihin mo pang isandosena kami sa bahay...Ako palagi ang takbuhan.

Daig ko pa ang ina ng laging saklolo. Ang panganay na anak ng kapatid kong lalaki, natuto pa'ng magbisyo. Nawawala ang mga gamit ko, sampu sa mga damit ko at pabango.

Maya't maya ay hingi ng hingi ng pera.

Nasaan ang ama? Siya pa ang nag aaya makipag inuman sa anak, tagahingi sa akin ng yosi.

Pagod na pagod na ako.

Itong nakaraang araw nga lang, kinapos ako ng pera, at wala akong makuhang cash advance sa credit card ko. Malapit na akong umabot sa credit limit ko.Halos hindi ako makauwi nang araw na iyon. Wala ni isang kusing sa bulsa ko. Buti't napahiuram ako ng isandaan, nakauwi ako. May nagpakain sa akin kaya nagkalaman ang sikmura ko.

Pag uwi ko, hinihingan pa rin ako ng pera.

Pagod na ako, kakaisip pa lamang ng mga bagay na ito. Sa a-Diez ng Abril, ay kaarawan ko. Gusto kong umalis nang malayong malayo sa kanila. Magmaktol na sila kung bakit, pero alam kong alam nila na napapagod na ako sa kanila.

Kapag naiisip ko ang lahat ng ito, nakakalimutan ko ang mga galit at mura na ibinabato ko kay Lukas nung panahong siya naman ang nagdadrama sa akin na ayaw na niyang mabuhay... Kasi mataba siya. Kasi, gusto niyang maibalik ang itsura niya noong 2 taoong nakakaraan. Na gusto niyang mamatay.



Kung alam lang niya ang buhay ko, kung ako naman ang pinakinggan niya, baka hindi na niya pinag-isipan. Baka namatay na lang siya.

Hindi bale, mamamnatay din anman siya isang araw, at ako, hindi ako napatay ng mga pinagdaanan ko, kayat nakatayo pa ako.

Naiinis lang ako. Gusto ko lang naman minsan, hindi sa harap ng laptop ko naihihinga ang lahat ng sama ng loob ko. Hindi kaya ng laptop ko na yakapin ako pag umiiyak na ako. Hindi niya ako kayang iduyan sa mga bisig niya at haplusin ang likod ko habang sinasabing, "kaya mo yan, andito ako. Pag hindi mo na kaya, lahit ka lang ng ganito..."

Hindi naman ako nangungutang, e. Gusto ko lang naman... maging tao. hindi na tao pakiramdam ko kung minsan. Para na lang akong MAKINA. 



Makina na kailangan kinakalimutan ko ang emosyon ko para masaya ang lahat ng tao. Kasi PAULIT ULIT NA LAMANG NILANG SINASABING AYAW NILA AKO NAKIKITANG NAGAGALIT.

PERO PUTANGINA, ANO BA GINAGAWA NILA? 

Huwag kayong hihingi ng hindi niyo kayang bayaran. Huwag ninyo akong hilingin na huwag magalit. May mga nagmamahal sa inyo. may mga bestfriends kayo. may mga nalalapitan kayo. Paminsan minsan mayt panahon kayo'ng mag-inuman at magtawanan.

3 araw ang bakasyon ko ngayong linggo na ito. May nag aya ba sa akin mag inuman? magkape?

Hindi, ilalabas ko ang pamilya ko para ilibre. Para makagala, nakakagastos ako ng 2 libo. Para lang maanggihan ng hangin. Akala tuloy nila, nagtatae ako ng pera.

Hindi na talaga pwede yung ganito. May mga pangangailangan din ako na hindi nila pwedeng ibigay. Ever.

Alam mo na yun.

Ako lang ang taong kilala ko na naabutan ng expiration date ng condom.

"Kumuha ka ng callboy."

At ibabayad mo ako? kailangan kong pambayad sa mga bills ko, ipapang callboy ko?

Sana kasing iresponsable ako ng ibang mga tao. Kaya sa trabaho, tuloy, feedback ako ng feedback sa mga calls na ibinabato pa sa akin kung kaya naman nilang ayusin. Transfer sila ng tranfer ng calls, dinadahilan kasi iPhone ang cellphone niya. 

Ngayon ALAM MO NA KUNG BAKIT GALIT AKO SA MGA GANOONG KLASE NG TAO.

Ayoko ng ipinapasa ang gawain sa akin.

Masyado na akong maraming dala. Ayoko na. Wala namang gustong bumuhat sa akin. Siguro, pag patay na ako, baka igulong na rin nila ako sa lupa. Wag lang akong buhatin.

Minsan gusto ko na lang mamatay.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...