Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Thursday, March 24, 2011

Kakaibang Katol


Nag outing ang team namin nung isang araw.

Plastado ako'ng nahiga ng kama kahapon pagkagaling sa Muning Buhangin, Batangas. Pagod ako pero masaya. Ang tulog lamang na nagawa ko ay nung nasa sasakyan na ako pauwi'ng Bulacan. Sinimulan ko'ng isulat itong blog entry na ito, pero nakatulugan ko din. Paggising ko, hindi ko pala naisara ang facebook ko at twitter, sandamakmak na "gising ka pa ba?" at "Nasaan ka na?" ang natanggap ko.

Masaya. Sobrang saya ng grupo'ng ito. Gabi pa lamang ng abente-dos ay maingay na kami sa sasakyan habang papunta sa Batangas. Napag usapan ang kakaibang kulit ng kasamahan naming si Paolo. Biro ko nga, KAKAIBANG KATOL ang tinitira ng taong ito.

Sample ng kakaibang katol na gamit ni Paolo. Siya yung naka pula.

Matagal ko nang na witness ang kakaibang katol na ito. Pitong taon na ang nakakalipas, kasama ko din si Pao sa ibang kumpanya.
Umalis ako sa kumpanyang ito, at nag trabaho sandli sa IBM. Lumipat ako sa 2/7 mga higit 2 taon nang nakakalipas at nakasabay ko sa orientation si Pao. Naging magkaibang teams kami until recently, nadissolve ang team ko, kaya't naabsorp ako sa team nila. Sa unang pagkakataon, nakasama ng iba naming mga kaopisina si Pao.

Nagkataon naman na masaya ang panahong ito para kay Paolo dahil ikakasal na siya sa unang linggo ng susunod na buwan. Kaya't malamang, KAKAIBANG KATOL nga ang nahitit nito, high na high at inlab na inlab.

Minsan naiisip ko, masaya siguro sila kasi may mga kasama sila sa buhay nila. May mga naiiyakan kung kailangan, kaya hindi mo na kailangang dalhin sa labas ang mga problema mo. Pwede na, kung baga.

Keri na gurl. Kaya ko ang mundo kasi kasama kita.

Nakakainggit ang mga may ganun, di ba? Kahit sabihin nating hindi JOWA. BEST FRIEND lang. Yung alam ka mula loob at labas, pinta na nila kung ano ang timpla mo sa araw na ito, alam na kung paano kikilos at paano magsasalita kung sakali mang badtrip ka.

Alam nila kung anong button ang pipindutin kung baga.

At syempre, papipindot ka naman.

O siya, maaaring mukha kang nagkatol, pero, you're definitely fun to be with when you're high on love.

Paolo Miguel Puzon, Congratulations and Best Wishes.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...