Mahirap pakisamahan ang tatay ko, pero tahimik siya. Animo'y siya lang ang nakakapagpatahan sa aming magkakapatid at nakapagpapaamo sa leon naming ama.
Minsan ko nang nakita siyang lumuha. Tulad ko, hindi siya naging malayang bata.
Marami siyang bagay na hindi naranasan bilang ina. Bahagi na rin ng limitasyong ibinigay sa kanya ng Diyos. Walang gatas ang nanay ko, Hindi ko naranasang mabreastfeed. (Ahhh... kaya pala...)
![]() |
Opo, Ako yung bata |
Noong maliit ako, siya ang dahilan bakit ayaw ko maligo. Mabigat ang kamay niya. Hindi niya maperpekto ng pagiging housewife. Nasanay siya nang may yaya. Malaking lihim ng aking ina na maikli din ang pasensya niya. Hindi lang niya pinahahalata, dahil may breeding siya.
Kunsintidora siyang Lola.
Kung paano niya napapaamo ang tatay ko, hindi ko alam. Iisa lamang ang alam ko. Mula nang mamulat ang aking mga mata hanggang sa ipikit na ng tatay ko ang kanya... Nakita ko kung paano sila magmahalan.
Ang ina ko ang nag-iisang tali na nagbibigkis sa amin, at ang iisang puwersa sa pagsasama sama namin. Kung hindi dahil sa kanya, matagal ko na sanang tinalikuran ang aking mga kapatid, at malamang, ganoon rin sila.
Lola ng bayan. Pati mga kapitbahay namin, Lola ang tawag sa kanya. Lahat ng mga kaibigan ko, gusto siyang maging nanay. Pag puyat ako, puyat din siya. Pag problemado ako, problemado din siya.
Kayat sa araw na ito, Mumsie...
Happy Mother's Day
No comments:
Post a Comment