Nag retreat lang muna ako dito: TALISAYEN COVE. |
Sa iPod ko lang kinunan ang tanawing ito. |
Bueno, Basahin ninyo o hindi ang tungkol sa aking Talisayen Adventure, IKUKUWENTO ko pa din. handa na ba kayo, mga bata?
Simulan natin ang adventure sa Pundaquit. Hindi na naman siguro ninyo gusto nang malaman na medyo na delay kami ng alis mula Makati dahil natraffic daw si Kuya Denver (isang chinito at cute na chub na driver namin)
Any way, sa Awa din naman ng Panginoong Maykapal at sa pagpapala ng Espiritu Santo ay nakarating din naman kami Sa Pundaquit, ang drop off point. Madaling Araw na kami nakarating doon at kailangan mo pala talagang dumaan sa may sementeryo ng madaling araw para makarating doon. (Hindi sinabi ni Sergio Sabayangkokak yun)
Ang Nakakatawa pa ay tinatawagan namiin siya para malaman kung saan kami magpa-park, at ang sagiot niya ay isang cryptic na, "ANDITO NA AKO SA LABAS."
Dumungaw kami sa labas ng bintana, at puo malulusog na asong gala lang ang nakita namin. Kasing FURRY niya, pero not quite Sergio Sabayangkokak. Madilim pa naman papuntang pundaquit. Parang mga series ng endles bridges at mga kakahuyan lamang ang makikita mo. Nagtatakutan kami sa loob ng Van.
Pundaquit Beach: Bago kami pumalaot papuntang Talisayen. |
May nakasalubong kaming mama na nagmamaneho din ng van. Sundan daw namin siya, dadalhin daw niya kami sa pupuntahan namin.
"Hala, "sambit ng isa sa amin, "Baka mamaya, hindi tao yan, dadalhin tayo sa hell, OMG!" Ang tao nga naman, tinutulungan ka na nga, pag-iisipan ka pa ng masama. AT RIDICULOUS, ha? Sosyal naman si Satanas, naka van pa at convoy kung maghatid sa impyerno.
Nagkalat ang mga rock islands sa Zambales. |
Well, sa madaling kuwento ay nakarating naman kami sa Pundaquit beach, kung saan may kubong naghihintay sa amin at isang masarap na Bisayang Adobo. (Bisaya si Sergio Sabayangkokak, at pinaghanda niya kami ng Humba)
Natulog kami kung saan saan, at paggising ko, aalis na kami. Nakalimutan ko'ng magcharge ng iPod, kaya kokonti lang ang nakuhanan ko'ng mga sights.
Maganda ang tananwin papuntang Talisayen. Lagpas ito ng Anawangin, at mabato ang dagat. Ibig kong sabihin, maraming bato ang nakausli sa dagat, magandang pagkunan ng mga Dyesebel movies.
360 degree shot ng Talisayen Cove |
May mga kubo sa dalampasigan. Very rustic. Malamig sa loob ng kubo, walang kuryente. Kanya kanya kaming puwesto. Ang bawat kubo ay ganito: Kubo na walang laman sa loob, ang papag ay nasa pagbaba ng hagdan sa ilalim ng silong, may katabing mesa, may 2 poste ang silong kung saan ang duyan ay nakasabit.
Natural, hindi lang naman mga kubo, buhangin at dagat ang meron sa isla. Pagkatapos naming makapagtampisaw sa dagat ng kaunti, nagtanong tanong kami sa mga tao dun. May forest trail sa Talisayen papuntang batis, na sa tingin namin ay isang malaking ilog noong unang panahon, at may Falls daw sa dulo.
Syempre nang tinanong namin sila, "mga kalahating oras lang naman papunta dun."
Yep. klahating oras kung batu-bato ang katawan mo at sumasali ka sa mhga IRONMAN Competitions. Kung champion Triathlete ka, ay malamang 30 minutes nga lang nandoon ka na.
Pero dahil pangkaraniwan lamang ang mga KATAWANG-LUPA ng mga kapwa ko FROGLETS, Dalawang buong oras ang itinagal ng lakad nnamin papuntang gilid ng bundok para mahanap ang falls.
Sabayan pa ng init ng patanghaling araw, ang mahaba at mabato'ng tahakin sa gitna ng gubat, ang lumot na nakabalot sa mga bato sa nababad sa tubig ng sapa... AT ang mya 70-degrees na mga bato na kailangan mong akyatin papalapit sa falls.
Ilang gamit namin ang nahulog na ni hindi na namin nilingon. Yung shades ko, at yung Yosi nina Jacqui.Ayaw namin siyang lingunin, dahil malulula kami. Hindi mo naman kasi alam na mataas pala ang kababagsakan mo at MATATA:LAS na bato ang naghihintay sa iyo sa ibaba.
So alam mo na kung saan nanggagaling ang mga Iron Deposits sa mga bato na nakita mo bago nakarating sa ilog. Galing sa dugo ng mga nalalglag sa cliff.
Biro lang.
Pero yung halos MAMATAY MATAY ka na sa hirap at uhaw, PAWING PAWI pagdating mo sa ilog. Sayang lang hindi ko nakunan ng litrato yung pinakataas ng mga falls, pero yung maliliit na falls, eto yun.
Hindi mo na maiisip na tanggalin ang sinelas o sapatos mo pag nakita mo ang POOL sa ilalim ng Falls. Tambog kung tambog. Wapakels na nag-alsahan ang mga lumot na nakakapit sa mga bato. Malinis ang tubig sa batis, pero, nakapitan na ng lumot ang mga bato. Kaya lang nag alsahan ang mga lumot ay dahil walang masyadong nakakarating dito.
Pabalik ng beach, naligaw pa ang mga kasamahan namin. Sinundan nila ang ilog kung saan umiikot ikot ito, at napadpad sila nang muntikan sa kabilang property. mga kalahating oras din bago sila nakabalik sa tamang trail. Binibiro namin sila na baka sa Anawangin sila makarating, (na sabi naman ay hindi malayong mangyari)
Pagbalik namin sa kubo, LAFANG kung LAFANG na parang mga mababangis na hayop. Pagkapaos... TULOG. Buhay batugan ang eksena.
Konting inom, konting tulog, konting gawa ng sand castles. May ritwal ako'ng ginagawa kapag pumupunta sa beach. Gumagawa ako ng sirena sa buhangin. Hindi ko alam kung bakit, pero every time yun na makakakita ako ng buhangin sa tabi ng dagat, gagawa at gagawa talaga ako ng sirena. Tapos hahayaan ko siyang anurin ng dagat pagsapit ng gabi.
Pagsapit ng gabi,saglit lang may kuryente, dulot ng generator.
Gumawa kami ng Bonfire.
So, sa ikalawang araw, lumubog at sumikat ang araw.
Paggising namin, umakyat na naman kami ng bundok. Yung isang bundok sa Talisayen, nilalagyan nila ng man-made trails, mga bidges at isang terrace. Inakyat namin yun. Hindi ako umakyat hanggang tuktok kasi naman, ang Lolo Moises mo, hinihingal na sa katandaan.
So I took this photo instead.
Pagbaba namin ng bundok, inalmusal namin ang mga pinulot na kasuy ni Paolo Romualdo de Ramos. Niluto niya ang mga ito sa makeshift na kawa at sinaing sa buhangin.
Contest ito paano buksan ang mga kasuy.
Pag uwi namin, pinabaunan pa kami ng may ari ng resort ng isang kaing ng mangga. Isang linggo na, hindi ko pa din tapos ubusin. Nahinog na siya sa kusina namin.
May kuwento pa ng nawawalang kusinero at ang driver... pero saka na lang iyon.
May kuwento rin ng pag-ibig... pero saka na lang din iyon.
Chorvahan?
I can assure you... as usual. Walang chorvahan para sa palakang petot.
No comments:
Post a Comment