Below each photograph is a link kung saan may explanation sa fairytal na nakapicture, o ang original version ng story. Feel Free to click on these links para hindi kayo naliligaw. Sabihin ninyo, "Putanginampaksyet naman itong si Gooeyboy, hindi ko maintindihan ang sinasabi!"
Sa extended version ng Sleeping Beauty, inanakan si Talia habang natutulog, at nagising ng kambal na anak, hindi kiss ni Prince Charming. |
Imagine mo naman you're reading these stories to a 2 year old or a 3 year old, ni hindi mo alam kung ano pinagmulan ng stories na yan. Hindi mo Alam na kahit ang standard version ng Grimms FairyTales ay na-BAN sa Europe because of it's explicit content? At ito na po ang mga versions na familiar tayo, Si Cinderella at ang slipper niya na hindi magkasya sa mga sisters niya, ang mansanas ni Snow White, ang Witch at sina Hansel and Gretel? Kilala na natin sila, at alam na natin ang mga versions nito. You're reading stuff like incest, rape, pedophilia, premarital sex, paricide and robbery sa mga anak ninyo nang
hindi ninyo nalalaman.
hindi ninyo nalalaman.
Syempre, ang siste, tinuturuan kasi natin ang mga bata ng values. May values ang mga stories na ito. Pero mas malalim na dahilan because these are very important rules for survival.
Nagsimula ang unang unang Fairytale dahil sa chismis.
I'll give you an example: Little red Riding Hood (otherwise known as Little red Riding Cap).
Little Red Riding Hood was a rape victim |
Original Chismis version na kinuwento ng isang daldakinang mananahi sa kapwa mananahi, circa 1400s (tagalized for your convenience): "Alam mo ba, yung anak ni (chorva-chorva), pinapunta sa lola niya, hindi na nakabalik? Ayun, nakita nila sa gubat, ginahasa at pinatay, pinalakol sa ulo pagkatapos. Kawawa namang bata, ke ganda ganda pa naman, ang pula pula ng labi."
Ang fairytale version syempre, ginawang batang babae ang dalagita, binigyan ng idnetifying mark kesa red lips (kasi nga sexual ang red lips, e) so red na cap, o hood. Ang rapist ay ginawang lobo, na itinuturing na tuso, bantay-salakay at napapagkamalan mo'ng maamong aso kung eengot-engot ka. In the same light, ganun din naman ang mga rapist e. Charming pa nga ang mga yan, pero bantay salakay. Minsan sira pa ang ulo. minsan yung akala mo sira ang ulo ang matino at ang matino, yun ang GAGO. Kaya sa story, hindi lang ang rape victim na si Little Red Riding Hood ang pinuntirya niya, kungdi ang walang kamalay malay na lola din nito, na may sakit pa naman. May version ng Little Red Riding Hood na hindi nakaligtas si Red. Pinaghubad pa ito at pinatabi ng Wolf sa kama. All versions of this story pertain to rape, taking advantage of someone's innocence.
Ngayon, alam mo na kung bakit sinasabi ni Red na, "Oh my! What big (chorva ) you have!"
Si Goldilocks ay pinalit sa totoong kontrabida ng Three Bears Story. | Click here to find out who she was |
May mga story na basic ang plot, pero lintek kung dumaan ng publicity. May dagdag bawas, pero infairness, ang lesson is the same. Tingnan naman natin ang The Three Bears. Teka, di ba GOLDILOCKS AND THE THREE BEARS yun?
Goldilocks wasn't even part of the Three Bears story! Paano nangyari yun, e, alam natin SIYA ANG BIDA? Kaya nga top niya ang billing, e. WRONG. Nung nagsimula naman ang spice girls, parepareho ang billing nila, pero mas sikat kasi si Ginger Spice, so mas malaki name niya. Pero let me explain at malalaman ninyo kung bakit sa simula, it was just called, The Three Bears:
Isang matandang babae na mura nang mura si "Goldilocks" |
Sa original version ng The Three Bears, ang mga bears talaga ang bida (kahit ngayon naman, e. Mali ang ginawa ni Goldilocks, ano?) Ang kontrabida ay isang matandang babae na mura nang mura at sinira lahat ng gamit nila. Ang gentle bears, nagalit, at pinatay nila ang salbahe'ng matanda. So, hindi daw bumebenta na pinarusahan ang isang matanda, ginawanilang cute na cute na blonde na bata si Goldilocks. (pero mali pa din ang ginawa niya) May version na "Scapefoot," kung saan hindi bata o matanda kundi FOX ang "Goldilocks."
Mas malamig nga naman siya sa paningin kesa sa wolf o hag di ba? |
Anyway, maraming maraming fairytales para ikwento ko sa inyo kung ano'ng pagbabago ang ginawa sa kanila para maihain ninyo ng mabui sa mga anak ninyo. Napakaraming versions at napakaraming magtataas ng kilay sa mga pinanggalingan nila.
Pero kasi naman iisa lang naman ang kinababagsakan niyan, e,
Wala namang madaling paraan ng pagtuturo sa bata kung paano mamuhay. Hindi pambata ang mga fairytales. Itinuturo nito ang mga bagay na kahit tayong matatanda na, ay dapat gumalang sa pag-aari ng iba (Goldilocks), huwag magsisinungaling (Pinocchio), huwag maiinggit (Snow White), huwag magyayabang (Rumplestiltskin). Mag ingat sa mga bagong kakilala (Little Red Riding Hood at Hansel and Gretel). Tratuhin nang pantay-pantay ang mga tao (Cinderella)
Ang problema kasi sa mga fairytales ngayon, inaalis nila ang totoong mga meaning ng mga kuwentong ito, at MALI ang natututunan natin. Wala na sa orihinal na konteksto minsan. Tinuturuan tayong maghintay kay Prince Charming, sa isang magical beanstalk, magic lamp, kahit kabibe. Hindi ito ang magic ng fairytales.
O, ngayon, aniniwala ka ba sa fairytales?
No comments:
Post a Comment