Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Monday, November 15, 2010

Wee Wee at Poo Poo

Putanginampaksyet. Pati pag ihi, pag uusapan na natin dito. Oo. ang iba't iba'ng paraan ng mga kalalakihan kung paano umihi at tumae. All in the name of toilet humor.

Kaunting disclaimer lang, dahil ayaw ko naman na pag namukhaan ninyo ako, ay umiwas kayo sa akin kapag nakasabay ninyo ako sa public CR. Ang mga sasabihin ko sa inyo ay pawang mga obserbasyon ko lang. Hindi ko ito ginagawang hobby. Wala din ako'ng pakelam kung malaki ang tingalingalingdingdong ninyo at MERON AKO NIYAN. 



Iba't ibang paraan kung umihi ang mga lalaki. Iba-iba sila kung umihi. Merong parang nagdadasal, Nakapikit ang mga mata at parang nagneneditate. Merong matindi ang concentration, nakakunot pa ang noo. merong mga kumakausap sa mga patotoy nila. Merong nakatingala, kinakausap ang kisame. Merong COMBO, nakatingala, nagsasalita, nakabuka ang bibig. Ang isa sa pinaka disturbing na napansin ko, yung umuungol habang umiihi, saka yung KUMAKADYOT-KADYOT
pa. Merong nagbubuntung-hininga, may tahimik, may nakasandal pa ang isang kamay sa pader, may nakapamaywang pa.

Like na like ko din yung mga guys na pagkatapos umihi, ay kinikilig. Shet. ansarap, ano? Para kang nilabasan, pare?



Meron din namang DEFENSIVE. Sa sulok pumupunta, palingalinga na parang maglalabas ng BOMBA. Merong takot na takot masilipan (hello? homophobic?). Ito yung mga lalaking naliliitan sigurpo sa kalembang nila o kaya, talagang mangmang, at akala mo mamanyakin sila, hindi naman sila kasarapan.


Ang pinakapaborito ko yung nagdi-dirty talk habang umiihi. Nagulantang ako dun. Napatapos agad ako ng pag ihi ko nang marinig ko na lang siyang umungol, magsalita, "Shit, shit... Oh, yeah, oh man... haaaaaahhhh..."

Tangina, parang nilalabasan si gago.

"Oh my God, Oh my G-g-g-g-o-o-hd..." humabol pa.


Equally entertaining ang mga lalaking tumatae.

Naranasan mo na ba'ng umiihi ka, o nag-aayos ka sa harap ng salamin, at napansin mo na lamang na may tao sa cubicle, at based sa mga plok-plok sounds and grunting... alam mo nang TUMATAE siya. May mga kuntodo mag prepare, sinisugorng COMPLETE paraphernalias. Kahit magbaon ng sariling roll ng tissue, may sabon, isang tabo ng tubig. At meron pa'ng nagpapabango. Alam na alam mo na juding ang jumejebs. Amoy burberry. Obvious kasi kung yung Victoria's Secret ang inispray mo. Baka lumabas pa yung ibang guys, hindi makaihi kasi akala nila nasa Ladies Room sila.

Ganoon din, may umuungol, may nagsasalita, may nagmumura. Mas common ang mga nagmumura. Minsan natakot pa nga ako may sumusuntok pa sa pintuan. "Arrgh! ARRRGH!!! TANGINA, ILABAS MO NA, SHEEET!!!"


"OH my GAHD! ang laki!!!!! Tama na... tama na... ayoko na..."

Tiningnan ko pa nga sa ilalim kung 2 pares ng paa ang makikita ko. Awa naman ng diyos, NAGIISA LANG SIYA sa cubicle. akala ko kasi, may tumitira na sa pwet niya.

May theory ako sa mga ugali'ng ito ng mga lalaki (hindi pa kasi ako nakakapanood ng babae'ng umiihi o tumatae.) kapag umiihi o tumatae.

Ngayon, THEORY lang ito, bato-bato sa kidney, ang tamaan may kidney stones. (weh?)

Kapag ikaw ay mas nasasarapan umihi kesa tumae (mga umuungol, kumakadyot, kinikilig) ikaw ay TOP, at bottom ka kung nire-relish mo ang sensation na tumatae ka. Bigay na bigay ka sa pag jebs kasi may dumadaan na malaki, medyo matigas at mahaba sa iyong pwerta, este pwet.



KAHIT HINDI KA BAKLA... dude, kung naging bakla ka, alam mo kung ano ang classification mo, kung tatae ka o iihi ka.

So, ika, ano mas trip mo, UMIHI o TUMAE?

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...