Bumibiyahe ako araw-araw mula Meycauayan papuntang Makati. Bawat biyahe, depende sa oras ng pasok ko, ay nagkakahalaga mula 250-300 piso sa papunta at higit kumulang 100 piso pauwi. Ibig sabihin, nagagastusan ako ng mula P6,000-P8,800 kada buwan.
Bukod sa gastos ng pamasahe, 2 oras ang biyahe paluwas, at 2-3 pauwi, depende sa traffic. 4-5 oras ang nawawala sa buhay ko kada araw, 4-5 oras na sana ay itinulog ko, o pinanood ng sine, nakipagdate, nakipag chorvahan, nakipag inuman. Ang dami mong magagawa sa 4-5 oras sa isang araw.
Kuwentahin mo pa ang biyahe na iyon sa isang buwan... Sabihin na nating 5 oras ang kinuha ng traffic sa EDSA, ng mga bus na ginagawang terminal ang bawat bus stop, at ng mga taxi'ng ayaw magsakay kapag umuulan. 110 oras sa isang buwan ang ginugugol ko sa biyahe. Ang 110 oras ay 4 na araw at labindawang oras.
Ano na ang magagawa mo sa 4.5 na araw? Nakapagpart time na ako ng isang linggo'ng trabaho sa panahon na iyon. Nakapag Boracay na ako at nakabalik sa Manila. Nakapamasyal na ako sa Universal Studios, sa Angkor Wat, o nakapagbakasyon na ng sulit sa probinsya.
Noong nagrerenta ako ng bahay sa Makati, hindi umaanot ng P7,500 kada buwan ang gastos ko, buo pa ang pahinga ko.
Hindi umaabot sa kinsenas ang sweldo ko, at madalas na akong kinakapos. Isama mo na na kinukupitan ako ng pamangkin ko AT NG TATAY NIYA kapag pagod na pagod ako.
Tingin ko, mas malayo ang mararating ng pera ko kung sa Makati na ako titira, hindi kaya?
Kung may alam kayo na maaari kong upahan, mangyari lamang po na mag iwan ng contact ninyo sa pahinang ito.
Be One of My Froglets
Search This Blog
Sunday, June 26, 2011
Byahe'ng Meycauayan to Makati (and back!)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment