Hindi kalakihan ang nilipatan ko'ng lugar. Dormitoryo sa Mayapis, hati kami ng kasamahan ko sa trabaho sa renta. May isang kwarto, kusina, banyo, kainan. Umalis ang kasama ni Ekis Girl kaya enter Gooeyboy the roommate.
Alsa balutan ako 2 weeks ago. Dala ang ilang bagelya ng mga kabaruan at kachorvahan, ilang sapatos, panloob, isang laptop at ang aking iPod.
Masaya ang unang linggo ko. Unang restday ko sa bagong tirahan ay gumalur agad kami sa Oktoberfest.
Kinabukasan, inuman kina Gold sa Las PiƱas. Sa unang pagkakataon nasilayan ko sa personal ang best friend niyang kinahuhumalingan ko. Inakbayan pa ako sa retrato'ng itey:
At bago matulog, Nagpaalam pa sa akin. Gusto ko siyang sagutin ng, "Sige, dear, susunod na ako."
Naloka si Golda, hindi napigilang maglupasay sa sahig. True story.
Mahuhusay naman ang mga bago kong team. Maya't maya kami uminom. Maya't maya kumain. Malakas humakot ng mga GCs ang mga ka teammates ko.
Nag eenjoy ako sa bago ko nilipatan. Nakagastos nga lang ako malaki para magmukha namang kwarto ang nilipatan ko. Tulad ng inaasahan, uutang na naman ako ngayong umaga kay Yuchengco via my Bankard.
Keribooms naman.
Dami gwapo, gagala ka lang ng konti, konting rampage, boom.
May makikipaglandian na kaagad sa iyo ng tingin.
Inuman, madami. Gusto ko pumunta sa B-Side kapag linggo. Irie Sunday, reggae music at mga rasta. Masaya dito sa nilipatan ko.
Basta makaipon lang ulit, bibili ulit ako ng paint set, kaso hindi kumpleto ang acrylic sa Cash & Carry. Hindi ko naman feel mag oil. Matagal matuyo.
O siya, inom muna ako dito sa A-Cue-Stick.
No comments:
Post a Comment