Buti na lang wala pa'ng artista ang gumagamit ng ganoong pangalan. Meron Assunta...pero Imaculada, wala pa.
May expression ako dati... "Mahabaging Ina ng Laging Saklolo naman o!" It never really caught on. Ewan ko ba kung bakit.
Bakit kapag pasko mas sikat si Santa Claus kesa kay Jesus? Aminin, pag nababanggit na merry christmas, mas naaalala mo ang regalo kesa magsimba. Korek? Pag bata ka, naeexcite ka at makakatanggap ka na naman ng mga bagong gamit; Pag matanda ka, namumuroblema ka dahil ikaw ang bibili ng bagong gamit para sa iba.
Kokak.
24/7 ang oras ng trabaho namin, nag aagawan sila kung sino ang magpa-file ng VL, inuusisa kung may shift, inuusisa na din kung sino ang ppobre'ng magpapasko sa opisina. Sa team namin, 3 araw ang hindi daw magpapasko. 2 padre de familia at isang soltera. Malamang wala din silang calls magdamag.
Suggestion ko nga, mag role playing na lang sila dun, tutal pwedeng may mag Mary, Joseph at Baby Jesus. O kaya, sila ang tumawag isa-isa sa mga customers at ramdom, greet sila ng Merry Chrisrtmas.
Napa-fast forward ata ang topic ko. Si Imaculada Concepcion ang topic nain sa blog na ito. Which goes back to the point, BAKIT HINDI NA SIKAT SI MAMA MARY?
Napadaan ako ng EDSA Shrine papauwi. No, hindi ako bumaba para magdasal. Nasa loob ako ng bus. Nangingitim na ang bronze statue ng Our Lady of Peace. Nung namatay si Cory, punumpuno ng yellow ribbons ang paligid ng simbahan. Ngayong feast day na naman ni Mama Mary bukas, wala na namang kinang ang Shrine. Lahat ng tao nagmamadali. Natabunan na siya ng mga flyovers at mga highrise. Mas marami pang tao na nakatambay at bumubooking sa mall kesabisitahin siya.
Nagmamadali ang lahat ng mga tao at nakalimutan na siya. Napagiwanan na siya.
I sooo know how that feels.
May magbasa kaya ng blog ko kung si Mama Mary ang topic ko? May magattempt kayang mag comment kung hindi na sex ang ipinuputok ng butsi ko? Pano kung isang araw, nagpipreach na ako ng tngkol sa Diyos at inaaya na ang mga tao na magsimba?
Sensya na, sasabihin na naman ninyo, sa tagal ko nang hindi nagsesex, nagkaganito na ako.
Lumaki ako sa harap ng altar. I spent 15 years serving at my local Parish. Ang nanay ko, araw araw nagsisimba. May mga pinsan akong pari from both sides. Si Kuya Ding, Rector ng Manila Cathedral. Sya din sana nagbigay ng last rites sa Daddy ko kaso naunahan siya ng Chaplain ng hospital. Pinagmisahan na lang niya sa bahay ang Daddy nung burol niya.
So, hindi ninyo alam ang side na yun ng buhay ko ano? Hndi ninyo alam na ang unang babaeng minahal ko, nagmadre. Hindi rin ako agad nakaget over dun. Matagal akong hindi nagsimba. nang namatay ang Daddy ko. Feeling ko iniiwanan nila ako palagi.
Alam ng ex ko ang mga sentimyentong yun, pero iniwan din niya ako.
Araw araw, nakikita ko si Mama Mary sa EDSA.
Bukas maggi-greet ako sa kanya ng happy feast day.
Alam mo ba na Feast day din ng pilipinas ang Feast ng Immaculate Concepcion? Siya ang patron saint ng bansa natin. Parang flag bearer natin sa Roma. Kaya nga ang Manila Cathedral ay Shrine to the Immaculate Conception e.
Di mo din alam yun, ano? Alam mo lang, magandang gumimik at mag date sa Intramuros.
2 comments:
dalawa ang ninonovena ko buwan-buwan (oo, nagnonovena ako mula pa noong natuto akong umintindi sa binabasa ko). ang isa, "Novena sa Hamili nga Kasingkasing ni Hesus" (Sacred Heart of Jesus). ang isa naman, "Novena sa Inahan sa Kanunayng Panabang" (Mother of Perpetual Health). hindi ko naisip na pwede palang ganun ang tawag sa Tagalog. "Mahabaging Ina ng Laging Saklolo". ngayon lang.
Kala ko naman sino yung nag-comment na Imaculada Concepcion! Akala ko naman parang si Bro lang... Kala ko may apparition na at manggagamot na ako.
Yun pala Elsa ang dating ko, "Walang himala."
Post a Comment