Nang lumingon ako ay nagsorry si gurl, "Pareho kasi kayo ng isang kasama namin ng bihis at ayos."
Months later nang kulang kami ng stations ay naupo ako sa dulong part ng floor, kung saan nandoon ang team niya. OMFG. Magkaiba lang ang kulay namin at nakatupi ang manggas ng polo ko. Pareho nga kami pumorma.
Ako po ito. Hindi siya. Ronnie po ang name ko, hindi binaliktad.
Another wierd thing is his name. Oo, people call me Ron. Pero Ronnie ako talaga since nung maliit na tadpole pa lang ako. Sige na nga, ayoko nagbabanggit ng pangalan except sa kaaway ko, pero for the sake of illustration, aawayin ko n lang siya. lols. His name is my name spelled backwards and the O is an A.
Gets?
May laruan ang pinsan ko dati na GI Joe, yung kambal na Cobra generals, sina TOMAX and XAMOT, na pag tinapat mo sa mirror, they spell each other's name.
Argh. Wag ganito. Pagpalagi ko iniisip, nagiging crush ko e. Maganda pa naman mata niya, parang si Wendell Ramos. Napagpantasyahan ko na ata yun minsan dahil wala ako maisip. Kaasar. Binalak ko na minsan i-add sa Facebook ko, pero wag na lang... ayoko. magulo. Haharap na lang ako sa salamin palagi.
Enwei, mukha namang nagbabago na siya ng wardrobe at ganun din ako, kaya nga kahit na ano'ng i-suggest na ibenta sa akin ni Yvette, binibili ko na lang e.
Para maiba naman.
Ang takot ko lang, baka naman magkapareho na naman kami ng taste. GRRRR.....
4 comments:
nakakailang nga pag pareho kau ng porma ng kasama sa trabaho. nangyayari rin madalas sakin yan eh. para lang kaming may production number sa office.
dumaan at nakibasa lang.
ayoko talaga ng may kapareha. kahit sa pananamit lang. ayoko ng ginagaya itsura. nakaka-asar yun.
pero, naisip ko na kung merong isang tao na hawig na hwaig ko at halos maging kambal ko na. siguro magkakagusto ako. haha.
naku-cute-an na nga ako sa kanya e...
Kuri, i-follow mo na kaya ako?
Post a Comment