Be One of My Froglets

Search This Blog

Sunday, January 31, 2010

If You Don't Want Me To Talk About My Past, Then Give Me A Present and a Future!!!

...because as I've been told, I don't have a life. Sino ba nman magkakaron ng life sa nangyayari sa akin? Bigyan ko kayo ng sample ng schedule ko ha?



4:00am- gigising, 1st breakfast (explain ko mamaya)
4:30am - maliligo
5:00am - magbibihis
5:30am - byahe papuntang work (hindi ko na idedetalye ang hirap pappuntang trabaho.
8:00am - Arrival at work and 2ng breakfast (Yung kinain mo kasi pagklagising, NATUNAW mo na habang nagbiibiyahe ka ng 2.5 hours, at kailangan mo ulit kumain dahil 5-5.5 hours bago ka payagang kumain ulit ng work force... at QUEUEING, kahit magbaon ka ng food sa station  mo, ni hindi mo matitingnan sa dami ng putangfinang tamad na hindi marunong mag probe ng simple questions at pasa lang ng pasa ng trabaho nila sa ibang tao.)
9:00am - Login
2:30pm -LUNCH. (kita mo na ung time difference ng 2nd breakfast at Lunch? Hindi malayong sundan ko si Tita Cory sa colon cancer sa ginagawa sa akin dito.
6:30pm - if you notice, nag over ang time ng work kasi mali ang MATH ng nagsabing lkelangan mag OT ang mga tao dahil bagsak ang service level. PAANO KA MAKAKATULONG SA SHIFT KUNG ANG OT MO, WALA NAMANG TAWAG? Nonsense.
7:30pm - Ngayon pa lamang makakasakay sa bus/o MRT. o kunf saan makasingit.
10:30pm. Home Sweet Home, kakain, facebooko-facebook.
12:00mn - makakatulog
3:30am - gigising ulit (pansin mo mas maaga kasi hindi parepareho ang binibigay ng workforce na daily sched. mkinsan paaga yan ng paaga at paikli ng paikli ang tulog at pasensya ko.



O, SINO NAMAN ANG MAGKAKA- LIFE NYAN? 

Tama ba na isisi ang queue sa 4 na tao na nagresign, SAmAnTALANG  NAGRESIGN MGA SILA DAHIL SA QUEUE? 

Saan naman ako kukuha ng positivity araw araw niya, di ba? Minu-minuto taong galit o namumuroblema kaharap mo.




Wala naman ma meet na bagong tao. Kagabi  lang, gigimik sana ako mag isa, sumakit naman ang sikmura ko. Hindi ko na alam gagawin ko, para akong prisoner.

Kelangan ko ng tawa. hiug. jerjer. kiss. holdinghands, joke, iyak, biro, away, kiskis, kandong, katabi, kausap, kasabay kumain, kasabay matulog, mahihingahan ng sama ng loob, masasabihan ng ILY.

I admit wala akong life at mainit ang ulo ko. Hindi ba halata? Nagrereklamo ka dahil nagrereklamo ako pero hindi mo naman ako tulungan... Simple lang naman. samahan mo ako kasi pansin mo yung buong araw ko walang interaction sa ibang tao.



Kumusta di ba? Aawayin m,o pa ako sa facebook. Magiging bitch nga ako niyan.

Friday, January 29, 2010

Kung Lalaki Ka, Alam Ko'ng Ginagawa Mo Ito

Again, this was also from my Multiply blog, circa 2008:

DISCLAIMER: If you're CONSERVATIVE, pls DO NOT read this!!! MALAPIT NA KAYO'NG MA-EXTINCT MGA PUTANGINA NINYO.


And yes, this IS about JACKING OFF...
Yes. It is called by many names.



Badgering the witness
Beating the fuck out of your best friend
Cheating on your other hand
Firing the presidential staff
Foreplay with Fistina
Freeing Willy
Getting your palm red
Giving yourself a helping hand
Giving yourself a low five
Having a play date with your little friend
Having a puppet show in your pants
Having a staff meeting
Launching the morning missile
Making the bald guy cry
Making the llama spit
Manhandling your man-handle
Milking the bull
My sex life! (Okay, that one's more sad than funny)
One-handed workout
Playing the stand-up organ
Practicing for the Big Game
Rapid one arm pull-ups
Romancing the bone
Rubbing the Buddha for good luck
Running in single-user mode
Sanding the obelisk
Sending yourself a hand-job-o-gram
Shaking hands with your wife's best friend
Shaking the hand of the self-employed
Shooting tadpoles at the moon
Slapping the big-nosed Rasta man
Spending some quality time with yourself
Stroking the one-eyed burping gecko
Swinging the purple-veined kidney stabber
Target practice with the yogurt gun
Tenderizing the tube steak
Test-firing the meat missile
Tube sock tango
Warming up the altar boy's dinner
Zygote spraying



Here are dozens more names we call it. But quoting from Shakespeare; "A rose, by any other name smells just as sweet." Funny i should compare Jacking off with a rose. Might as well, since it is my only companion, and the only way i get off. Anything i cannot get from anyone else, I get from my five-fingered friend.

I think it's the saddest thing in the world, to be able able to be satisfied ONLY by being with yourself. And What's sadder is the reason: That anyone willing to be with you is only there to get the most out of you.

They will complain if you don't perform, but not perform themselves.

I think it's ridiculous.
And sad.

That no one is willing to make you happy.

Quoting from a blogger online: "Kindat, Kalabit at Kantot"

"Gwapo, type mo. Konting kindat at siguraduhing pansin ka rin niya. Lalapit, makikipagkilala, mahuhulog na ang loob mo. Ulitin uli, Kindat, Kalabit at konting hipo. Sa isang kurap ng mata, kayo na. Kindat, Kalbit tapos Kantutan na.


Walang masama dun at hindi ako naniniwalang kasalanan ang sex sa kahit anong kundisyon maliban nalang sa rape.


Magbihis na. Tapos na ang lahat. Nagamit mo na siya at nagamit ka na rin niya. Masaya na kayo pareho.


Pero wag kang aasa sa mas matagal at malalim na relasyon.


Yan ang relasyong M2M."



So I'm sticking to my boyfriend.... MABUHAY ANG KANANG KAMAY!!!! (kaliwa yung nasa picture)
This is soo sad...

PS: This Blog Has NOTHING to do With YOU but EVERYTHING to do with ME

I will definitely CELEBRATE this weekend. My change has gone FULL CIRCLE. Vindicated, relieved and elated.




Sinabi ko naman sa iyo ganun ang gagawin niya di ba? Hindi ka ba nagtataka at sobrang nabalisa siya nang makita ang pangalan ko sa facebook mo? Ayaw kasi niya na makita mo ang totoong ginawa niya, and what he is capable of doing. Pero just like me 3 years ago you were so in love. Nadadala ka sa mga pa-senti-senti niya, ng maganda niyang boses, ng pagkatahimik niya, ng paminsan-mminsan niyang pag iyak pag namimiss ka niya... Ng pagka adventurous niya.

Ano, hindi rin sapat ang binigay niyang dahilan sa iyo nang maghiwalay kayo ano? Let me guess... nanghingi ng COOL OFF, tapos hindi ka binabalikan. Ayaw sagutin ng diretso ang mga tanong mo. Parang hindi ka naniniwala sa dahilan niya? You will probably never find out anyway.

You were warned.




I know I am going to be labeled eviil when I say this but I am always at my happiest when I am proven correct. Kaya siguro hindi na ako magso-syota ever. Happy na ako sa sarili ko.

At least alam o na. Alam ko na palaging ganun na lamang ang mangyayari sa kanya dahil KATULAD NG MGA MATA NIYANG LUWA,  wala siyang kabusugan. At hindi na natin kasalanan iyon, at wala na tayo'ng magagawa.




Hindi ka niya babalikan para sabihin na sorry siya sa mga nangyari. Sapat na yung iisang thankyou niya nang sabihin niyang "aalis muna siya." Wala siyang pakelam sa closure mo. Worse, sasabihin niya sa iba tungkol sa iyo kung ano'ng sinabi niya sa iyo tungkol sa akin kung sakaling maghanap ka ng tanong.




Hulaan ko, sabi niya sa iyo, naghahabol ako ano? WRONG. Naghahabol ako ng sorry man lang o sa kanya manggaling kung ano ginawa niya. He never did, bagkus he treated me like a plague. Has it ever happened to you na paa mo na ang naapakan, nasira buhay mo and wala siyan inoffer na sorry kahit minsan?

You were warned but you thought I was the threat. And you might be right, I shouldn't feel sorry for you.

And I don't.
Isipin mo na lang, nakaapak ka ng TAE, at kelangan mo'ng linisin ang swelas ng sapatos mo. Ikiskis mo kaya sa damuhan.

Yes, go Green.

Sa wakas pwede ko na talagang kalimutan ang masamang bahagi ng nuhay ko na yan. Sensya na, Nagkataon ikaw ang nandoon sa mga oras na iyon. Hindi kita kaibigan, at huwag kang mag alala, hindi kita balak gambalahin talaga... gusto ko lang malaman talaga na ganoon nga siya para maka move on, because that chance was never given to me.

I'm not sorry for your loss, because you shouldn't be.

Thursday, January 28, 2010

Tulala

Nakatulala ako sa kawalan bago isulat ito.

Madalas ganun ko simulan ang araw ko... nakatulala, nililinis ng anumang basura ang aking katinuan bago ko gain ang mga bagay na kailangan. Kinakalimutan ko ang mga bagay na hindi ko kailangan upang lubos kong magampanan ang aking bahagi sa araw na ito.




Mahalaga ang katahimikan sa kaluluwa. Masyado'ng maingay ang paligid, pati ang kaluluwa natin, maingay. Sumisigaw ang galit, umiiyak ang pagkabigo, tumatawa sa kaligayahan. Lahat nityo, bahagi ng pagkatao natin, dekorasyon sa ating kaluluwa.

Ngunit minsan kahit sarili nating pagkatao ang lumilikha ng palusyon sa ating kaluluwa.  Kaya mahalagang tumahimik muna.

At tumulala.

Pagkatapos nito, isa-isang papasok ang mahahalagang bagay na kailangan mong maalala, kailangan mo'ng unawain... kailangang inintindihin.

Hayaan mo muna akong umupo rito at tumulala.


Tuesday, January 26, 2010

Oz Revealed

Nanonood ako kanina ng mga pelikula sa aking laptop at napagtripan ko na manood ng mga bagay na may kaugnayan sa Oz, gaya ng  Wizard of Oz, Return to Oz, Wicked, mga Behind the Scenes, mga documentaries... Kasi Oz din ang tawag sa Australia, kung saan doon ang Client namin sa trabaho, at kasalukuyang Australia Day doon ngayon. Oz is another nickname for Australia.




Nalaman kong sa lahat ng mga cast ng original na Wizard of Oz (1939, MGM Studios), si Billie Burke (Glinda) lang pala ang first choice na lumabas sa movie. Si Shirley Temple ang una nilang inisip para sa role ni Dorothy Gale, at hindi si Judy Garland (Hindi pala naimpress ang mga producers sa boses ni Shirley Temple), Ang orig na Tin Man (Buddy Ebsen) ay nagkasakit dahil sa makeup niya at pinalitan, at maganda dapat ang Wicked Witch of the West (Gale Sondergaard), at nang hindi umubra at dapat daw panget ang wicked witch, binigay kay Margaret Hamilton.



NOSEBLEED ALERT.

Sige, tatanggalin ko na yng plangganang nilagay ko sa ilalim ng baba mo para pansalo ng laway saka dugo, At eto na yung point ko:

Sa laksa-laksang videos at clips na pinanood ko magdamag, habang nakikinig ako ng version ni Bob Marley ng "Somewhere over the Rainbow" (yes, may reggae version si Bob Marley) ay nakapanood ako ng isang rare episode ng Judy Garland Show.

Sabi ni Ray Bolger, ang nagplay ng Scarecrow, and sabi sa kanya ng nanay niya, ang Story ng Wizard of Oz ay parang buhay.Sa stoory kasi gusto ng Lion ng tapang, ng Tin Woodsman ng Puso at ng Scarecrow ng Utak, sa bandang huli, nalaman na mayroon pala sila ng lahat ng ito.

Tayo ding lahat, binigyan ng Utak, Puso at Tapang para maabot ang kayamanan sa Dulo ng Bahaghari. Ang kayamanang iyon ay isang Tahanan (There's no place like home) at ang buhay ay pagbubuo ng isang tahanan, marami man tayong makilala at matutunang bagong bagay, babalik pa rin tayo sa ating tahanan.

Kausap ko kagabi ang isang chatter at pinag-uusapan namin ang pagmo-move on.

Kung makikita ninyo sa mga nakaraang blogs ko nung nakaraang taon, malimit na pag usapana na wala akong CLOSURE sa mga pangyayari sa buhay ko. Ang taong ito ay tulad ko so many months ago, hindi makapag move on, hindi makapagbuo ng buhay niyang muli.

Naihalintulad ko ang AMING sitwasyon sa isang nasunugan at sinasabi ng mga tao na umuwi na siya. Saan ka nga naman uuwi kung nasunog na ang bahay mo di ba?

Dalawang bagay: Gagawa ka ng bagong bahay, o hahanap ka ng bagong matitirhan. Dahil sa bandang huli, IKAW rin naman ang tahanan. Sa iyo din naman mag-uugat nag lahat ng bagay na magiging mahal para sa iyto. Ikaw at ikaw pa rin naman ang iibig, iibigin at tatahak sa bago mong buhay.

Home is always where YOUR heart is. It is never a place. It was never the house, or your garden. It isn't even the people you live with... because HOME springs out from your heart. Your heart creates your home.

Habang pinapanood ko ang Wizard of Oz, naiisa ang puso ko sa lahat ng mga bakla sa universe na umaawit ng Somewhere Over the Rainbow at marahil sa sinabi'ng iyon ni Ray Bolger, naintindihan ko na kung bakit mahalaga ang kanta at pelikulang ito sa maraming maraming tao.




Kaya siguro mas grounded na ako sa sarili ko. Kaya siguro nasasabi ko na sa ibang tao na may choice sila pagkatapos na maguho ang mundong kilala nila. Lahat nagagawa ng Utak, Puso at Tapang. Hindi mo na nga kailangan ng maraming hokus pokus, sabi nga ni Glinda, the power to go home was all in you all along, you just wouldn't have believed it if someone told you.

At dahil dyan, I can post this picture I promised when I finally felt the change. Hindi man itsura ko ang nagbago, alam kong babaguhin na ng puso ko ang buhay ko.


Monday, January 25, 2010

A New Software Version is Available For Gooeyboy, Would You Like to Download It Now?

Isang buong buwan ko'ng pinakiramdaman ang aking sarili. Isang buong buwan ko'ng tiniis na huwag ka'ng kausapin, Agnolo. Hinayaan kong ang huling entry sa aking blogelya ay isang nakakahiyang yugto sa aking pagkatao. Hinayaan ko'ng ang huling pagkakaalaala sa akin ng mga tao ay isang desperado, malibog at nakakaawang nilalang. poor you, Gooeyboy... poor you.

Pero sabi nga nila, "When you're down, and you hit rock bottom, there's no where else to go but up."

Pag-ulaulanigin at pagtagni-tagniin natin ang mga naganap sa mga huling sandali ng 2009. Naiisip ko tuloy, mamimiss ko ang 2009.  Naging mabait siya sa akin.

(Enter Thoughts Here)

Oo late na masyado para sa isang New Years edition ang aking blogelya, pero not too late for KUNG HEI FAT CHOI! (dragon+firecrackers+tikoy...kaboom) ang dahilan... kailangan ko hanapin ang sarili ko, at pakiramdaman kung nabago nga ba ako ni 2009. Pinaghahanap na ako ng mga kinauukulan at kinabubukulan.

Nagkasakit ako ng isang linggo simula ng pasko, at umabot pa ng bagong taon. Sinisipon at nilalagnat ako pero patuloy pa din ng pagkayod at paghahanap buhay. Dumating si 2010, (Two Oten, kung tawagin ko) at binaha ng unos ang trabaho ko. Sa labas ng trabaho, nadukutan,nanakawan, naipit sa pintuan ng MRT (WALANG BIRO, NAIPIT AKO SA PINTUAN NG MRT!) sA PAGBABALIK MULA SA BAKASYON, isang superdupermajorcosmicpowertothemax na outage ang bumulaga sa amin, kasabay ng mga wasiwas calls na nagpapatunay na wala pa talagang gustong pumasok sa trabaho. Sana nag AWOL na lang yung mga ganung agents, hindi naman pala mahalaga sa kanila trabaho nila e.

Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa iyo? So napakalaking kasalanan ba na matapos kong kalikutin ang aking likuran at magsisi sa paggawa noon, ay hanapin ko kung bakit ako nagkakaganito? Bakit masungit si Gooeyboy? Bakit sobrang hindi na siya naniniwala sa magagandang bagay? Bakit galit siya sa salitang lovelife, sexlife, soulmates, twin flames at kilig? Bakit hindi diya ngumingiti? Ito at marami pa, sa aking susunod na mga sasabihin.

At eto na ang resulta ng aking pagmumuni-muni...

Sa edad kong 33, ay hindi ko na kayang paniwalaan ang happily ever after. Hindi na ako nakikipaglaro. Marami na akong mga naranasan sa buhay na minsan ay hindi ko maubos maisip kung bakit kailangang mangyari. May mga taong umalis, nang-iwan, namatay, at mayroon namang ibang dumating. May mga problemang nagapi , mayroong nakatalo sa akin, at marami ang darating pa. Paulit ulit akong umasa, nabigo, umasa, nabigo, hanggang hindi ko na alam kung aasa pa ako. May mga bagay akong natututunan at may bagay akong nakakalimutan. Naranasan kong manginig sa takot sa mga bagay na hindi ko alam at iwasan at kalimutan ang mga bagay na nalalaman ko.

Hindi ko alam kung anong uri ng batobalani mayroon ang pag-ibig, na kahit ilang beses kong i-deny na wala akong balak sumali sa kabaliwang iyan, yun pala, sa loob loob ko, umaasa pa rin ako sa mahiwaga, at sa bagay na hindi ko nauunawaan. Umaasang isang araw mahahanap din ako ng hinahanap ko.

Pero sa ngayon, naghahanapan lang kami.

At naisip ko, sa isang buong buwan na pinakikiramdaman ko ang aking sarili, sa pagbibilang ko ng mga taon at mga pangyayari, sa mga bagay na nagawa ko na at gagawin pa lamang, napagtanto ko...

Wala sa edad ang natututuinan mo.

Tanga ka pa rin sa pag-ibig. Mangmang ka pa din sa buhay.Bobo ka pa rin matapos ng lahat ng leksiyon na napag-araklan mo.

Ilang buwan ang nakakaraan, pinag uusapan nila kung bakit paklaging mainit ang ulo ko, kulang na lang sa pagwawala ko sa opisina ay ibalibag ko na ang katabi ko. Muntik pa akong hamuning makipagsuntukan ng kaopisina ko minsan. Ampangit pangit ng outlook ko sa buhay, wala nang maganda, at kapag nakakakita ako ng maganda, sinasabi kong peke, hindi totoo, osandali lamang yan. Ang permanente ay gulo, away, problema.

Itong mga nakaraan na mga linggo ay kinakantyawan nila ako sa opisina. kahit yata sa facebook. IN LOVE DAW AKO. Kung sino sino ang sinususpetsa nilang nakabasag ng "sumpa" pero mariin kong itinatanggi.

Bakit daw kanyo ako In Love?

Hindi na ako naninigaw sa opisina. Bihira na akong mambalibag ng mga gamit. Hindi na ako nakasimangot tuwing may lalapit sa akin. Hindi ko na tinititigan ng masama ang mgamagsyotang nakikita ko. Palagi na akiong nakatawa o nagpapatawa. Nahuhuli nila akong kumakanta.

At hindi nila mahahanap kung sino ang nakapagpabago sa akin, kasi ibang tao ang hinahanap nila, Samantalang nandirito lamang ako.

Kasi nga, BILOG ANG MUNDO.

Nakalagay sa About Me ng facebook ko at kahit sa Mukltiply ko... IKAW ANG MAY KASALANAN NG IYONG KAHAPON AT ANG MAY KAPANGYARIHAN SA IYONG KINABUKASAN.

Dapat simulan ko nang paniwalaan iyan.

Tatanggalin na natin yung PARA KANG LANGAW NA PABALIK BALIK SA TAE.


May nakapagsabi na balanse dapat ang mundo, at nagtatanong tayo kung paano babalansehin angbuhay natin.

Naniwala akong HINDI PARATING MAGANDA ANG BUHAY.

Nakalimutan ko'ng HINDI RIN MAAARING PALAGING PANGIT ANG BUHAY.

Balanse.

Binabalanse ng pangit ang maganda. Kinukumpleto ng Maganda ang Pangit. Hindi puro liwanag ang kalawakan at hindi rin puro dilim.

Ito ang bagong version ng software ko. Sinisimulan ko na siyang iinstall at malay mo, mamaya ay updated na ang pagkatao ko.

Aaminin ko'ng hindi pa tapos ang pag-uupdate. At malamang kapag na update ko na siya ay may bago na namang version na lumabas.

Nagbabago ang tao.

At kahit hindi ako halatang tao, hayaan ninyo ako'ng magbago.


PS: Hindi talaga ako in love. Pasensya na. Pero kung tingin mo, pwede mo akong painlabin... Go gurl... at malay mo, sakto ka sa hinahanap ko?

Simple lang naman e... IN LOVE AKO SA SARILI KO. Angal ka? Check mo facebook ko, tingnan mo kung kanino ako may relationship.

Walang picture. Hindi pa ako tapos mag update.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...