Be One of My Froglets

Search This Blog

Friday, October 29, 2010

Of Super Villains, Closet Queens and Chocolate Vodka

Yesterday I celebrated my 4th anniversary since my ex broke up with me. (the gory details have been the history of this blog, so I'll spare you the melodrama) Anyway, I decided I should CELEBRATE, instead of sulk.

You see, before that last break up, I was this naive, innocent, sweet little creature before the waaves of toruture and treachery killed me. Now, I do have reason to celebrate. I am stronger, wiser, and several times more vile than ever before. It's so good to be baaaad.


I LOVE being bad. Being "BAD" isn't necessarily a bad thing, really.

It's LIBERATION. It's Being free, being WHOM YOU REALLY ARE, AND NOT AFRAID of SPEAKING YOUR MIND. It is sexual liberation. It is BLISS. It is Catharrtic and pure. It is the bursting of little pinpoints of light in the darkness. It is creation and destruction.

Thursday, October 21, 2010

Patay na si Tenteng.

Napagmasdan mo na ba ang buwan mula sa ilalim ng swimming pool? Yung sumisid ka sa sahig ng pool at pinagmasdan mo lang ang buwan sa ilalim ng tubig?



Yun ang pakiramdam ko kanina nang dumating ako ng Meycauayan mula sa akin malayong biyahe mula Makati. Pag uwi ko ng bahay, bukas ang ilaw, kahit alas nueve na ng gabi. Nakalugmok sa may hapag kainan angkapatid ko... Lasing. Hindi bago sa paningin ko na lasing ang kapatid ko, pero ang bago ay ang pwesto niya.

Sa veranda sila ni Tenteng umiinom palagi. Halos araw araw ko nasasalubong silang lango sa may pinto namin. Madalas iwasan ng kapatid ko na makipag inuman sa kanya, kasi nga naman, hindi sila tumitigil hanggat hindi

Highway Robbery


Araw-araw may nakawa'ng nangyayari sa EDSA. Hindi ninyo nalalaman ito, maaaring bale-wala sa iyo, pero napapansin ito ng tulad ko na ang biyahe ay mula Ayala hanggang Malanday. Tatlong oras na biyahe na maaari namang maging 2 o isa't kalahati... Ipapakita ko sa inyo kung bakit nakaririmarim ang mga ilang Bus operators. Para siyang sindikato.


Exhibit A: Ang Bus na Fully Loaded.

Masdan ninyo na ang mga bus ng ilang bus companies, tinanggal ang mga orihinal na upuan at dinagdagan ang mga ito. Sakto'ng sakto lamang ang haba ng binti ninyo mula sa sandalan hanggang sa tumama ang tuhod ninyo sa susunod na upuan sa harapan ninyo. Sa ganito'ng paraan, mas maraming tao ang makakasakay sa bus. Mas marami'ng pasahero, mas maraming pera.

Ang isle ng bus ay masikip, pero kahit marami nang nakaupo at puno na at siksikan ang mga silya, ay nagpapapasok pa rin sila ng tao hanggang ang munting isle ay mapuno. Pansinin ninyo'ng bihasa ang konduktor sa pagpupuwesto sa inyo,

Tuesday, October 19, 2010

Botelya Galore

Hindi ako  "in character," atche.  Nakainom ako at hindi naman lasing na lasing. Enough lang para makapanghipo ako ng isang nakatabi ko at sapat lang para ihinto ko doon. Tipsy enough para payagan ang kalat sa loob ng kuwarto ko pero sapat lamang para magligpit din pagkatapos.



Oo, at derecho pa din ako mag-type. Nasa ulirat pa ang aking utak at alam ko ang nangyayari at sinasabi ko. Alam ko'ng kapag may ginawa ako ngayong gabi  na ikatutuwa ko ay maaari kong ikalungkot kinabukasan. Hindi ako tanga at lalong hindi ako bobo.

Kaya lang, merong mga tao'ng kahit hindi nakainom ay gumagawa ng kahihiyan.


Iba iba ang mga tao pag nakakainom. May umiiyak. May kumakawala. May nahohorny. Ako,

Thursday, October 14, 2010

MEDUSA. Makuha ka sa Tingin.


Marami ang hindi maintindihan kung bakit ko madalas iguhit ang gorgon na kung tawagin ay Medusa. Aaminin ko, paborito ko siyang tauhan sa Greek Mythology. Hindi ko trip si Hercules, nauutakan siya at nauuto. Ayoko kay Perseus, hindi naman niya mapapatay si Medusa kung hindi siya anak ni Zeus. Ayoko kay Zeus, kasi babaero siya, at meron pang isang beses na lalaki ang chinorva niya. OO. i-google mo si Zeus at Ganymede. (Oo, kahit ang macho'ng macho na papa ng mga Greek gods, chumorva ng sausage.)

Supermodel Natalia Vodianova as Medusa
Si Medusa, hindi na kailangan ng lakas o kidlat, at kahit pa ang buhok niya na puro ahas, hindi rin niya kailangan para pumatay ng tao. Isa lang ang gagawin niya... Kukunin ka lang niya sa tingin.

Wednesday, October 13, 2010

Thank You. YOU'RE A BUNCH OF INSENSITIVE FREAKS

Who the hell would comfort you with words like "Pathetic, Impossible, and  Walang  ka nang magagawa?"

May post dati si Kulas Kupaloid na "I want to disappear." Maraming nagcomment. Sari-saring bulaklak ang naialay. Mga comment na, "May maitutulong ba ako?" "Maganda ang buhay. Tara, pag usapan natin iyan." "I want to be your friend."
Naniniwala na ako sa pamahiin: Suot mo ang
singsing ko bago tayo nag away.
Pero pag ako ang nag post ng similar status, I would get "Wala tayo'ng magagawa" "Napaka nega mo," "You're impossible."

Samantalang pag may taong may problema, nakikinig naman ako. Ibinibigay ko sa kanila yung "Tara, pag usapan natin iyan." "May maitutulong ba ako?" At itong si Kulas Kupaloid, miminsan ko lang nahingahan ng problema, "Mag YM ka, wag mo sa FB ilabas yan."

Totoo Ba Yan, Lloydie?


Ang totoo, Mr. John Lloyd Cruz, iniiwan tayo ng mga mahal natin sa buhay kasi nagsasawa sila, o naiirita sila, kasi hindi nila tayo kasing-mahal ng gaya ng pagmamahal na binibigay natin sa kanila. Conditional kasi, e. Matalino ka kaya ka niya gusto kasama, pero naiirita siya sa ngipin mo.

Akala niya sunud-sunuran ka sa mga gusto niya. Kahit may Asperger's syndrome siya o Autistic siya, o may ADHD, o diagnosed na Bipolar siya, susundin mo. Pero the SINGLE MOMENT na sagutin mo siya, paparinggan ka sa mga statuses niya sa FB at gagawing encrypted message sa Blogger.

Apat na taon na akong naghihintay sa "Mas magandang darating na iyan at hindi totoo yan.

Pag dumating, babawiin ko ang sinabi ko, pero right now, eto lang ang masasabi ko: Amargura.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...