The most dreaded date on my calendar. I hate Feb 14. I used to go absent every year on Feb 14. Ayaw ko nakakakita ng mga magjowa everywhere! Gusto ko din magpasabog ng bus!
Bitter much?
Bouquets-OUT. Bear baskets-IN |
Not really. I'm not into the fantasy everybody bites into whenever it's 'Love Month.' I don't get googly-eyed and drooling with the promise of a happily ever after. Isa pa, TRAFFIC palagi pag Valentines Day. Wala ka'ng makainan kapag lunch, kasi ULTIMO Jollibee minsan ginagawa nilang date. Palaging pila kahit saan. At good luck ka naman sa mga kabi-kabilang mga bulaklak. There is no other time of year na bahing ako ng bahiong dahil sa pollen ng mga magjowang padalahan ng padalahan ng mga bulaklak.
Hindi naman sa pagiging bitteresa, hindi ba, pero ano ba naman ang sense na magpadala ng mga bulaklak? Kawawa yung halaman na pinutulan mo ng pinakamahalagang reproductive na bahagi ng kanyang katawan. IKAW, lalaki, ano ang pakiramdam mo kaya kung may pumutol ng etits mo at ipinadala dun sa pinakamamahal ng ibang tao? Saklap hindi ba?
Besides. Hindi na uso ang Bouquet-bouquet na yan. BEAR BASKETS are in. FRUIT BASKET, para sa mga maysakit yun saka sa mga bagong panganak.
Saka ano ang pakelam ko sa mga jowa-jowaan ninyo? 4 years na ako wala niyan. Besides, tuwing nagvavalentine day at pasko, natataon na wala ako jowa, so SORRY talaga, hindi ako nakakarelate sa mga mumbo-jumbo sappy bulsyet na yan. Gastos lang yan. Kung mahal talaga ninyo ang isa't isa, hindi mahalaga kung Valentines Day o Pasko, o Kaarawan ng alaga ninyong bangus! Ang special na araw, sa INYONG DALAWA LANG. Hindi yan pinangangalandakan sa mga taong wala.
Nang iinis ba kayo?
Di bale. Isang araw, maghihiwalay kayo at kamumuhian din ninyo yang mga bouquet-bouquet na yan. Batuhin kita ng BUKO dyan e.
Makapag Fruit Ninja na nga lang.
No comments:
Post a Comment