Be One of My Froglets

Search This Blog

Thursday, February 10, 2011

Kissabella Rossellini

Ang sabi nila, sagrado daw ang halik.

May mga kilala ako, na ok lang makipag one night stand, sige, sex with someone new. Pero they kiss only kapag mahal na nila. May kilala ako na nagkuwento sa akin na nakipag meet up siya kahit may jowa na siya. "In an Open Relationship" ang status nila. Pwede siya makipag date, makipag chorvahan.

Best Kisser I had was an ex of mine  named \Joseph.

"But my kisses are only for my BF," sabi niya.

Inisip ko yun ng matagal. Naging palaisipan sa akin yun nang bonggang bongga. Naranasan na ba ninyo na nakipag one night stand kayo sa isang lalaki na ayaw humalik, pero tutuwad, luluhod at tataob para sa inyo?

Kaloka hindi ba?

Ano'ng kapangyarihan ng mga halik at napakahalaga nila, mas mahalaga pa sa sexual attachment? It's true, you can fuck someone and never kiss him. You can be joine together in the most intimate of fashions, but never share a kiss.

May isang nagparinig sa akin minsan na kaaway, (oo kilala na ninyo siya) "Hindi mo pwedeng halikan ang isang taong hindi mo mahal.."

I agree.

Sa halik man lamang, maiwan ang kasagraduhan ng isang relasyon, hindi man makuhang maging tapat sa ibang bagay. Ika nga sa isang napakaluma ngunit napakagandang kanta: (Kung saan hango sa pelikula ng nanay ng babaeng pinagkunan ng titulo ng blog na ito --galing ko no?) 

"You must remember this, a kiss is still a kiss, a sigh is just a sigh... The fundamental things apply, as time goes by..."


Anong magic ba meron ang halik at kadalasan
siyang elemento ng mga Fairy Tales? Anong magic meron ang paglapat ng mga labi at pagdampi ng mga dila? May palitan ba ng mahika at enerhiya na nagaganap sa bawat init na pinagsaluhan ng kani-kaniyang mga bibig? Ang palitan ba ng mga hininga?


Mahalaga ang hininga sa mga sinaunang tao. Ang hininga ay ang nagbibigay ng buhay. Hininga ang binigay ng Diyos kay Adan kaya siya nabuhay. Eto namang si Adan, binigyan ng Eba, naghanap naman ng kapwa niya lalaki, si Ebong.

Iba't ibang dahilan din kung bakit tayo humahalik.

Merong mga naghalikan dahil sa sobrang tuwa: Tulad ng dalawang ito:


Mayroong dahil sa sobrang lungkot, parang sa pelikula, iyakan, tapos magkakatinginan sa mga mata, maghahalikan:


Merong nagkukulitan lang at naglalaro sa park, nagkagulungan, nagtama ang mga mata, naghalikan na...


Palaging at least 2 tao ang invoolved sa halik. Pero minsan may tatluhan:


Pero anuman ang dahilan mo para humalik o halikan... Humahalik ka man dahil ito ay sagrado, o ito ay masarap lamang... Humalik ka man dahil nabigla ka, may tumapo'ng masidhing emosyon sa iyong dibdib sa mga panahong iyon... o lasing ka lamang... Isa ang hindi  mo maaring gawin... HINDING HINDI MO MAAARING HALIKAN ANG IYONG SARILI.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...