Echusphere. Hindi Echo Sphere. Echus. Chorva. Spanish: Hechos, meaning "bagay." Echosphere, parang Atmosphere, strtosphere, exosphere...
Ang ECHUSPHERE ay ang bahagi ng atmosphere kung saan naniipon ang mga ka-echosan. Dito nakukuha ang lahat ng kachorvahan, ka-ek-ekan at mga istir (OMG, does anyone still use that term??)
Madami pa rin ang naiintriga sa salitang CHORVA.
Ang CHORVA ay anak ng ECHUSPHERE. Ang Echusphere ang ina ng mga ECHUSERANG FROGLETS. Ito ang kalinangan ng mga ideya, ang makulay na pagbabahabahagi ng mga kaalamang BERDE.
Sari-saring CHENELYN GARGLES na ang pinamahagi sa atin ng mahiwagang Echusphere na ito. Mga napakagandang mga kasinungalingan. Napakagandang paniwalaan. Mga inaping babaeng nagiging prinsesa. Mga kawawang nilalang na kapag lumulon ng bato ay nagiging superhero... Mga sirena'nbg nagiging tao.
Pawang mga kasinungalingang ating niyayakap, minamahal at pinaniniwalaan.
Ilang echus na ang nilanghap ko?
Ilang chorva na ang pinaniwalaan ko?
Ilang chenelyn gargles na ang ipinalit ko sa aking sentido comon?
Masarap paniwalaan ang mga kasinungalingang galing sa ECHUSPHERE. Tuwing pumipikit ako, dinadala ako ng aking guniguni sa Echusphere. Nayayakap kita, nakakausap kita, nahahagkan kita. masaya tayong dalawa.
At tuwing ididilat ko ang mga mata ko, bumabalik ako sa aking tunay na mundo, si Cinderella sa tabi ng mga abo, si Red Riding hood na nilalapa ng mga lobo, pinatay si Snow White ng Evil Queen. Kalbo na si Rapunzel.
Hindi na magigging prinsipe si Palakang Petot.
No comments:
Post a Comment