Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Wednesday, February 9, 2011

(NON) Chubby Chubby Cute Cute

Nabanggit ko na sa inyo ang pagnanasa ko sa mga cute na chubby na lalaki. Hindi naman ibig sabihin nun na IYON LANG ang gusto ko. Kahit naman sino gusto ng mga maskuladong lalaki, magaganda katawan, mga gwapo, model material, mga bikini bodies, ika nga.


Sino nga namang berde ang dugo ang hindi titigasan sa ganyang lalaki kapag nakapatong na siya sa iyo at binubulungan ka ng "I want to become ONE with you." Putangina nga naman, hindi ba? Yung tipong hinahalik-halikan ka na niya ng buong pagmamahal na may konting panggigigil, yung tipong gusto nga niyang magsama ang mga laman ninyo at maging isa kayo...


"Kalibog naman ng mama'ng ito,"

Tigang kamo. Hindi atat ang tawag sa isang tao'ng 3 taon nang hindi nakakalamon ng karne. Hindi na nagmamadali iyon, kasi iilan lamang sa inyo ang talaang makakapag-claim na 3 taon nang hindi nakikipag sex, pero hindi na virgin. Hindi mo ako masisisi kung minuminuto, naiisip ko na ang sex. Hindi ninyo maisisi kung kunan ko ng litrato ang mga lalaking natitipuhan ko. Hindi ninyo ako masisisi kung hindi ako makatulog nang hindi ako nakakapanood ng porn.

Ang BAKLA ay LALAKI PA RIN. Kasindaming beses pa rin ng normal na straight na lalaki kung mag isip ng sex iyan. gutumin mo iyan sa sex at pag nakatikim iyan ay KAKAYOD MARINO yan. Ang bakla ay lalaki pa din, LALAKI nga lang ang hinahanap.
Hindi malaki ang pagkakaiba ng mga bakla sa mga lalaki. Kanya kanya ring trip yan. Merong marahas magmahal, may banayad. May gusto'ng nasasaktan, may ayaw marumihan ang mga kamay. May maseselan, at may salaula.


No, hindi ako nahihiyang aminin na hindi ako nakaka iskor. Siguro kaya ako nakadevelop ng pagkagusto sa mga chubby na lalaki kasi sila lang yung pumapatol sa akin noong una. Sa bandang huli, mas gusto ko na yung yakap nila, yung halik nila, yung kung papaano sila magmahal.


Pero syempre, iniisip ko pa din paminsan minsan, Paano kaya manromansa si Manong Guard na bodybuilder? Yung hunk sa gym kaya, masarap kaya sa kama? Minsan gusto ko din makatikim ng ganun. Hanggang pantasya pa lang ako. (oo, wala pa.)

Umabot kasi sa pint na alam mo kung sino ang papatol sa kagaya mo at sino ang hindi. So, binablock mo na sa utak mo na... ok, pag gwapo masyado, tangina, kunan ko na lang ng litrato, hindi ko makukuha sa totoong buhay yan. O kaya... "GOOD LUCK ka na lang. Ipadala ang inyong mga kathang isip sa www.pantasya.com!"


Seryoso. Yan ang mga bagay na tumatakbo sa utak ko kapag nakakakita ako ng gwapong gwapo na ang ganda ng katawan. Nagagalit ang mga yan kapag kinukuha mo ang pics nila sa net, o kaya you take their pictures in public... Hindi nila naiisip na ... hello, ni minsan sa guni guni ko kasi hindi ako magkaka jowa ng katulad mo... ayaw lang kita makalimutan kasi hindi mo naman ako papansinin kahit kailan.

Oo, I take pictures of guys I like in public.



People say I'm sick, pero, hey... for a person who has been single for 4 years na umaasam na magkakaroon ng isang tao na magmamahal sa kanya pero walang makita... at ang kakaunting personal interaction na nakukuha lamang ay sa opisina, Baka i-video pa nga ninyo ang crush ninyo, makita lang ninyo siya araw araw.


Mahirap yung nagkukuwentuhan kayong magkakaibigan tapos ikaw lang ang nag iisang walang jowa. Kasi once in a while bigla silang mag "e-excuse me," sabay labas ng phone na kanina pa nagriring. Biglang hihinaan ang boses, tatalikod, kikilig-kiligin, akala mo naihi sa pantalon.

Gusto kong maka experience ng kilig ulit.

Para kasing antagal-tagal na. Nagtransform na ang pagkatao ko from makulit to huklubang bitterella. Sana man lang kahit fling lang, may magpaunlak sa akin. Wala nanhg masyadong excitement sa buhay ko. Gusto ko man lang kahit sandali lang maramdaman kong may nag-aalaga sa akin bukod sa nanay ko.

Para naman may iba akong sagot sa "Para kanino ka bumabangon araw araw?"

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...