Be One of My Froglets

Search This Blog

Thursday, December 30, 2010

Two-O-Ten: Naiiyak Ako Kapag Naaalala Kita; Naiiyak Ka Ba Kapag Naaalala Mo Ako?

After tonight, all the hurt will end.



Habang pinipilas ko ang huling pahina ng kalendaryo ng taon na ito, hindi ko mapigilang umiyak. Hinayaan ko'ng umagos ang mga luha, parang batis na dumadalos sa aking mga pisngi.

Huwag kang tumahan, hijo, huwag mo'ng pipigilan. 


Sabi nila ang luha daw ay nagpapalinis. Naghuhugas. Tinatanggal ang puwing sa ating mga mata, inaalis ang kung anumang masakit sa ating paningin. Dumadaloy upang itaboy ang anumang nagpasakit sa mga damdamin natin, pinagiginhawa ang ating pakiramdam.

Iiyak mo na lang... iiyak nalang... mawawala ang sakit pag iniyak mo.


Ayaw mawala ng sakit... bakit ayaw mawala ng sakit?

Wednesday, December 29, 2010

Bakit Maraming Baklang Pilipino ang SINGLE?

Bihasang bihasa ako sa mga dating sites na iyan. Sawa'ng sawa na ako sa mga kalakaran ng mga naghahanap ng chorva. Chorvahan ng chorvahan sa sites, parang palengke, nagkalat ang mga malilibog na mga echuserang froglets... Froglets everywhere, and NO PRINCE TO BE FOUND!


Malalaman mo kung ayaw sa iyo ng nilalandi mo sa social networking sites. Chinika mo na ng chinika, wala pa di'ng information na personal na binibigay sa iyo. Naikwento mo na ang aso mo, ang ibon mo(no pun intended) ang mga inaanak mo noong pasko at pati na rin kung paano ka nalibre sa bus kaninang umaga, ni hindi mo pa din nakukuha ang last name niya.

May nagtanong sa akin sa chat, bakit ko daw pinaabot na 4 years na akong walang karelasyon, at 3 years na akong hindi nakikipag-date o nakikipag hook-up man lang?

Sunday, December 26, 2010

Wasabi

Sumusushi ka ba?

Nang una ko siyang makilala, ang akala ko, isa siyang garnishing. Bakit may Play-Doh dito sa pagkain ko??? Lalasunin ba ninyo ako?


Pinatikim sa akin. Naluha ako sa anghang, pero sandali lang. Nanaig na ang manamis-namis, maalat-alat na lasa niya kesa sa hapdi ng unang pagdami sa aking dila. Wasabi.

Wala ako masabi.

Ang sarap ng kagat ng luntiang halamang-dagat na ito sa aking dila. Para siyang isang matapang na nilalang, handang mangagat. Kung may ngipin lang siya at nanunugod, sinakmal ka na niya. Pagkatapos, friends na kayo.

Friday, December 24, 2010

Merry Krishna

Noong isang linggo lang, may nakausap ako sa telepono na Hindu na naninirahan sa Australia. Pina-unlock niya sa akin ang iPhone niya, at pupunta daw siya sa Canada. Although, karamihan sa mga call centers ay hindi nag e-encourage na magsimula ka ng usapin tungkol sa religion, nagtanong naman ako dahil tunog naman ng boses ni customer, ay medyo westernized na siya.

"Visiting friends? Family?"
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...