Be One of My Froglets

Search This Blog

Thursday, March 31, 2011

Drama-Rama sa Hapon

Nagtatrabaho ako sa Makati bilang call center agent. Hindi po totoo na madalas makipagsex at kung kani-kanino ang mga taong nasa ganitong trabaho. Sa katunayan, walang social life, walang sex life at walang love life dito kung minsan.

Kung panggabi ka, putol ang kominikasyon mo sa mga kakilala mo. Papasok ka ng bandang alas ocho o alas diez ng gabi, at umaga na, o pasikat ang araw kung ikaw pauuwiin. 5 taon ako'ng panggabi. Limang taon na hindi ko namalayan, mga nagsipag asawa ang mga kabarkada ko, lumaki ang mga pamangkin ko, naubos ang buhok ko sa ulo.



Mahirap ang trabaho ng call center agent. Halos buong gabi ka nakikipag-usap sa mga taong sari-sari ang problema, sari-sari ang topak. IKAW ang pagbubuntunan ng hinaing at galit nila sa kumpanyang inirereprisinta mo. Ikaw ang kawawang haharap sa mga taong handang laitin kayo at ng mga katrabaho mo sa serbisyong minsan akala nila ay perpekto.

Dahil taga Meycauayan ako, tumira ako sa Makati dahil magastos magpabalik balik. Nagkaroon ako ng partner. Pero 4 na taon na ang nakakaraan, kinasama ang kasama ko sa bahay. Nagtatalik sila kapag nasa trabaho ako.

Wednesday, March 30, 2011

Lihim na Kembot

Kasalukuyang nanunubig ang Palakang Petot sa banyo ng restaurant na iyon, nang pumasok ang isang matangkad, matipuno at gwapong lalaki. Habang rumaragasa ang wiwi water sa berdeng katawan ng petot, ay pinagmamasdan niya ang ginagawa niya sa harap ng salamin.


Ayos na ayos ang itsura nito, plantsado'ng plantsado ang polo na nakabukas ang 2 pinaktuktok na butones, pinapakita ang guhit sa pagitan ng kanyang malalapad na dibdib. May hint na balbon ang dibdib nito dati, na inahit, dahil may mga patubo'ng hibla ng buhok sa dibdib na parang patubong bigote, na nakadagdag sa appeal nito.

Lalaking lalaking kumilos ang lalaki, hindi nakapag-ahit ang drama, pero pansin mong pantay na pantay ang tubo ng stubbles nito.


Naglabas ng kikay kit. Hinugot ang isang compact na  dark tan ang shade at nag polvo. So What? Baka model, o artista, natural sa kanila na hindi mag oiliness sakaling may kumukuha ng litrato lalo kung hindi nila alam. Tapos pag pangit ka, ilalabas sa web o sa TV, tapos ang career mo. Alaga lang. Naglabas ng lipgloss. Fine pa din, kasama sa pagiging gwapo na kelangan hindi nagbabalat ang lips mo. kadiri kaya yun, kahit lalaki ka pa. Gusto din ng mga girls ng kissable lips sa men. 

Alam mo yung mga Blusher at Bronzers na nasa loob na ng brush ang makeup? Na kailangan mo na lang i-shake ang brush, tapos pwede mo na siyang i-apply?

Sunday, March 27, 2011

Teteng Tigasin


Nag iinit na naman ang pakiramdam ko. Madaling mag init ang ulo ko. Ayokong nabibitin kasi. Tangina bakit kasi ang daming gwapo sa paligid? Ultimo makaamoy lang ako ng sariwang pawis ng lalaki, tumu-togoinks na si chenelyn gargles ko. Jutanginang jijiera tong jutotoy na itey! Kalerki ever, pramis! (translatioon: tanginang titi ito, tigas na lang palagi!)

Ang problema nito, walang reliever ang sundalo ko. Kelangan na niya ng masahe. Kelangan niya ng tender loving touch na may kasamang Johnsons Baby Oil o KY Jelly. Kelangan niyang sumabog, magkalat at lumura, kelangan niyang maligo sa sariling katas at saka pa lamang siya matutulog ng mahimbing.

Thursday, March 24, 2011

TEXT MATE.

Uso pa ba ang mhga putanginang Textmates na yan?

Yan aang number ONE na reason ko bakit ayoko basta basta ibibigay ang aking number sa internet. PANGLAWANG pet peeve ko yan kasunod ng YM na naghahanap ng WEBCAM.Tanginang yan, Ayaw na ba ninyo ng I|NTERPERSONAL RELATIONSHIPS at solb na kayo sa patext text?

SOBRANG madami ba kayong FREE TIME at mayat maya pa kayo magtext?



Mga nakakasuka nang messages na sandamukal ko matanggap (batubato sa langit ha?) Kung gusto namannninyo ng matinong kausap sa text, huwag ganito ang pasimula ninyo. utang na loob! Eto na sila... mga kinainit ng ulo ko na mga text messages na nakuha ko...

Kakaibang Katol


Nag outing ang team namin nung isang araw.

Plastado ako'ng nahiga ng kama kahapon pagkagaling sa Muning Buhangin, Batangas. Pagod ako pero masaya. Ang tulog lamang na nagawa ko ay nung nasa sasakyan na ako pauwi'ng Bulacan. Sinimulan ko'ng isulat itong blog entry na ito, pero nakatulugan ko din. Paggising ko, hindi ko pala naisara ang facebook ko at twitter, sandamakmak na "gising ka pa ba?" at "Nasaan ka na?" ang natanggap ko.

Masaya. Sobrang saya ng grupo'ng ito. Gabi pa lamang ng abente-dos ay maingay na kami sa sasakyan habang papunta sa Batangas. Napag usapan ang kakaibang kulit ng kasamahan naming si Paolo. Biro ko nga, KAKAIBANG KATOL ang tinitira ng taong ito.

Sample ng kakaibang katol na gamit ni Paolo. Siya yung naka pula.

Matagal ko nang na witness ang kakaibang katol na ito. Pitong taon na ang nakakalipas, kasama ko din si Pao sa ibang kumpanya.

Friday, March 18, 2011

Dagta

Umaagos sa dagat ng likido ang aking katinuan.
Dumadaloy ang dagta sa aking kalinangan.


The shirts we wear don't always tell people who we really are.
Bago mo abutin ang kahon ng tissue sa tabi mo (kung may katabi ka nga'ng kahon ng tissue para sa nosebleeds na dulot ng blogelya ko), isang paliwanag muna:

UNA: hindi po gimik ang blog ko. Nang ginawa ko ang blogelya ko, isang electronic diary ang nasa kukote ko. Hindi ako kailanman nagsulat ng dahil lamang gusto ko ipakita sa inyo kung gaano ako katalino o gaano ako kabisa magsulat. Ni hindi ako nagda-draft ng mga sinusulat ko dito. Lahat ng naisulat ko dito ay dumaloy lamang sa utak ko, kasing natural ng dagta ng pagkatao ko. Galit ako kung galit, masaya ako kung masaya. Ito ako, itanong pa ninyo sa mga tao'ng tunay na nakakakilala sa akin at nakakasalamuha.

PANGALAWA. Bagamat napaka explicit ng mga nararamdaman ko dito, dahil karaniwan na lamang sa akin na magsulat nang masama ang loob ko... No, hindi po ako MANYAK. At hindi rin po ako SIRAULO. Nasisira lang po ulo ko sa galit kapag sobrang naiinis na ako. Hindi po kasi ako tulad ng ibang tao na may JOwa o BestFriend na pwedeng sabihan ng mga nararamdaman niya, kaya sa blogelya ko naibibihos ang lahat ng kadagtaan ng aking katinuan. Kalat ng katas ng aking damdamin ay dito ko naipipiga.

PANGATLO. Oo, PAULIT ULIT ako. Pag ang isang tanong ay hindi naisasagot, di ba tatanungin at tatanungin mo siya ulit?

Makulit ako. At ang takot sa pag-iisa ang nagiging tema ng buhay ko.

The problem is... I already AM alone.

Kaya ako afraid.

Hala, sige, CHORVA... simulan na natin:'

Saturday, March 12, 2011

Bagong Crush! Beatboxing Flute, Ang Galing mag Blow!


Greg Pattillo. Flutist + Beatbox + Moustache + Earings + moving to the beat = HOTNESS

I came across this guy on YOUTUBE. I was posting like Marimba-sounds for Super Mario Bros, and I saw this guy blowing this rod... and like, was he spitting on it? Pocha, I was instantly tuned in and turned on... He was blowing on that metal pipe and beating on it like it was the only thing that mattered.

There was this vid where he played "Flight of the Bumblebee," I didn't really pretty much liked the sound of it, it almost spounded like he was trying to kill the bumbleebee. But he was like panting, and blowing, and gyrating, and stomping, I was like... Yeah... I like how he moves.

Here he is, playing The Inspector Gadget theme:


They say guys who can move can move pretty good in bed, too. I wonder

Friday, March 11, 2011

Pumulandit na Damdamin

Habang nakaupo ako sa harap ng aing computer, at napapanood ang mga videos at mga balita sa Tsunami sa Japan, (akala ninyo tungkol sa tamod ang blog ko ano?) napapaisip tuloy ako sa mga comments ng mga tao sa web.

Malapit na daw magunaw ang mundo.

Naiisip natin angmga bagay na ito kapag maramihang tao ang namamatay dahil sa pagbabago ng daigdig.



Pero ano nga ba ang nangyari? Gumalaw ang lupa sa ilalim ng dagat, gayua ng ginagawa niya sa loob ng 4 na bilyong taon. Walang kakaiba. Gumalaw nang ilang bilyong ulit ang kaloob-looban ng daigdig, kaya tayo may mga isla, mga bundok, mga dagat.

Ang pagkakaiba? Marami nang tao ang daigdig ngayon.

Marami na namang namatay na hayop dati noong wala pang tao. Ilang milyong ulit nang lumindol, hindi mo lang nakita.

Kaya lang naman tayo natatakot kasi hindi natin macontrol ang mga lindol, pagbaha, pagulan, tagtuyot, mga ipu-ipo at mga pagbagsak ng mga bato mula sa langit.

Pero wala namang bago.

Darating at darating iyan.

Tayo ang may problema. Hindi natin matanggap, na katulad ng pinakamaliit na dahon na lumulutang sa tubig, nasa kapangyarihan lamang tayo ng mga alon. Masyadong malalaki ang mga PRIDE at EGO natin na hindi na natin kayang tanggapin na maaari pa rin tayong bawiin ng dagat, lamunin ng lupa, o sunugin ng langit.

At walang kakaiba sa daigdig kung mangyayari iyon.

Oo, tao ka at ikaw ang pinakamatalinong nilalang sa ibabaw ng daigdig.

Pero hindi ka imortal. Katulad ka lamang ng ibang mga nilalang na may buhay sa ibabaw ng lupa. May hangganan ka lamang. Ikaw ay maaring madurog, masunog, mapisa, at pag hindi nakahinga sa anumang paraan, ikaw ay mamamatay.

Wala lang... Pumulandit lamang ang isipang iyan sa aking damdamin.

Saturday, March 5, 2011

Sagu-Sago'ng Sarap.

PARENTAL ADVISORY: Ang susunod na blogelya ay naglalaman ng mga temang hindi angkop para sa mga bata. Kung nakikita ninyo silang nagbabasa nito, PATNUBAY ay KINAKAILANGAN , kung HIN|DI NAMAN, GO, TOTOY/INENG , Huwag pakainosente, ALAM KONG ALAM NA NINYO ITO.



 Dalawang linggo na ako'ng walang pahinga. 3 hours and 6 minutes sa isang linggo o higit pa ako mag overtime, at kapag Rest Day ko kuno, nag-aalaga ako ng mga dambuhalang bata. Kumusta naman ang buhay hindi ba? Wala ka na nga'ng putanginang sex life sa loob ng kalahating dekada, kahit pa pagbabate, pinagkaitan ka.

Sinasabi ko sa inyo, PARUSA makasabay ng gwapo sa sasakyan. Baka mamaya, tigasan ako, tapos kandong ko pa ang bag ko na may NAKANGANGANG bunganga (si Domo kasi ang bag ko. Kung hindi ninyo alam ang itsura ni Domo, click here. )

 Minsan naiisip ko manghipo sa MRT. Pero 2 lang ang kahihinatnan kasi nun: mahuli ako o majombag ako. Bakit, ikaw, ano gagawin mo kapag bigla ka hinipuan ng lalaki sa MRT?
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...