Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Tuesday, November 10, 2009

Mushroom ang Itatawag Ko sa Iyo: You Grow On Me Like Fungus.

May bago ako'ng crush... yata... hindi ko sure. Mako-consider ko na kaya'ng crush yung natutuwa lang ako sa iyo? Nakakatuwa kasi ang itsura niya. Mukha siyang cartoon character... pero in a good way ha?

Tawagin na lang natin siya sa pangalang MUSHROOM. alam mo yung sidekick ni Super Mario na mushroom na may mukha at lumilitaw pag lower levels ng Super Mario Brothers pag natapos mo ang isang stage tapos wala sa castle na yun ang princess? Naaalala ko yun kapag nakikita ko siya.




May anggulo siyang hindi naman kagwapuhan. Pero cute siya. Nung una akala ko para lang siyang bata kasi kumilos... mukha siyang inosente. Parang walang kamuang-muang. Hindi siya kasali sa mga crush na binanggit ko dati: Hindi siya kasing cuddly ni Burnt Sienna o kasing Hunky ni Arashikage. Simple lang siya.

Turn off lang ako pag nagsasalita siya kasi bading na bading, na malumanay. Akalain mo na medyo may pagka-isip bata siya.

I can imagine him wearing blue PJs at may kaladkad na malaking teddy bear. May baby fats pa.

Isang linggo ko na siya nakikita nang malapitan. Mas natatabi na ako sa kanya kesa kay Burnt Sienna. Naturn off ako nung nagpakalbo siya... hindi na niya kamukha si Mushroom, medyo mukha siyang Ninja Turtles, pero ok lang. Natutuwa pa din ako sa kanya.

Merong undefined relationship si Mushroom, dahilan para hindi ko bigyang pansin ang pagkatuwa ko sa kanya. Gayunpaman, natutuwa ako sa kanya. For some odd reason, kapag tanaw ko siya ay hindi ako masyadong nagwawala sa mga calls ko.




Mukha din siyang antuking dagang costa. Pag avail ay unti unting pumupungay ang mga mata at napapapikit. Para siyang baby makatulog. Yung tipong yuyuko sa bigat ng ulo at unti unti'ng mawawalan ng malay.

Basta natutuwa ako sa kanya. Yun lang. kaya na-elevate siya sa crush status ko.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...