Marami na ako'ng napagdaanang bagyo, unos, tagtuyot, tag-araw, tag-ulan, binyag at libing. Wala na atang hindi namalas ang aking mga mata, nahawakan ang aking mga kamay at nadama ng aking puso. Ilang beses nang lumubog at sumikat ang araw sa aking magdamag, at ilang beses na di'ng namalas ang mga bahaghari at mga bulalakaw.
Kung sasabihin mo sa akin na mahal mo ako, paano ko paniniwalaan ito?
Ano na naman ba ang pinagsasasabi mo diyan?
Gusto ko nang umibig. Pero natatakot ako. Gusto kong ialay muli ang isang bahagi ng sarili ko sa taong sa tingin ko'y nararapat. Pero nanginginig ang aking tuhod, kumakabog ang akng dibdib at parang turumpo'ng umiikot ang aking katiuan sa tuwing iisipin ko iyan.
Hindi mo masisising natatakot ako. Binigyan ako ng napakalaking dahilan para matakot. Ayokong mawala ang lahat sa isang iglap katulad ng dati. Ayoko'ng minsanan pa ay gumuho ang aking mundo at maiwang nag iisa, hiwalay sa aking pamilya, mga kaibigan at iniwan na lamang nang walang pasintabi, na walang balak pagsabihan kung bakit kelan at paano.
Walang kuwentang aminin m,o sa ibang tao na nagkamali ka pero sa akin ay ipagkait mo iyon. Hindi nila kama ang nilapastangan mo, hindi nila buhay ang minsanan mong sinira. Kng hanggang ngayon ay duwag ka, paano ko malalaman na hindi ka pa rin duwag sa taong kasama mo? Kung sinasabi mo'ng hindi ka deserving sa pag ibig ko, paano mo malalamang hindi ka din deserving sa pag ibig ng ibang tao?
At sa akin... Paano ko naman malalaman na hindi na ulit mangyayari sa akin ang dati nang nagyari mula sa iyo?
Binigyan mo ako ng takot na ayaw mong burahin, ng kawalan ng pag asang ayaw mong bawiin.
At kayong mga kaibigan ko, paano ninyo kayang sabihin na kaya kong baguhin ang aking pananaw? Natakot na ba kayo ng sobra sobra na ayaw na niyong maranasan pa ang paglukso ng iyong puso mula sa dibdib at ang pagkamatay ng iyong pagkatao? Naranasan na ba ninyong piliting buhayin muli ang diwa na pinatay ng iba? Naranasan na ba ninyong bigyang ningas ang isang apos na matagal nang natupok?
Karuwagan ang pumatay sa akin, Katapangan ang bubuhay nang muli sa akin.
MAPALAD ANG TAONG MAGBUBUKAS NG AKING PUSO. KANYA AKO HANGGANG KAMATAYAN.
No comments:
Post a Comment