Be One of My Froglets

Search This Blog

Tuesday, September 29, 2009

Tanginang Bagyo yan, Parang Mongoloid ang Pangalan



ONDOY. Ni hindi ako naonood ng TV. Ang alam ko lang nung gabing iyon, hindi ako nakagimik. Tigang pa sa tigang na lupa nag lolo ninyo, tapos may humihiling pa ng napakaimposible'ng bagay sa akin para sa piyesta. Dinahilan ko na may kailangan pa ako asikasuhin dahil agnininong pa ako sa kumpil kinabikasan, na totoo naman.

Atasan mo ba naman ako'ng magdirect ng isang re-enactment ng pagkamatay ni St. Francis, e ni hindi nakapagworkshop yung mga bata, at sa biyahe ko---tingin mo magagawa iyon? As if hindi magtatawagan ang mgfa magulang ng mga bata'ng iyan at magrereklamo. wala naman pare-pareho'ng bayad at saka alam ko na magkakalat at pangalan ko na naman ang mahahatak, sus. SIRANG SIRA na ako sa teatro kakatanggap ng mga proyektong hilaw.

Kumpletuhin mo man ang ilaw, damitan mo man ng ginto, kung hindi naman handa'ng umarte sa harap ng maraming tao ang isang bata, hindi mo mapapaniwala ang manonood.

Hindi ko pinangarap batuhin ng kamatis.

At isa pa, wala ako sa mood. 3 taon na akong wala sa mood. Ni hindi ko nga natapos na ang nobela ko na sinusulat.

Ewan ko ba, patay na ang damdamin ko ata. Binuro ang creative talents kpo sa Call Center sabay bigyan ng sunud-sunod na kabiguan sa pag-ibig, tapos sabay pagtanda, resulting in pagkatigang, bigla ka pa magiging "tatay," aba, wala talaga ako sa mood. Retarded na din ang simula ng gabi ko, kasing-retarded mng pangala'ng ONDOY.

Plus horny ako nu'ng gabi'ng iyon.

Ewan, basta napaka badtrip ng gabi'ng iyon na wala namang ginagawa sa akin ang mundo. Bumuhos ang ulan at lalo ako'ng nabadtrip dahil hindi natuloy ang pangarap ko'ng rumampa sa dilim.

Natulog na lamang ako.


Kinabukasan, Sabado, umuulan pa rin. Hindi ko naman Alam na si Ondoy na pala iyon. Sinabi sa akin na malamang bumaha at itaas ko na lahat ng maaaring abutin ng tubig. Bumaha na dati sa loob ng bahay, bagamat hanggang talampakan lang naman. Itataas mo lang naman lahat ng sapatos, etc, tapos. pagbaba ng tubig happy ka na.

So niligpit ko lang ang mga gamit ko, nagwalis at baka maging putik pa ang alikabok. Maya-maya'y tinatawagan na ako ng aking tiyahin at itinatanong kung tuloy pa ba ang kumpil sa bayan dahil umuulan nga. Ipinatanong ko pa sa kaibigan ng pamangkin ko at itinext pa sa simbahan. Maya-maya'y sumagot na na Cancelled nga daw.

Itinuloy ko na ang aking paliligo at natiulog. Galit sa ulan, mabubnuro na naman ako sa bahay; wala na namang mangyayari sa aking maghapon.

Ginising ako ni Aylin. Alas tres ng hapon iyon. Tingnan ko daw ang bakuran. Dumungaw ako sa bintana at puro tuktok na lamang ng mga puno ang nakita ko. Nilunod na ng tubig ang mga puno! Dali kong binuksan ang pinto at nagsimula sa hagdan. Nabigla ako sa aking nakita:

Malaki na ang tubig sa loob ng bahay.

Lalo akong nagulat nang lumusong ako dahil ga-binti na pala ang inaasahan nami'ng ga-talampakang tubig. Pinasok ko ang aking kuwarto at hinango ang sari-saring gamit sa aking silid. Mga kutson, mga papeles, mga sapatos, damit.

Bago ko natapos, ay nakaakyat na hanggang binti ang tubig.

Punatak ang alas sinngko. Hindi pa bumabalik sa bahay ang pamangkinkong 12 taong gulang na bumili lamang ng diaper sa kanyang bagong panganak na kapatid sa labas. Malaki na ang tubig sa mga oras na iyon, at isang kendeng na lang ay nasa 2nd floor na ang tubig-delubyo.

Huling sign off ko na din iyon sa Facebook, dahil pinatay na ng kapatid ko ang kuntador. Nawalan ng kuryente. Nakarinig kami ng malakas na pagsabog sa labas ng bahay. Pumutok ang transformer sa isang poste.

Kasunod noon, ay nawalan na ng dial tone ang telepono.

Unti unting dumilim ang paligid.

nagsindi ng kandila ang mommy ko. hinihintay naming abutin na ng tubig ang kuwarto namin sa itaas. Tinanaw ko ang natitira sa kuwarto ko.. Naririnig naming magtauban ang mga mesa, sofa at mga gamit na inaanod ng tubig. Nababasag ang mga salamin, nasisira nag mga kahoy. Gusto kong umiyak pero binabantayan nila ako.

Ako lang kasi ang pinagkukunan nila ng lakas ng loob, napansin ko iyon mula ng mamatay ang Daddy ko. Hindi ako nagpakita ng kahit katiting na luha kahit kailan mula noon sa aking pamilya. Mas mahirap ngayon dahil wala naman ako makasamang kaibigan para iyakan.

Yakap ko lang ang pamamngkin ko'ng babae, at tinanong ko, "Maiintindihan mo ba ang nangyayari?"

gusto kong umiyak nang umiling siya.

Gusto ko'ng sabihin na hinihintay na lang namin na mamatay kami. Sa oras na iyon, bumulwak ang tubnig mula sa mga floor boards nang hindi namin inaasahan, at nagsimulang umapaw sa kuwarto ang tubig.

Officially, wala na kami'ng matungtungan na tuyo'ng sahig, at wala na kaming pupuntahan. Ito na yun. Kung tumaas pa ang tubig katulad ng sa ibaba, MALULUNOD NA KAMI.

Niyakap ko na lang ang pamangking babae at sinabi na mag pray siya, pray siya na buhay ang kuya niya, pray siya na tumigil na ang ulan. Gumagana pa ang mga cellphone. hindi man makatawag ay nakakapagtext kami sa kahit sinong inaakala naimn na kasama ng pamangkin kong lalaki.

Malapit nang mag-hatiggabi nang sumagot siya. Buhay siya pero muntik nang malunod sa may simbahan. Nasa pangangalaga siya ng Kura Paroko namin.

Tumigil ang ulan bahagya at muli naming narinig ang pagbulwak ng tubig. Hindi na tumaas ang tubig.

Sinabi kong matulog na sila habang salitan kaming magbantay ng sister ko sa tubig kung tataas pa.

Pero hindi na nakayanan ng mga katawang lupa namin. Nagising kami, wala nang tubig sa kuwarto. Paglabas namin, nakita na namain ang iniwan ng bagyo... Mga sirang kasangkapan, burak at isnag sirang bahay. Sa labas ng bahay, hindi na tricycle ang namamasada kundi bangka, at kahit airbed ay ginawa na ri'ng pamasadang life raft. Naglip[ana ang mga taong nagpapanic makabili ng pagkain. Nang pumunta kami ng kapatid kong babae sa supermarket, dagsaan ang tao at nagkakagulo. Offline ang mga ATM at credit cards. Napilitan kami'ng pagkasyahin ang natitira sa pera namin.

Hindi ako pumasok sa trabaho nung araw na kinabukasan. Buo'ng araw na naglinis ang buong pamilya ng abahay, pinilit tanggalin ang burak at mabaho'ng amoy.

Sa mga oras na ito, amoy burak pa din ang bahay.

Pumasok ako sa trabaho kahapon. Ayokong magmukhang kawawa. Gusto ko mang magpahinga pumasok pa in ako, dahil sayang ang trabaho. Pagdating ko, mas madami pa'ng hindi pa rin pumapasok. Yung iba, totoong na-stranded na tulad namin, ang iba nagpilit pa ring pumunta sa opisina kahit nawawala pa ang mga mahal sa buhay, may mga galit sa gobyerno, may mga umiiyak.

Ang masaklap pa noon, pinilit mo na nga pumasok dahil mahal mo ang trabaho mo, queueing pa. Galit pa ang mga customer mo na winasiwas at giunalit ng mga taong nauna nilang kausap kesa sa iyo. ibinabato sa amin ang mga tawag na ayaw nila.

Gusto ko'ng magmura na makakapal ang mukha nilang umiwas sa trabaho nila kasi ako nga itong hindi malaman kung saan hihiga mamayang gabi, TINATARANTADO PA NG KAPWA PINOY NA TAMAD.

Naiinins ako. nanggigigil ako sa trabaho ng ibang tao pero sapat na makaraos na sa araw.

Pag uwi ko, nabalitaan ko na ang kapitbahay namin na kasa-kasama naming maglimas ng ubiog ay namatay na sa atake sa puso. Nahirapan siguro sa baha.


Ako din, gusto ko atang ma-ataque de corazon.


Alam mo, kung tutuusin, ang mga pinoiy kasi minsan, sakim. Puro AKO AKO AKO. Walang pakialam sa kapwa kung hindi naman sila makikinabang. Kaya siguro kapag hganyang may mga malakihang sakuna, nauubos tayo.

Sisihan ng sisihan, samantalang nakaasa tayo sa IILAN LAMNAG NA MATINO'NG gumagawa ng kanilang trabaho.

Kung lahat tayo ayt nagbabantay, nag-aasikaso sa sari-sari nating ginagawa nang BUONG PUSO, sana hindi mahirap ang mga ganito'ng bagay para sa atin.

Walakasi tayong ginawa kungdi magbilang ng kung ano ang makukuha natin, wala naman tayo'ng ibinibigay.

Hindi pwede'ng face value ang lahat ng bagay. kapal ng mukha mo.

Thursday, September 24, 2009

Sabi ng Diyos, "Sorry, Anak, naubusan ka na, e."


Dear Agnolo,

Musta ka na? Ako ok lang. Naka 6 na VOC scores na ako for this month, mukhang maganda naman ang score ko, papasa ako, at higit sa lahat hindi pa ako mateterminate! I still have a job! Thank God.

Yes, Thank God. Kahit hindi niya ako bigyan ng partner, kahit milyun-milyong problema ang ibigay niya sa akin. Kahit halos maupos na ako sa mga taong lumalapit sa akin para sa tulong... at sorry, wala ako'ng balak mamulitika tulad ng mga pinsan ko.

I have 2 cousins who are both running against each other for Vice Mayor sa Meycauayan. I found out nung burol ng Tia Nene. Of all places. Ang burol ni Tia Nene ang naging medium namin'ng magpipinsan para magkita-kita ulit, just like the time na namatay Dad ko. That particular scene was funny. 2 pulitiko ng pamilya, nag-iiringan. Sila naman mismo hindi magkaano ano, nagkataon lang kasi, common relative nila kami. Tapos magkaaway sila. They were both Vice mayors one time or another. Now theyre planning to run against each other. My opinion, matatalo sila pareho if they do that.

Anyway, natutuwa ako at nakita ko halos lahat ng mga pinsan ko na nandito sa Pilipinas. Pwera lang kay alam mo na. Ayun, hindi nagpakita. Kahit anino hindi namin nasilayan. Mismong kapatid niya hindi siya hinanap.

Eto, tuloy, naalok ako ng panhganay sa ami'ng magpipinsan na magninong sa kumpil ng anak niya. huhuhu.

Not that I'm complaining.

What I dreaded was the countless comments about my singlehood nung nandoon ako sa bahay ng tita ko. I was carrying my 2 year old niece na sabi nila kamukha ko daw. madaming tao ang nagtatanong kung anak ko na ba yun. Gusto ko mang angkinin, sabi ko hindi. lagi nilang sinasabi, "Mag-asawa ka na"

Gusto kong sumagot "Bawal pa po, sabi ni Pope Benedict."

Baka may makagets, kaya hindi ko na sinabi.

Pero nevertheless, naumpoisahan na ang month-long na ata'ng pamumuna sa akin sa hindi pa ako nag-aasawa. So whatr, para naman ako'ng single father dahil sa 2 ko'ng pamangkin. minsan sa Divisoria, iniinsist ng isang indera na ibili ko ng sandals ung "anak" ko'ng babae. O bigyan ko ng kapatid na lalaki nung nagcomment ako na panglalaki mga hilig niya na gamit. nung sinabi ko'ng may kapatid na lalaki na yan at tinuro ang kasma kong teen ager, napatunganga siya. "Kuya niya yan?"

Malamang, akala niya anak ko din yun.

Siguro hindi ko nga destiy magka partner.

Dear Agnolo, wag lang mawawlan ng porn sa mundo ok na ako. Pag nawalan ng porn o hindi na ako makapag view ng porn sites, MASISIRA siguro ulo ko.

Siguro nung nakapila lahat ng kaluluwa kay God para kunin ang name ng magiging partner nila, nung turn ko na, sabi ni Lord, "Sorry Anak, naubusan ka na."

Odd man out.

Malas mo naman, Ron.

Agnolo, ikaw lang nasasabihan ko ng ganito. Sana totoo ka'ng tao.I need inspiration kasi para tuloy-tuloyt na ung pag bubuti ko ng work. Yun na lang talaga ang nagbubuo sa akin. Nagagawa ko ang madaming bagay sa work, pero, ngayon motivated ako, Agnolo.

I found someone na pwede kong matawag na Crush. I feel happy pag nandun siya sa work. Nakikita ko lang siya, parang gusto ko magpasikat palagi.

Alam mo, Agnolo, ang bait bait ng itsura niya. Ang amo-amo ng mukha. Hindi super cute, pero yung tamang tama lang. I like the lips. Saka eyes. parang ang bait niya sa eyes niya. Kalbo siya.. hehehe bagay sa kanya. saka hindi yatot. ang cute cute kaya... parang ang sweet niya yumakap.

Minasan gusto ko isipin na pwede'ng magiing kami... kahit alam ko'ng hindi pwede. I know practically nothing about this person at hihimatayin ata ako pag kinausap niya ako.

Nevertheless, hindi ako umaasa. ok na sa akin na nakikita ko siya araw araw. bubusugin ko na lang ang paningin ko. Kasi habang gising ako, nakikita ko siya, at pagpikit naman ng mata ko, nagagawa ko gusto kong mangyari. Nagiging kami. nayayakap niya ako. Naiimagine ko na masarap siya... masarap siyang kausap.

Bastos ka Agnolo.

Baliw na nga siguro ako. Bakit naman hindi ako mababaliw sa stress ko araw araw, hindi napapatid hanggang sa pag-uwi ko. Wala akong pampatanggal ng stress.

Except porn.

Mabuhay si Sean Cody! Mabuhay si Randy Blue! mabuhay si Jake Cruise!

Salamat sa mga pantasya. Salamat sa pagpapagana ng aking imahinasyon sa mga bagay na dapat hindi sana nangyayari, pero sa pamamagitan mo ay nagiging p[osible sa aking guniguni.

Incoherent ata ang thoughts ko ngayon. Paano kasi kung hindi ka ba magkasabaw-sabaw ang utak sa pinaggagagawa ng mga tao sa mga iPhone nila... hayst.

2 kelangan ko ngayon. Bahay at sex. Sino may alam na mura?

Tuesday, September 22, 2009

Bulgaran na Ito.

Alam ko masungit ako. E ano magagawa ko? Reklamo kayo ng reklamo, nga anak kayo ng impakto, e sa hindi ko makuha ung kasimple-simple'ng kailangan ko e.

SAWA NA AKO NA NAGBIBIGAY.

Sawa'ng sawa n ako sa mga effort ko, na hindi naman ako nakikinabang sa mga pinaggagagawa ko at hindi naman madali ang mga hinihingi sa akin palagi. Bakit ano ba akala ninyo sa akin, na Ako ang Cornucopia of Plenty? Paksyet!

I'm so sorry pero kelangan ko unahin ang sarili ko, kasi wala namang mag aalaga sa akin kundi ako e. Antagal na na ako ang nalalapitan ng tulong, pahihirapan ko muna kayo, kasi hindi nga akao makakuha ng tulong sa guisto ko mangyari para sa akin e.

Pagod na ako'ng mainggit sa mga taong may panahon para sa sarili nila, Pagod na ako'ng mainggit sa mga tao'ng may mga nagmamahal sa kanila. Bigyan naman ninyo ako ng konting puwang para sa sarili ko kasi UPOS NA UPOS na ako sa kakaintindi sa mga putanginang kailangan ninyo.

Nakakapikon na kasi.

Tapos sasabihin ng mga tao na kasi hindi maganda tingin ko sa sarili ko at sa kapwa ko, BAKIT, MAY NAIPAKITA NA BA SA AKIN NA MAGANDA, lalo na ung mga NAKASAHOD LAGI ANG MGA KAMAY?

Sus, e kahit nga sa Facebook, e. Friends for Sale, fpor example. Inaad lang ata ako kasi madami ako coins pambili at pampataas ng value nila, pero may bumili ba sa akin? WALA.

Kagaya ng FFS, habang tulong ako ng tulong sa mga sarili ninyong kailangan, ako ang nawawalan, at wala namang nagppoprovide para sa akin. AKO ang nahihirapan.

BUTI KUNG NAKAKAKUHA AKO NG INSPIRASYON SA INYO, e WALA. PAGKATAPOS NA MABIGYAN, PARANG DWENSDENG NAGLALAHO.

Nakakadala talaga.

So Imbes na nagrereklamo kayo na masungit ako, gawin ninyo kaya ung pinapayo din sa akin sa trabaho: ALAMIN MO KUNG BAKIT AKO MASUNGIT, baka may solusyon pa. OTHERWISE, pucha, tanggapin na ninyo na hindi ako magiging mabait sa inyo ano.

Monday, September 21, 2009

200 Pound Beauty with my sister

Dear Agnolo,

I know, I've seen this movie a few times already. Each viewing a little bit different. I'll tell you why.

First time I saw the film I saw i on my own. It won best picture in Korea, the girl won best actress. It was funny I was based on a popular Manga story. I loved the music. I laughed a few times, but not out loud.

2nd time I watched it was at the office during graveyard shift. Didn't finish it, a few calls came in. Was ok, my shift mates thought some scenes were funny.

Tonight, reason I was late logging in, my sister borrowed my laptop and found the movie. She started watching it. I thought it was appropriate. She's not exactly 200 pounds, but she's close (love you, sis).

Then she started laughing. ALL THE WAY. It was different than the first 2 times I watched it. I was watching it now with people who appreciated the movie. I loved the movie, and eventhough I have seen it before, I laughed because they were laughing.

It's not like appreciating a movie on your own. there's always a part of the experience that is lackong. When you see something alone, there is much room to critique, and that hinders the enjoyment factor.

I don't think there's a lot of movies out there designed for you to watch alone.

Tried it. Last movie I watched was back in May. Watchmen. I loved the graphic novel. I thought no one was ever going to make a movie out of it.

I prepared. I bougth my favorite bag (the ziplocked kind) of wasabi popcorn from Taters. I had like a tub of softdrinks to wah it off. I chose the seat in the middle of the theater, close enough to enjoy the entire screen.

Still, I was a critic. I never wtched another movie alone.

Thus, that became the last movie I watched.

But tonight, I enjoyed 200 poun d beauty.

Yes on a scrawny, 10 inch laptop screen in a room that didn't have airconditioning and the kids crowning me on top of the bed.

And I was missing a few people from chat. (Well most of them just say "hi," looko at my photos and decide they don't like me.

That was the highlight of chat at night.

Oh. and there's porn (which I am downloading right now).

But I enjoyed watching a movie on a small unsophisticated screen, no popcorn, no wasabi, No nothing.

This is what I meant about going out withanother human being.

YUesterday I spent the entire afternoon with my family in Tutuban and 168. Tiring but fun. And i don't mind spending when I am with people like these.

So much you people miss by turnng me down.

tsk tsk tsk.

Well, Agnolo, I guess we'll never know what it's like in a real theater with a date, right?

Sunday, September 20, 2009

Cain at Abel

Dear Agnolo,

Kagabi, naibalibag ko ang kapatid ko nang lasing siya. Umiwi ng lasing at nakisindi sa akin ng sigariyo. Tapos ay humiga sa sala, at tinatawag ang asawa. Mga kalahating ras siya na ganun, at pinagbantaang ihahagis ang mesa kung hindi siya lalabas.

Nakarinig ako ng sigawan at kalabog. Umiyak ang bata. Lumabas ako at nakitang nagwawala na naman siya.

Sinigawan ako at inakmaang susuntukin. Mabilis ko siyang tinulak, at muli niya akong pinawalan ng suntok (na hindi tumama) at mabilis ko siyang hinawakan at sa nalalaman ko sa ju jitsu ay hinagis ko.

tumama ang ulo niya sa sofa at doon na ako hinatak ng nanay ko sa loob ng kuwarto.

Buong gabi kong naririnig ang hiyaw niya na babasagin din niya ang mukha ko.

Hindi ko kailanman ninais na bumalik dito sa Meycauayan. Kaya lang ako umuwi ay dahil sa nanay ko at sa kapatid kong babae.

Hindi kasama sa usapan ang verbal abuse at mnga gabing hindi ako makatulog dahil pinagbabantaan ako'ng patayin.

Nawalan na ako ng mga kaibigan dahil sa hindi ko masabi ang tungkol sa kanyo kung sakaling umuwi ako dito, hindi na nakapag asawa ang kapatid naming babae dahil sa kanya. Nagkahiwalay sila ng una niyang asawa at hindi na binalikan ang mga anak dahil hindi niya malapitan dahil sa kanya.

Marami siyang anak pero ni isa hndi niya kayang pakainin. At kami'ng nagpapakain sa kanila ay minamaltrato niya ng masasakit na salita at mga pagbabanta.

Isa siyang halimaw.

Saturday, September 19, 2009

Tanga


May 3 tanga na nagsisiksikan sa iisang kama, kaya ang sabi ng isa, "Dapat isa sa atin, sa sahig mahiga, para hindi siksikan."

Kaya bumangoin ang isa at sa sahig na natulog.

Maya-maya, sabi ng isang tanga, "Ayan, maluwag na, akyat ka na ulit dito."

Toinks.




5 taon ako tumira sa Makati. I had been reatively hapy, except for my lovelife siguro. I had friends, I had a decent place to live, I had the freedom to pursue anything I wanted. Wala ako masyado iniintindi.

Bout a year ago, I was about to move out of my apartment, pero nahirapan ako maghanap ng lilipatan dahil andami sa mga nakukuha ko'ng contacts mga bading lang na front lang ang apartment for sharing o rent tapos haharrassin ka. Meron nga, kausap ko na about paytment, bigla ako iniwan to meet up with a guy na sabi ay titingnan ung place. Nakita ko pic nng guy. He was a HUNK.

Ang mga bakla talaga malilibog.

Ang nanay ko ilang buwan nang pinapauwi ako s bulacan. Mahirap, pero ala ako magagawa, papalapit na ang araw na kailangan ko umalis sa apartment ko. Nung mga nauna kong buwan, sobra sobrang hirap pumasok sa trabaho. Sa kinasanayan ko'ng 15 minuto lang ay nasa opisina na ako, 3 oras ang biyahe ko. bulacan papuntang Makati iyon, ha?

Hindi na ako makagiik. Hindi na ako makapag relax. May mga bata sa Bulacan, at maya't maya ako hingan ng pera. May kapatid akong ultimo yosi at barya kinukupit.

Sa Makati kahit minsan hindi ko naging problema ang pag iwan ng pera. dito ultimo tatae ako o maliligo, nakadikit sa katawan ko ang wallet ko.

Hati kami ng sister ko sa gastos, pero nabaon siya sa utang kaya minsan, ako din ang gagastos pag kapos.

Wala na ako contact sa mga dati kong barkada, kung dati kasi isang sabihan lang nila, nasa tambayan na kami, ngayon kelangan may appointment sila dahil 3 oras nga ang biyahe, hello?

Pakiramdam ko, nawalan na ng saysay ang buhay ko nung bumalik ako dito. Bagsak na din ang performance ko sa work, dahil nga pagpasok ko pa lang sa trabaho, p[agod na ako.

Hindi sulit, dahil ang pera sana'ng pang renta ko ng apartment ay siyang pamasahe ko pa lang.

Sino'ng may sabi'ng tipid mag-uwian?

Nanaba pa ako, lalong walang magkagusto sa akin. buklod sa pag nagtanong sa chat ng ASL, hindi appealing sabihing 30 m Bulacan. Kahit sabihin mong valenzuela lang yung kausap mo, sasabihin pa rin niya malayo.

Parang TANGA ano?

I Will Call You Agnolo

So Yesterday was day % at the poffioce for this week. It is my Rest Day today. Everyone keeps asking me what's new.

Absoluitely nothing.

Iv've decided to keep this more personal blog and update it everyday. It's starting to look futile. I begin thinking of what to write and I end up with a milllion things in my head, ending with no particular topic in mind.

------------------------
Enter frame to last night. I was undecided if I wanted to go clubbing. Of course I had a 5-pound bag in the way. I was at G;lorietta and I started to go online at aroung 3 pm, trying to fish out a couple of people who may be bored a s well, try to see if I can convince them to go out, have a few drinks. Have fun.

I haven't had fun in ages.

There was NOBODY online. And if there were, they were'nt speaking to me.

Someone asked me if I had friends.

I'm starting to believe I don't.

Then I went to smoke at the open area just outside Starbucks in G4, I saw one star... Actually I think it was aplanet. Itr wasn't twinkling.

Around me, a myriad of people with partners, regardless if friends or lovers, same-sex or what-nots, conversing with each other. If you hadn't brought someone, you were talklingwith someone on the phone. The coupole behind me was arguing.

Me? I was steadily staring at the star... er, planet.

Plato said people are born incomplete and we find our half-- our soulmates in the process of living.

I dare to say I may be born complete anyway but re fuse to accept it bec I am different.

For this reason I believe is why people tend to think I can handle anything... and it ios simply untrue.

I am petrified with being alone to fend for myself.

Let alone, have someone deend on me.

My broken faith has been abandoned by the people I loved the most and I do not know where to begin.

This is the first time in my entire existence that I have trully needed help and have not gotten a response in years.

And so begins my journey.

I will call you Agnolo. And you will be my friend.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...