E bakit nga may poser?
What comes into the mind of someone online to post a profile picture of someone else? What drives a person to misrepresent himself in a way that is outright deceiving? BAKIT ATE?
BAKIT?
In the same way na bakit may mga products sa commercial na nagmimisrepresent din minsan. Bakit sobrang sarap tingnan angmga lintek na hamburgers sa mcDo at Jollibee samantalang less appetizing ang mga ito sa tunay na buhay? A subtle form of misrepresentation din naman yun ah.
Sabihin nating si Chatter A ang poser at si Chatter B as isang uber gwapong model na super choosy.
Chatter A tries to ding/nudge Chatter B.
Chatter A: Hi
Chatter B: ASL?
Chatter A: 30 m isla puting bato
Chatter B: Ang layo naman
Chatter A: Isang baranggay lang sa Tondo po yun.
Kinilabutan na si Chatter B sa word na "Tondo" Words like gosh, ew and never appear in bubbles sa ibabaw ng ulo ni Chatter B, just above sa mga spikes sa buhok niya, syempre para hindi pumutok ang bubbles. Pero teka, baka naman cute, e di invite him over na lang.
Chatter B: Cam ka?
Chatter A: (nasa cafe lang) wala e.
Chatter B:Ok pic, meron?
At this point, ipapadala ni Chatter A ang profile page niya sa friendster, facebook o myspace. Makikita ni Chatter B na hindi kagandahan si Chatter A.
Hindi na siya magrereply.
Take note na wala ni isang pioece ng information na nakuha si Chatter A kay Chatter B.
He feels cheated, he feels used. He fells like a pioece of panis na chicken in the market na nilapilapirot, inamoy amoy at dinutdot dutdot bago i-declare na unfit for public consumption.
At take note, sa buong magdamag na naka online siya, puro ganito ang eksena.
Ang remedy ni Chatter A... kumuha ng isang kapani-paniwalang litrato at angkinin ang isang identity na hindi kanya. Nag eedit din naman ang mga tao ng litrato sa photoshop, e di iphotoshop na niya ang buong resume niya.
Speaking of resume, madami rin ang gumagawa nito sa kanilang resume.
Lo and Behold! A POSER IS BORN.
Kada isang guwapong choosy na nagreject sa isang pobreng bakla na gusto lamang silang makausap at maging kaibigan ay mga 4 o lima sa isang araw. kung gaya ng sinasabi ng marami na madami na daw gwapong bakla ngayon, e di times 4 pa ang maaaring maging POSER katulad ni Chatter A.
Tapos ito ding mga gwapo'ng ito ang magrereklamo dahil litrato nila ang ninakaw ng POSER na ito at kahit na identity nila ay nahiram nang walang paalam.
Tayo din naman ang nakagawa ng mga Halimaw sa lipunan natin e. Ang mga giinagawa natin sa hangin, naging mitsa ng global warming na nararanasan natin. Ang mga sakit na nirereklamo natin, gling sa mga basura at bad habits natin.
Kahit ang mga POSERS, gawa ng bad habits online.
Sabi sa akin ng boss ko: Huwag kayong magreklamo sa isang problemang kayo rin ang gumawa.
May posers kasi kahit anong gasgas ang gawin natin sa kasabihang "Ang busilak na kalooban ay kagandahamng maipagmamalaki," ALAM MONG BULLSHIT yun e.
Unang titingnan sa iyo kung kagandahan ka. Tapos titingnan sa porma mo kung may pera ka... tapos saka pa lamang susubukan kung magaling ka sa kama. Yang ang standards lalo ng mga bading. Hindi na uso ung mga baklang arlor na pag aaralin ka, bibigyan ka ng matitirhan, bibihisan ka... Sa panahon ni Belo at Calayan, magaganda na sila at successful... parang mnga babae, may pinaglalaban na rin silang gay rights. Powerful na ang ilan sa kanila at nagdedemand na ng respeto.
Pero Mare, sumosobra na ang pagigng mapili mo. Hindi meat market ang internet.
Gusto mo ng model, sa TAO office ka mag antay ng BF, wag online.
Hindi totoong may mga taong hindi impressionable. May first impression, 2nd, 3rd... etc... may isang point na magkakaroon ng lasting impression sa iyo... hindi nga lang palaging 1st yun.
Pero palagi pa rin magiging factor kung gwapo o maganda ka. Hindi pa ako nakakita ng isang taong naghabol sa akin na hindi nagsabi na cute ako sa paningin niya. Wala pang nagsasabi sa akin na, alam mo, panget ka pero mahal kita e
Wala.
POSERS... hindi pa din ako kampi sa inyo, pero hindi rin ako kampi sa mga nakapaglikha sa inyo.
2 comments:
sa mga posers at sa mga tagapaglikha nila:
Putanginampaksyet
:-)
well said.
Putanginampaksyet nga sila.
Post a Comment