Be One of My Froglets

Search This Blog

Monday, December 14, 2009

Samahang Malalamig ang Pasko

Last year, may friend ako'ng nag-create ng group sa Facebook.

You guessed it, "Samahang Malalamig ang Pasko."




This year, malamig pa rin ang pasko ko, pero ang pasko niya, hindi na. I was kinda sad nung nalaman ko'ng hindi na siya single. I was contemplating something loong after nanlamig na sa akin ito'ng taong ito.

Yep, he made it sa list ng "Ones Who Got Away."

Well, not really. If you were looking for companionship, he's gonna be the right one for you. If you wanna be a bit more stable than most guys I know, perfect, the guy had businesses. Caring, check, sweet, yeah.

I didn't like how he was depressed at times, but hey, I'm depressing too... Which kinda makes it more reason not to be together...

Anyway, here I am. I'm kinda lost. I've never been this longing for TLC as I ever was in the past 3 years without a partner.

Natatakot na ako sa mga napapantasya ko. (Read http://gooeyboystwistedtales.blogspot.com/) Pagrabe na ng pa-grabe ang mga sexual fantasies ko. Harapan na akong makipagtitigan sa mga nakakasabay ko sa bus at MRT kapag trip ko. Anyway, ang reason ko, "Naiisip naman nila na naiisip ko yun e."




So fuck it.

Tinitingnan ko lang naman e. Pag pumikit na ang mga mata ko, saka na ako nagkakasala. Pagkakasalang ako lang naman ang gagawa, hindi sila kasali kahit sila ang laman ng episode na iyon.

I'm just happy may nakikipag usap pa din sa akin sa FB chat kahit nasasabi ko sa kanila na i like them.

Although asahan mo yun, baka huling beses na nila ako paunlakang makipag usap sa kanila.




Hindi ko pa din matanggal sa alaala ko yung time na natulog ako sa tabi ng pool at inubos ng mga lamok kasi ayaw akong patulugin sa room ng mga babae, at ayaw akong patulugin sa room ng mga lalaki.

At my age, naghahanap pa rin ako ng tatanggap sa akin.

At my age, wala pa din akong peace of mind.

Although mas mahal ko na ang sarili ko. Pucha, ikaw ba naman ang lokohin nang paulit ulit, ke pamilya, syota o kakilala lang. Poprotektahan mo na ang sarili mo kahit papaano. Masyado nang busabos ang puso ko. Sawa na akong inaakusahang madamot o walang pakelam para lang makuha nila gusto nila.




Kelan ko ba huling nakuha gusto ko mula sa ibang tao?

Oo. Wala akong aasahan kundi sarili ko.

Kahit sa sex. Pardon me kung magpapaka sex maniac na naman ako sa sasabihin ko, pero ako lang ang nakakapagbigay ng satisfaction (kung matata-wag mo ngang ganun) sa sarili ko.

Me. Me. Me.

Kung malamig ang pasko mo, bumili ka na lang ng mas magarang jacket. Wala kang kayakap, bili ka ng memory pillow. Better yet, thermal blanket kung malamig talaga. Gusto mo ng kausap? Gawa ka ng sock puppet.

O bili ka ng doll na nagsasalita.




Gusto mo buhay ang nayayakap mo? Bili ka ng aso.

Tutal, ang pera naman ay maamo sa marunong maghawak nito, at at least yun, matututunan... E di padami ka na lang ng pera kesa pipilitin mo ang ibang tao na mahalin ka. Kaya mong bilhin ang serbisyo ng isang tao pero hindi mo mabibili ang katapatan nito.

Ang bitter ng Pasko, ko, oo. Pero nangungulila ako e, and I seem to have an impression that ether nobody cares, or they're even annoyed that I voice it out.

Well I don't care, too. These are MY feelings and it's MY choice how I manifest it. This is sooo much better than taking it on my job and losing it. Kaibigan ko ang trabaho ko. And it is the only thing I have that gives way to things that make me happy.



because money loves me back.

Sabi nila materialistic na daw ako.

Would you blame me? E inanimate objects lang naman ang pwede kong ariin. Wala namang puso na magpapaari sa akin, so what?

Kung hindi naman ninyo ako matutulungan, then SHUT IT. Kung naaasar kayo sa nagiging evolution or devolution ko, then what the heck are you doing?

Seriously.

Would you run up to me and tell me to shut up because you love me and it's not true na walang tao para sa akin kasi nandyan ka?

No you wouldn't.

I'm tired of playing "guess what i'm feeling for you."

People tell me to take risks when I haven't seen anyone take a risk on me.

So why should I be the first one to make the jump? Sawa na akong tumalon finding out walang sasalo.

It won't happen anymore. I promise you that.

3 comments:

Raiden Shuriken said...

ayan tuloy, walang gustong mag-comment sa 'yo. wehehehe!

merry christmas 'dre.
i wish andyan lang ako sa malapit. paiinitin natin ang buong gabi ng Maynila.

cheers!
red

Unknown said...

Andami kasi dito, nananakam lang e. Andito lang, ayaw naman ituloy. Anlayo mo naman kasi lols.

Rei Mikazuki said...

God. And here I was thinking that my holidays were miserable.

Don't worry though, group member din ako ng SMAP.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...