Be One of My Froglets

Search This Blog

Friday, October 23, 2009

Slow Day.

Another rest day gone to waste, Agnolo.

Bad trip naman kasi e. May pasok ako bukas. Thurs-Friday pa natapat ang rest day ko, sobrang pagkabitin-bitin naman ng restday. Tapos hindi ko malaman kung aabutan pa ng sweldo ang natitira ko'ng pera, e habang nagtatagal ako sa bahay at nakikita ako ng mga bata, para silang nakakita ng Piggy Bank.

Kulang na lang basagin nila ang bungo ko at mag-expect na dadaloy ang mga barya.

O isabit nila ako at pagpapaluin, baka sumambulat ang mga kendi lollipop at barya (again).



Ala ako'ng pahinga. Trabaho, byahe, bahay... walang pahinga. sumasama ang loob ng mga bata pag gigimik ako, o nag aadyang aalis ako mag isa papuntang SM. Hindi naman ako makabili ng para sa akin pag kasama sila e.

Lalo'ng hindi ako makarampa.

Ano naman ang mapapala ko sa kaka-net, di ba? Hanggat hindi mga totoong tao ang kausap ko---meaning, mga taong nakikita ko talaga sa personal kung kailangan, mga taong nakasalamuha ko na at nakausap nang harapan... hindi made up, na picture ng isang unknown starlet o isang budding pornstar ang kausap ko, O picture n isang unsuspecting person na uy... kilala pala nila ako?

Pahiram ng picture, Ony ha? Ineed to get the point across too...



Hay. Yun lang ang buhay ko.

So kung sino ka man, pls take time to message me... o kaya tell me if you're not really interested, o scared ka sa ugali ko, or whatever... kasi ang nangyayari, nagiging defense mechanism ko na ung pagiging masungit ang shutting people out of my life kasi hindi worth it to keep people na mababa ang tolerance sa tiyaga.

Ayoko ng gustong pagpaguran pa talaga... na pinahuhulaan pa niya kung ano ang iniisip niya.

HOY, HINDI IBIG SABIHIN NG SOULMATE, E NABABASA NIYA ANG ISIP MO.

MAGICIAN ANG HINAHANAP MO, HINDI BOYFRIEND. O Isa ka sa mga nagpapantasyang may Edward Cullen sa totoong buhay?


Ang kailangan ko lang, yung nakakaintindi na may alaga akong bata dito sa bahay, na pag nauwi ako dito at  nalagi magdamag, MAHIRAP NANG TUMAKAS.


CUTE BA?
CUTE DIN BA ITO...
Paano naman ako makakaiskor niyan?

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...