Dear Agnolo,
Tumatanda na pala ako. 20 years na pala ang nakakaraan nang magkaroon ng YOUFRA sa Meycauayan. Matatanda na rin sila. Dati nung suali ako dun, bubunso-bunso pa ako, may mga pumasok din na bata pa sa akin, pero bata pa din ako noon.
Ngayon may mga pamilya na sila.
Tinanong ako ni Nino kanina, "O, ano na posisyon mo sa companya nyo?"
Ahente pa din.
Mnager na siya nung nagresign si Nino sa Hub, balak atang pumasok na manager din sa company namin. Nasa Sykes siya ngayon.
I feel so insignificant.
Buti nga hindi ko pa naabutan yung mga kasabayan ko talaga. May mga pamilya na. Malalaki na ang mga anak. May mga mag-aalaga na sa kanila, may mga magmamahal na sa kanila, at anak nila yun anuman ang gawin nila.
Ako, isang matinding kembot lang ng tadhana,mawawala sa akin ang nanay ko balang araw... ang isang kapatid ko, hihiwalay na yan, ang kapatid ko'ng babae, darating ang panahon at makakapag asawa sin yan. Ang mga pamangkin ko na ala-alaga ko ngayon... either babalik sa mga magulang nila o mag-aasawa din balang araw.
Alam mo, gumigising ako sa gitna ng gabi, humihingal. Minsan napanaginipan ko'ng mamamatay na ako tapos wala ako'ng kasama, at unti unti na lamang dumidilim ang paligid ko, at wala ako'ng magawa.
Gumising akong sumisigaw, at takot na takot, pero wala ako'ngmakapitan. Nag-iisa lamang pala ako sa aking malaking kuwarto'ng walang laman kundi ako at sangkaterbang gamit.
Nakatira ako sa isang bodega.
parang bodega ang buhay ko, tambakan ng problema ng ibang tao, napagkukunan ng bagay na kailangan. Imbakan. Pero sa malaking bahagi ng panahon, walang buhay.
Totoo, dati'ng bodega ang kuwarto ko, tinanggal ang mga kalat at inayos. nilinis. Titira kasi ako doon.
Maganda pa siya sa ibang kuiwarto ng bahay namin ngayon.
Pero madilim pa din sa gabi. ako lang din naman ang laman. Nahihirapan pa ako dahil araw araw nakikita ko ang mga taong kumakapit sa akin ngayon pero maaaring wala bukas.
Hindi ko na nabuo ang buhay ko dahil sa bang tao.
Hindi ko alam kung ano ang mayroon ako at akala nila palagi ok ako at pag sinasabi ko'ng hindi, ang OA ko daw.
Kanina, nalman ko may tao sa opisina na nagkakagusto pala sa akin. Nasabi ko sa TL ko na nakakatuwa, may nagkaka-crush pa pala sa akin. Ang sagot, "Bakit naman?"
Na parang taka'ng taka siya na ang alam ko walang may gusto sa akin.
Kasi naman, paano mo maallaman kung wala namang nagsasabi sa iyo ano? Kailangan paminsan minsan, sinasabi sa iyo na magaling ka, maganda ka, mahal ka nila.
Human emotional need.
To be loved.
Ang tagal ko nang hindi nararamdaman iyon.
Napanood mo na ba ang GI JOE The Rise of Cobra? Sa isang eksena, sabi ni Scarlett kay Ripcord:
" Emotions are not based on Science. So, if something can't be quantified, then maybe it doesn't exist."
I am ready to accept that theory.
So, somebody, save me.
No comments:
Post a Comment