Ninuninuninuninuninuninu...
Ganyan ang pakiramdam ko kahapon habang dagsa-dagsang missed calls, new numbers at mga bagong Facebook friends ang nakipagkilala sa akin. Partially salamat sa Blogs ko.
Kung hindi mo pa nababasa ang iba ko pang blogs, may link sa kanan--------->
At may link dito:
Gooeyboy's Twisted Tales
Gooeyboy's Erotikon
Kung ikaw ay ang conservative type, dito ka na lang.
Tama ang mga kaibigan ko, kailangan maging maingat sa mga pinagsususulat ko. Kais marami palang nagbabasa. Hindi nga lang nagpa-follow. Pero pansin ko naman sa mga kausap ko sa Facebook, alam nila ang tungkol kay Mushroom, o kay Silverpad, o kina Arashikage at Burnt Sienna. Alam nila na biktima ako ni Ondoy at sa Meycaiuayan ako nakatira at nagtatrabaho sa Makati.
Alam din nila ang kuwento ng MRT at ng Kapitbahay.
So bakit nga ba binabasa ang blogs ko? Curious lang, kasi hindi naman ako nag-aasam na mayroon nga'ng bumabasa. Tanong rin ito ng isang kaibigan ko sa Facebook. Gusto niyang sumulat. Dama ko sa taong ito na bahagi ng buhay niya ang mga titik na tinatype niya gabi-gabi or araw-araw sa kanyang mga blogelya at facebook posts.
Hindi ko man nababanggit ay malaki ang paghanga ko sa taong ito. Kakaiba ang kanyang utak. Classmate yata ni Bob Ong ang lalaking ito. Hindi ko din akalaing banggitin niya mnsan sa akin ang tungkol kay Mushroom... titigan ko nalang daw kung nasa opisina ako. Kaso, naka VL ako kahapon. hehehe. Aasam na lang ako na katabi ko na naman siya bukas.
Sa aking sarili, gusto ko ng taong ganun mag-isip. Gusto ko siya. Kaso straight. Kasalanang mortal na ang isang katulad ko ay maghabol ng katulad niya.
"Borrow 1 from 0, cannot be", sabi nga ni Vic Sotto. Hindi pwedeng makisalamuha ang Vampire sa isang Werewolf. Hindi pwedeng isaksak ang 110v na plug sa 220v na saksakan at hindi pwedeng pakainin ang Mogwai pagkatapos ng 12mn.
Ang Cute ni Gizmo.
Anyway you get my point. Alam ko kung paano lumugar. It has been my practice for a very long time. Hindi ako naniniwala sa mga baklang ayaw ng lalaking malansa. Eh gurl... sino pa ang papatol sa bakla kundi ang mga may bahid berde ring nilalang?
Ayaw mo ng mukhang babae. Yun lang yun. Meron din namang gusto.
Kahapon, narealize ko na may Type ako na klase ng tao. Hindi lahat pinapatulan ko. The other night, habang nagdidinner kami kina Bham, may irereto daw si Shie sa akin: isang nagngangalang Robin.
Magaling mag gitara.
May balbas na nakapalibot sa kanyang pisngi at panga, pero walang bigote.
Hindi daw gwapo, pero may dating.
Napatigil sa pagkain si Bham at natawa, "Tsuktsak, " sabi niya, "Bagsak ka ulit sa gitarista (nasa band ako ng mid-20's ko at jowa ko ang lead guitarist namin, ako naman vocalista.)! At di ba type mo ang mga astigin na may facial hair? Saka mga balbonic beauty na masarap yakapin? Ask ko lang kung smart ba ang Robin? kasi panalo ito pag nagkataon."
Oo nga ano? Tama si Bham. May tipo nga ako. Kagabi, nang dagsaan ang mga nagtetext at nakikipag chat sa akin, alam ko kung kanino sasagot. May criteria ko. Ako, apsado na, kasi nagtatanong sila sa akin, e.
Pero ako ang naghahanap ng katapat ko.
Ang mng crushes ko, isa-isa sa kanila may mga characteristics na pasok sa criteria, pero hindi lahat. Maaaring pasok sa lahat ng criteria kaso, Mogwai sila, ako Gremlin. O kaya ako Vampire, sila, Werewolf, o human. Merong kulang sa taba, kulang sa buhok, kulang sa utak.
Hindi nga mataas ang standards ko, pero EXACT ang standards ko.
Hindi sa walang nag-aaya sa akin, pero walang nag-aaya na pasado sa akin.
May difference.
Yung una, ibig sabihin, pangit ako.
Yung pangalawa, ibig sabihin, maganda ako.
Yung pangatlo, sabi ng mga isang psychiatrist,
ayaw ko lang mag-try.
Wierd kagabi. may model pa pala akong katext mate. Nakalimutan ko lang. May nag aya din sa akin ng date dati na ramp model, hinid ko lang pinatulan kasi inunahan ko na na indi niya ako magugustuhan in person. Marunong pa ako, pero ang totoo: hindi siya pasado sa category ko ng "smart."
Yun, iyon.
Lahat ng iyon, nagbigyan liwanag sa utak ko nang ako'y nasa Twilight Zone.
Ninuninuninuninuninuninu...