Be One of My Froglets

Search This Blog

Thursday, April 28, 2011

Remembering Dad

Death Anniversary ng Dad ko today. Nakaugalian ko na na every April 28, tungkol sa kanya ang isusulat ko. Pitiong taon na siyang namayapa, pero kahit hanggang ngayon, kapag pala magulang mo ang nawala sa iyo, kahit independent ka na sa kanya kahit nung buhay pa siya, napakalaking impact pa din, ano?


ayokong magsenti today. 2 yeaars na akong senti ang kuwento kapag kamatayan ng dad ko ang kinukuwento ko. Bakit nga naman kasi mas naaalala mo yung mga bagay na masasakit kesa yung mga masasaya?

Gwapo ng dad ko. He has olive skin, anice eyes, and a small nose. lalaking lalaki itsura niya. He was about my height. Sinasabi nila kamukha ko daw ang tatay ko, pero hindi ko naman maramdaman yun, gwapong gwapo ako sa daddy ko kasi kahit nung maliit ako.

Sabagay kahit sino naman, sasabihin gwapo ang tatay nila.

Monday, April 25, 2011

Barbie Joins America's Next Top Model

I remember walking along Toy Kingdom the other week and stumbled across these AMAZING likenesses of BARBIE!

Now, I know what you're thinking, "Aysus, kabadingan na naman ito ng Palakang Petot," but wait! There's more!

We're not talking about the dolls your sister or your neice is playing... nah-ah... not even those fully poseable Barbie Dolls you can do 100 poses, (even those raunchy ones!) We are talking High fashion, fully detailed mini mannequins!


I've seen this, people her face is no longer the generic, recognizable face you'd see as Barbie. Yes, her face has changed over the years, depending on how we see beauty, but you KNOW it's Barbie... Well, this time, people she's looking more realistic on this dolls... 

These don't even look like toys anymore.  These are mini mannequins! The're not fully poseable as Barbie had become over the years. These flaunt a single pose you can modify a bit. These are, what I thought,  professional, supermodel poses.

It's like Barbie and her friends decided to join ANTM. These dolls are sleek, mean and SEXY.

Sunday, April 24, 2011

Top 5 Reasons Why Easter is a Scary Holiday

This is just for fun. I am Catholic, and I celebrate Easter. I think it's the most important Holiday in the Christian faith. In no way at all do I intend to ridcule, molest and insult the sanctity of Easter. ALL FUN, folks!

HAPPY OYSTER!


I was aiming for Top Ten Reasons why Easter is scary. It is all inspired by this lovely picture of an Easter Bunny Mascot with an  unsuspecting victim, er, child on it's lap.

Saturday, April 23, 2011

Bahala Na Kayo sa Akin

Answers are always given from ABOVE... when you're ready to listen.

Kagabi, after a long time, sumama ako sa procession ng Good Friday just as I have eversince I was 16. May Poon ang tiyahin ko, Ang Pakikita ng Panginoong Hesukristo at ng Kanyang Nagdadalamhati'ng Ina (We have a penchat for long titles, you noticed?)


Salamat sa Cofradia dela Santa Vera Cruz sa retrato; ayaw matransfer nmg pics galing sa iPod ko
I've decided to join the 'festivities' dahil magulo'ng magulo ang isipan ko. I have a problem with my job and it really got to me talaga. I realized it was out of my hands, nagawa ko na lahat ng naisipan kong pwede ko'ng gawin. Maybe it's time to look for another job... Ang problema, Yung 25 thousand nga, hindi ko alam paano pagkakasyahin sa gastos sa bahay, lahat nga, pasan ko di ba, e papaano kapag yung next job ko offers less?

I would also need to let my family fend off for themselves. malalaki na sila. magagalit sila, oo, pero ano magagawa ko? Paano kung bukas, makalawa, mawala ako? Kita mo Si AJ, yung artista, gone in just a flash. A van full of people, siya lang ang kinuha.

Naalala ko ang sinabi ng isang kaibigan na dala ko sa prusisyong ito noong isnag taon, pero upang manood lamang, Huling narinig ko sa kanya ay gusto niyang makausap ang Diyos at sabihin, "I DON'T DESERVE ANY OF THIS."

Habang nakatingin ako kay Kristo'ng may pasan ng krus, kaharap ang kanyang Nagtatanong na Ina, "DID HE?"

Thursday, April 21, 2011

"Hi My Name is Lucifer, How May I Hell You Today?"

Nanganganib mawalan ng trabo ang Lolo Froglet ninyo.

Sa call center kasi, may tinatawag na AHT. Mas Mahaba ang calls, mas kokonti ang sasagot mong tawag, Mas kokonting tao ang natutulungan mo. Pag customer care ka, mas mabilis dapat ang calls mo kesa, nagto-troubleshoot kayo ng computer, ng telepono, ng vacuum cleaner, ng kotse... Yes. Kotse, tinatawag nila sa phone.



Technical support ako ng isang brand ng telepono. Itong telepono na ito, ay ang isa sa mga unang touch screen phones sa mundo. Kelangan sini-sync, ina-update, nadadownloadan ng Appplications, entonces, isa siyang hunyagong phone, depende sa dinadownload mo sa kanya.

Nahulaan na ninyo siguro kung ano ang support ko.

But wait, there's more!

Sa tatlong taon ko na sa account na iyon, libo-libo nang telepono ang naayos ko, sari-sari nang tawa at masasayang customers ang nag thank you, at sari sari din ang nagreklamo tungkpol sa ibang tao. Pambungad pa lang na bati mo kahit ngiting ngiti ka sa kanila, iisa lang ang pambungad sa iyo ng mga tatawag sa TECHNICAL SUPPORT.

"I have a problem with my (INSERT PRODUCT HERE)


Ang kinikuwento ko lang kasi sa inyo personal life ko na ubod ng toxic, hindi ninyo narerealize, TOXIC din ang trabaho ko. Meron diyan, mga pasaway na ahente (PINOY PA NAKAKAHIYA.) Pag hindi gusto ang kausap, kahit walang kinalaman sa technical support, itatransfer sa iyo.

Monday, April 18, 2011

SUMPA: I Rest My Case ng Bonggang Bongga

May bobitong tanga na nag add sa akin via suggestion ng twitter. Ako naman always the gracious host, wiinelcome ko naman. E mokong na ito, mayat maya ipangalandakang matanda na ako at mayat maya pangit nakakatakot.

MINO MOTIVATE DAW AKO. GAGO BA SIYA?

San ba siya lumaki? Sa Frat house? na pinapaddle ka bilang tanda ng pagmamahal? BOPOLS.

Ganda pa ng name ninya Sephlovesyou TANGINA! LABYUHIN NIYA MUKHA NIYA.


Ganyang ganyan kung bakit ayokong lumandi o mag take chances, bibihira ako makipag engage sa biruan, naiinsulto pa ako. Hindi ko naman siya inaano. Siya pa may gana maoffend. tangina niya..

Masisisi ba ninyo kung masungit ako at bitter?

Tangina, mgaoras na ganito, hndi ko na alam kanino iiyak, kaya sa blog ko na lang ako magbubuhos ng sama ng loob.

I had to block him kasi he PRESSED ALL THE WRONG BUTTONS.

Sunday, April 17, 2011

Semana Santa?

Naka ekis na sa kalendaryo ang linggong ito para sa karamihan. Mawawalan na naman ng sasakyan sa maynila dahil patungiong probinsya ang mga tao. Semana santa na kasi. Holy Week.

Noong lumalaki ako sa maliit na bayan ng Meycauayan, ito ang imahe ng Semana Santa sa akin:

Mater Dolorosa, Meycauayan, Bulacan
Walang isang taon ako'ng pwedeng mawala sa mga prusisyo, bisita iglesya, pitong huling wika at Salubong. Naroroon ako kapag binabasbasan ang Agua Bendita at ang Santo Oleo pag Sabado de Gloria, hanggang pumutok ang araw sa pagsapit ng Salubong.  Kapag Biyernes Santo naman ay hinahatid namin hanggang "Ilibing" si Kristo sa loob ng simbahan, hatid ng Nagdadalamhating Ina (Mater Dolorosa)

Noong nagsimula akong magtrabaho sa Makati, mga 7 taon na ang nakakaraan, ito ang Holy Week para sa mga taga maynila:

Marami ang naghahangad ng bakasyon sa Semana Santa
Pagsapit ng ilang linggo bago magBiyerbes Santo, naguunahan na silang mag file ng leaves. Kailangan hindi ka maiwan sa mga dinisyertuhang lansangan ng Makati pagtuntong ng Good Friday. Kanya-kjanyang book patungiong Palawan, Boracay, Bohol. Kanya-kanyang plano ng lakwatsa patungong Alaminos, Zambales, La Union, Caramoan.

Parang mga uhaw na lumalapit sa dagat...  Subalit may ilan din namang naiiwan sa siyudad...

Nakakabalita ako ng mga "parties" na parang taliwas na taliwas sa lahat ng pinaglalaban ng salitang Semana Santa. Sa isang dako, ang naunang dalawang larawan ng Semana Santa ay maganda, pahinga, pagmumuni-muni... pagbabalik sa lahat ng pinaniniwalaan mo... Diyos, ang malapit sa nilikha niya... Ang mapahinga ang pagod na katawan at isipan, ang kaluliuwang nagmamakaawa sa uhaw...

Sa ibang tao, ibang uhaw ang gusto nilang matugunan.

Holding Hands

"Wala ako'ng ka holding hands."

"E di hawakan mo kamay mo with the other hand."

"Para mo na ring sinabing... 'mag holding hands ka mag-isa mo!'"


Ini-enggangyo mo ako'ng buksan ang puso ko sa posibilidad na magkakaroon ako ng tao'ng magmamahal sa akin pero hindi mo sinasabi'ng ikaw iyon. Para kang nagbebenmta ng pabango na hindi ko man lang naaamoy.

Kung sana sinasabi mo sa akin... "You can hold my hand if you like."

O kung sinabi mo sana pag sinabi ko na hindi ko alam bakit walaakong bf for 4 years, sinabi mo, "Gusto mo, try natin baguhin yun?"

Pero each time anyone says I will find someone, I get the feeling I won't.

Thursday, April 14, 2011

Lalabasan Ka Na Ba?



"Malapit ka na bang labasan?"

"Oo, malapit na. Burat na burat na ko e."

"Tangina, halata na ngang lalabasan ka na.."

Oo, malapit na malapit na"

"Malapit ka na bang labasan?"

"OO! LALABASAN NA AKO NG SIRA NG ULO DITO!!!"



Mga ganyang biruan ang uso sa opisina. Sari saring topak na makikita mo sa mga tao. Minsan, napadaan ako sa isang istasyon ng mga ahente doon, Lalaki ang may ari ng station pero daig pa dresser ng nanay ko ang mesa niya: May iba't ibang klase ng toners, moisturizers, beauty creams at lip glosses (yes, plural) Mahihiya ang beauty section ng Watsons sa station niya. Itago natin siya sa pangalang Pitimini.

Hindi mo naman masisisi si Pitimini. Ang higpit higpit sa department namin samantalang bara-bara ang mga transfers sa amin. Sadya talagang tapunan ng mga ptapon sa patapon ang Tech Support sa amin. May gana pa magreklamo ang mga ahente ng ibang department sa ibang bansa, e hindi naman nila ayusin mga buhay nila ano?

Seryosohan ang problema dun sa trabaho, kaya't ang kawawang Pitimini, sa pagpapaganda na lamang ng kutis idinadaan ang frustrations niya.

Iba't iba ang paraan ng mga tao paglalabas ng stress.

May mga taong sa sex idinadaan ang therapy. Merong

Sunday, April 10, 2011

35 Things I Learned on My Birthday

Today is my birthday. I was hoping to get on some deserted island, watch the sunset, camp out in the beach, and hit on an epiphany.

But nope. I got stuck at home. My mom and my sister left for baguio, and I dont have anywhere to go. It was bad for the first 2 days of my supposed vacation. So Bad. Where were all my friends?


Sa 35 years ko sa Earth (Oo, kaya nawawalan na ako ng pag asa sa Love. Bibihira pumapatol sa mga mid-30s) eto mga natutunan ko bilang froglet:

1. Hindi lahat ng magaganda ang kalooban, Maganda rin ang kaanyuan. Likewise, marami ring maganda ang kaanyuan, ngunit bulok ang kaluluwa. Bihira ang mga katulad nating pinagpala na sa anyo, pinagpala na rin sa kalooban. CHOS!

2. Kahit mga lumba-lumba, at mga tambay, patapon ang mga buhay, may karapatan ding maging choosy at mang-reject ng mga magaganda, matatangkad at matatalino. (Loss nila, pero who cares, sino ba sila?)

Saturday, April 9, 2011

Happy ba Birthday ko? Hindi Yata...

Kababalik ko lang sa kuwarto ko, galing kina Bham.

Iniisip ko na sana sa mga oras na ito, baka nakatulog na ako sa bus papuntang Zambales mag-isa, kinakabahan dahil bukod sa unang beses ko mag commute ng ganoon kalayo by land, wala akong kasama. Inaalala ko sana ngayon kung may lugar para mag charge ng laptop, cellphone at iPod. Kinakabahan ako na baka wala akong gawin sa tabi ng dagat kundi kunain at tumulo ang laway sa mga naggagandahang mga tao na hindi naman makikipagkilala sa akin.



Pero hindi nangyari iyon.

"Huwag ka nang umalis," salubungin na lang natin birthday mo sa bahay," sabi ni Bham.

Umalis ang Mommy ko kasama ang kapatid kong babae at pamangkin na 4 years old. Naiwan sa bahay ang pamangkin kong teen ager, ang tatay niyang babaero at ang pamilya niya sa pangalawang "asawa"

Sila pa naman ayaw ko makasama, kaya ko nga binalak umalis.

Kahit yosi,kinukupit nila sa akin.

Wednesday, April 6, 2011

How To Be A Froglet (Part 3)

Third Installment na ng How to be a Froglet ko. hehehe. Alam kong medyo nababagot kayo sa pangalawa ko, hindi masyado bumenta. Don't worry, eto huling installment ko.



So Eto na...

* I sing out loud kapag nakaheadphones ako. Di bale nang pagtinginan nila ako, Wa pakels, basta nag eenjoy ako sa music ko.

* Minsang papasok ako sa trabaho, may mama'ng kiskis ng kiskis ng hita niya sa akin sa FX kahit nagsibabaan na lahat ng mga katabi ko. Dinakma ko hita niya at tinitigan siya ng masama. Nilabasan si mokong, sabay baba ng taxi.

Tuesday, April 5, 2011

How To Be A Froglet (Part 2)

Ito ang kahindik hindik na ikalawang kabanata sa isang buong linggong pakikipagpanayam sa Palakang Petot:

Nabitin ka ba? Hayaan mo, sinadya kitang bitinin para bumalik-balik ka sa blogelya ko. Isang linggo mo kong pwedeng pagchismisan sa lahat ng kawierduhan ko at sa lahat ng mga hindi ninyo alam tungkol sa akin. Buyangyangan na ng sikreto, no matter how Juicy, o boring... basta eto ako....



* May lahi kaming kambal.

* Dalawa ang standard response ko sa chat kapag tinatanong kung anong race o lahi ako. (1) I am an international mongrel. (2) I am part Filipino, part Spanish, Chinese, Italian ...and 1/4 moisturizing cream. (parang Dove Beauty Bar)


* Nung tinuli ako, nilanggas ng mom ko sugat ko for the first time, katabi ng Dad ko. Sabi niya, "Daddy, mas malaki yata siya sa iyo." I eventually saw my Dad's weiner nung nagkasakit siya and I was there to assist, I there fore conclude, namamaga lang ung akin nung nakita ng mom ko.

Monday, April 4, 2011

How To Be A Froglet (Part 1)

On Sunday, birthday ko. (kaya nasa ibabaw ng birthday cake si Palakang Petot). Nagpapasalamat ako sa mga sumusuporta ng blog ko, at napapansin ko kahit may mga araw na hindi ko ito napopromote o nabibisita, pinakamahina ang 200 views sa loob ng isang araw. Malaking bagay po sa akin yun. Napapansin ko din na may 1000 mahigit ang pinaka maraming clicks sa blog ko sa ibang mga araw. Maraming salamat po.



Mas natutuwa ako kapag may mga bago ako'ng nakikilala na nagbabasa ng blog ko, at nag-iiwan ng comments. Please po, iwan kayo ng comments, chat tayo kapag online ako. Hindi po ako masungit sa mga taong maganda ang intensiyon at malinis ang kalooban. Alam mo naman kapag ang isnag taong nagtatanong ay may masamang intensiyon, hindi ba?

Sa puntong ito, nakikita ko din na nauso nung nakaraang linggo ang pagpopost ng 100 o kaya 50 things about you. Hindi ako mahilig magjoin sa bandwagon, kaya hindi ako sumakay. Pero last year (and maybe it's going to be a trend each year), I posted things about me na hindi alam ng mga tao. So this year there are more.

Saturday, April 2, 2011

Get Laid Already!


Maikli lang ito.

Pinost ko kahapon as part of my April Fools Day celebration. I changed my relationship status from "single" to "in a relationship." Mahigit sa malamang may nag react.

Ang nakakatawa dito, sila pa yung mga nakakakilala sa akin, nga tao na alam kung gaano katagal na akong walang chorva at kung paano nakakaapekto sa araw araw na buhay ko ang kawalan ng relasyon.

So umaasa ba sila na magbabago pa nga ang status ko sa totoong buhay?

Kasi naman...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...