Be One of My Froglets

Search This Blog

Monday, December 19, 2011

Totoo Kaya Ito?

Lukas Pascual
So callboy ka pala talaga kasi may naka chat ako sa Grindr eto sabi:

Pokpok ka daw at may jowa ka sa Mandaluyong. Ayoko sana maniwala pero ikaw daw yun e. Sana sinabi mo na lang binayaran na lang kita para kantutin.

Gago ka, ginalang galang pa kita, AMBABOY mo pala.

Sunday, December 18, 2011

Ang Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ng Isang Poser

Masarap pala maging isang Poser.

May tumatawag sa iyo na "Baby," "hotstuff," "asawa ko," at kung anu ano pang pet name.

Hindi bro, hindi tol, hindi "hoy."

Nagkakandarapa sila makipagkita sa iyo. Nagmamakaawa silang kausapin mo sila.

Sa buong stay ko sa Grindr, ngayon lang ako inabutan ng lowbatt kaka grind. Pota, na late pa nga ako dahil naaaliw ako sa mga messages e.

Oo nanloloko ako ng mga tao.
Oo ineexpose nila ang mga sarili nila sa akin.

Pero that is sooo much better than all these fucking years staring at all those closed doors.

Bigla bigla, may susi ka.

Bigla bigla, binubuksan nila para sa iyo.

Alam mo'ng hindi talaga para sa iyo yun, but what's a little mistaken identity?

Walang galang galang sa taong gutom.

Magagalit ka ba? E hindi naman ako magkakaganito kung pinagbigyan man lang ako ng kahit isang putanginang nilalang na mahalin man lang ako pabalik?

I am a Monster. Yes I am.

But monsters create monsters. Hindi nanganganak ng pusa ang isang aso. Ang HALIMAW, ILULUWAL DIN NG ISA PANG HALIMAW.

May mga times na may nag confront sa akin, tanong bakit ako ganun. Alam mo, hindi naman nila ako makukumbinsi sa mga dahilan nila, e. E putangina, sa maghapon ba naman ako online, may magmemessage sa iyo na IISANG tao, pag naghanap pa ng ibang pic, effort ka pa hanap ng magandang shot di ba... Tapos hindi ka trip.

O kaya yung hingi ng hingi ng pic, hingi ng hingi... Naghihintay lang magbigay ka ng pic na hindi maganda anggulo.

Putangina di ba?

Yang mga "sana ok ka na soon"

GAGO KA BA?

Kung jowain mo na lang ako?

Yun lang naman makakapagpatigil sa akin sa posing e.

Kapag nahanap ko na ang taong magmamahal sa akin pabalik.

At alam ko wala sa Grindr yun. Good luck naman.

Monday, December 5, 2011

My Life as a Poser

I have a Grindr account. I put my best most recent photograph on it and update it everyday. I get a few comments now and then, but ive only met 2 people in my entire stay; and no sex, no 2nd dates. (although I'd love to)

One day, this schmück with a torso pic messaged me after I said hi or hoy, a typo:

I was devastated. I always thought i was less attractive; but I believed what my friends keep telling me: "IT'S THE PERSONALITY THAT COUNTS, GOOEY"

And I believed that. I get loads of friends with that belief. FRIENDS, YES. BOYFRIENDS, NO.

Apparently, still, and it is a rule of engagement in the animal kingdom to look attractive for you to gain a mate.

Walang hayop sa balat ng lupa ang magsasabi ng katulad ng kanta ni Andrew E. Na HUMANAP KA NG PANGET. E putangina naman e, si Andrew E hindi naman panget ang napangasawa, lahat ng kanta niya tungkol sa magaganda at seksing babae e. Niloloko nyo lang ako e.

Everything started flooding back; I was in Bulacan all over again, felt ugly and unwanted and all that shit; I felt like killing myself and all the response I ever got was, "You're so nega."

I closed down my own Grindr account.

So there I was, sulking and grumbling for a day and a half. I hated my looks I hated how I sounded; how thinning my hair was; how crooked my teeth were; and I rembered someone I hated because he had all that--- he can get away with being an asshole becaue of his looks.

I rummaged my Picasa® and downloaded a lot of old photos Ive saved.

I redownloaded Grinder and created a new account.

Violá.

I've become a poser.

They showed me their face pictures, theur naked shots, their dick pics, pics with cum, they gave me their numbers, their addresses, their HIV statuses. Everything.

These people wouldn't have given me the time of day jad I provided them my real picture. Heck, between the identity I took and my own identity, i received 300% more messages than I would by being perky.

And perky is tiring!

I didn't need to be nice or sensitive because they thought I was attractive. They found me sexy so they didn't take offense at my being forward.

Seriously, if you have a pretty face, people are MUCH MUCH NICER. this guy has a very depressing profile page in FB, if i wrote that much negativity on my page i'd ibstantly get disses like, "GROW UP." or "YOU'RE SO NEGA."

But this guy posts his problems on his page(he's bipolar. I knew him) and people send out their love.

Like, it's discriminatory.

Like this son of a bitch will care.

And people will usually say, "oh it's just you.

EXACTLY. It's me, so I won't be me. You can get what you want an I can get a little bit of what I want pretending to be someone else.

I've never had so much fun chatting as myself; I simply show another photo and pretend and violá, better treatment. Just loke getting a fake diploma and transcript or license from RECTO. You suddenly can.

Thing is, people who wouldnt show you their faces will OFFER their photos for you to respond to them. It's wierd. I felt like im switching from economy to business class.

It was UNREAL.
Literally and figuratively.

And I do it so well. I told soneone this wasnt me on the profile abd he wouldnt believe me.

He set up to meet with me today and didn't notice me so I left. Knowing that I told him my true identity and even showed him a photo of my ugly mug, I asked him why he stood me up. He said he didnt and really wanted to see me.

Apparently to him, GOOEY was the made-up character.

I used to ABHOR posers. We treat them like cockroaches, feeding on other people's identities and getting what tey want.

Actually they don't.

They can't meet up.
They can't reveal themselves.
They can't have sex even if they really really like the person they're talking to.

IT'S REALLY THE RESPECT THEY COULDN'T HAVE BECAUSE WE ARE ALWAYS INCLINED TO BE NICER TO NICER LOOKING PEOPLE.

Why not look nice?

Well some people like me can't fake it. We look this way because people keep reminding us that we do. There are days like Valentines, Christmas, New Year, etc, where all of our married and hitched up friends stay with their other halves, and we single folks try to come up with the best diversion so we dont notice it.

Society--- The gay community in particular puts BEAUTY is such a high pedestal that nothing else matters.

This guy is ENTIRELY RIGHT:

Sunday, October 2, 2011

Check In...

This summary is not available. Please click here to view the post.

Wednesday, September 28, 2011

Mayapis

Hindi kalakihan ang nilipatan ko'ng lugar. Dormitoryo sa Mayapis, hati kami ng kasamahan ko sa trabaho sa renta. May isang kwarto, kusina, banyo, kainan. Umalis ang kasama ni Ekis Girl kaya enter Gooeyboy the roommate.

Alsa balutan ako 2 weeks ago. Dala ang ilang bagelya ng mga kabaruan at kachorvahan, ilang sapatos, panloob, isang laptop at ang aking iPod.

Masaya ang unang linggo ko. Unang restday ko sa bagong tirahan ay gumalur agad kami sa Oktoberfest.

Kinabukasan, inuman kina Gold sa Las Piñas. Sa unang pagkakataon nasilayan ko sa personal ang best friend niyang kinahuhumalingan ko. Inakbayan pa ako sa retrato'ng itey:

At bago matulog, Nagpaalam pa sa akin. Gusto ko siyang sagutin ng, "Sige, dear, susunod na ako."

Naloka si Golda, hindi napigilang maglupasay sa sahig. True story.

Mahuhusay naman ang mga bago kong team. Maya't maya kami uminom. Maya't maya kumain. Malakas humakot ng mga GCs ang mga ka teammates ko.

Nag eenjoy ako sa bago ko nilipatan. Nakagastos nga lang ako malaki para magmukha namang kwarto ang nilipatan ko. Tulad ng inaasahan, uutang na naman ako ngayong umaga kay Yuchengco via my Bankard.

Keribooms naman.

Dami gwapo, gagala ka lang ng konti, konting rampage, boom.

May makikipaglandian na kaagad sa iyo ng tingin.

Inuman, madami. Gusto ko pumunta sa B-Side kapag linggo. Irie Sunday, reggae music at mga rasta. Masaya dito sa nilipatan ko.

Basta makaipon lang ulit, bibili ulit ako ng paint set, kaso hindi kumpleto ang acrylic sa Cash & Carry. Hindi ko naman feel mag oil. Matagal matuyo.

O siya, inom muna ako dito sa A-Cue-Stick.

Sunday, June 26, 2011

Byahe'ng Meycauayan to Makati (and back!)

Bumibiyahe ako araw-araw mula Meycauayan papuntang Makati. Bawat biyahe, depende sa oras ng pasok ko, ay nagkakahalaga mula 250-300 piso sa papunta at higit kumulang 100 piso pauwi. Ibig sabihin, nagagastusan ako ng mula P6,000-P8,800 kada buwan.

Bukod sa gastos ng pamasahe, 2 oras ang biyahe paluwas, at 2-3 pauwi, depende sa traffic. 4-5 oras ang nawawala sa buhay ko kada araw, 4-5 oras na sana ay itinulog ko, o pinanood ng sine, nakipagdate, nakipag chorvahan, nakipag inuman. Ang dami mong magagawa sa 4-5 oras sa isang araw.

Kuwentahin mo pa ang biyahe na iyon sa isang buwan... Sabihin na nating 5 oras ang kinuha ng traffic sa EDSA, ng mga bus na ginagawang terminal ang bawat bus stop, at ng mga taxi'ng ayaw magsakay kapag umuulan. 110 oras sa isang buwan ang ginugugol ko sa biyahe. Ang 110 oras ay 4 na araw at labindawang oras.

Ano na ang magagawa mo sa 4.5 na araw? Nakapagpart time na ako ng isang linggo'ng trabaho sa panahon na iyon. Nakapag Boracay na ako at nakabalik sa Manila. Nakapamasyal na ako sa Universal Studios, sa Angkor Wat, o nakapagbakasyon na ng sulit sa probinsya.

Noong nagrerenta ako ng bahay sa Makati, hindi umaanot ng P7,500 kada buwan ang gastos ko, buo pa ang pahinga ko.

Hindi umaabot sa kinsenas ang sweldo ko, at madalas na akong kinakapos. Isama mo na na kinukupitan ako ng pamangkin ko AT NG TATAY NIYA kapag pagod na pagod ako.

Tingin ko, mas malayo ang mararating ng pera ko kung sa Makati na ako titira, hindi kaya?

Kung may alam kayo na maaari kong upahan, mangyari lamang po na mag iwan ng contact ninyo sa pahinang ito.

Monday, May 23, 2011

Stop Talking I'm Not Done Yet

You will never have the right to judge me until you've worn my shoes.


Inaapakan ko daw pagkatao mo, Apakan kita talaga dyan, e.

Monday, May 16, 2011

Talisayen Cove

Natupad din ang pangarap ko'ng makabalik sa Zambales noong isang linggo. Pasensya na kayo at hindi lang ako isang linggong nawala sa inyong paningin. Maraming nangyaring hindi inaasahan, pero saka ko na maikukuwento iyon. May utang pa akong kuwento sa inyo ngayon.

Nag retreat lang muna ako dito: TALISAYEN COVE.
Mapapansin ninyo na isang linggo na din na blangko ang entry na ito. Hindi po iyon gimik. Hindi ko alam na nakapublish na pala yung blog nang hindi ko pa nalalagyan ng laman. Wala pong planado sa blogelya ko. Walang gimik, hindi ako nagpaparami ng followers, hindi ko habol na sumikat sa pambobola sa inyo. Pansin naman ninyo, pag may inaway ako'ng reader dito, wala ako pamialam kung i-unfollow o hindi. Pinapakita ko sa inyo ang maganda at pangit sa katauhan ko. Wala akong itinatago. Hindi ako celebrity para alagaan ang aking imahe.

Sa iPod ko lang kinunan ang tanawing ito.
Ang hindi kasi naiintindihan ng ilang tao, ay hindi dahil masipag ako magsulat dito ay naikukuwento ko lahat ng bagay sa buhay ko. Gaya ng ikukuwento ko sa inyo, maganda ito... pero alam ko makakalimutran na naman ninyo at ang patuloy ninyong susubaysayan ang ang walang patumanggang kuwento ni Kulas Kupaloid.

Bueno, Basahin ninyo o hindi ang tungkol sa aking Talisayen Adventure, IKUKUWENTO ko pa din. handa na ba kayo, mga bata?

Thursday, May 12, 2011

Dagat

Hindi ako makapaghintay makabalik sa dagat.

Oo, pota, SIRENA AKO.

Taong 2008 nang huli ko masilayan ang isla ng Potipot. Binalak ko'ng bumalik noong kaarawan ko pero hindi natuloy. Bukas ng gabi, matutuloy na ako. Makapagpapahinga na rin ako ng 3 araw na derecho. 2 linggo na rin akong tig isang araw lang ang pahinga. Pagod na pagod na ako.

Kakaibang pahinga ang binibigay ng dagat sa akin. Malawak siya. Malawak ang kanyang pag unawa, na parang siya lamang ang makakaintindi sa akin. Wala siyang ikinukubli--- ang asul na langit at ang asul na dagat... ulap sa pagitan... Dagat hanggang sa maaabot ng pamningin mo.

Lalo na kapag nakahiga ako sa tubig, nakalutang lamang sa kawalan, nababalot ng hindi maipaliwanag na pakiramdam habang nakatitig lamang sa walang hanggang kalangitan. Pakiramdam ko, nakahiga ako sa palad ng maykapal habang nakatingin Siya sa akin... Nakangiti.

Pabibo Ka

Nakakainis kapag pinagsasabihan ka ng taong pabibo, pero hindi naman nag effort na alamin kung bakit ka nagkakaganyan.

This might be the only way of lettiong out my anger, and everythingf I can never do in real life.  You do not know me, and I do not know you... But You do may not possibly begin to imagine the immense pain that this individual has subjected me to during the short time I have spent as his friend.



He's invited every bit of calumny he deserves, just as you guys would look at my blog and laugh at what kind of a miserable creature Palakang Petot is. It's part of the design. It's called Schadenfraude.

Hey, yung mga pinost ko po, galing sa archives ko. And that guy I was bashing on pics the earlier blog? He's an asshole. I have lost friends because of what he's told people on facebook. They chose to believe him, and he doesn't even use his real name. I have entirely lost all trust on a lot of things in this world because of that person, And I don't think you understand when you you said 'OVERKILL", But YEAH, I feel like KILLING.



You do not know me, and I do not know you, so it makes it ABSOLUTELY NONE OF YOUR BUSINESS to tell me I've gone overboard.

You were not there to comfort me when I needed it, And you will never be enough to comfort me now that you've pissed me off.

I've never known you, and I hope I never will, But you might just wanna back off when someone wants to vent.

I hear people vent their anger over anything over the phone 8 hours a day, And you will give give me the 1 hour I need when I finally sit at home after 3 hours of travel.

You, as much as you state your terms and conditions fron google (which those pictures did not come from, that last one, I TOOK MYSELF) You don't think he does the same in SOME CRYPTIC WAY?  you can check: here is HIS blog

So if I Bash him All I want but stay CRYPTIC, does that give me the right as well? Think about it... It's all the same.

Again, You do not know what the story is. I do not just run around BASHING STRANGERS.

This guy is not just some random guy I decided to bully for the rest of my liofe. HE TOOK SOMETHING AWAY FROM ME. SOMETHING I DO NOT KNOW IF I CAN EVER GET BACK.

Bakit, may nagawa ka na ba to ease away my pain? No. I feel like hurting this other person and I feel so smothered by it that it feels like I'm gagged and tied up.

But everybody just watches amused.

So You see... THAT is how I FEEL.

Wednesday, May 11, 2011

A Froglet's Guide to True Bekiness

Bunga siguro ng langis na umaapaw sa pancit na kinain ko ngayong hapunan, handa na naman akong chumorva sa inyo ng isang kahindik hindik na kwento.

Tungkol ito sa paghahanap ng mga lalaking nagbabalatkayo sa ikatlong katauhan... Ang pangatlong kasarian, ang ikalawang uri ng EBA, at mga ADAN na naghahanap ng kapwa ADAN...




Sa aming munting opisina, 12 kaming mga ahente sa isang team. 3 doon, froglets. Si Palakang Petot, si Serio Sabayangkokak at si Nurse Croakwood. Apat ang babae naman; andun si Mariang Palaka, si KerokeroTsunami, si Chenelyn Gargles at si Wakawaka Fisherprice. Sa mga barako naman, nandoon si Billy the Bullfrog, si Prinsipe "K" Kokak, si Croakie Katol, si Fortune Kokak at si Thunder Frog.

O di ba, lahat ng teammates ko ginawa kong froglets?

Minsang sabay nagyosi si palakang Petot, si Fortune Kokak at si Sergio Sabayangkokak, may dumaan na isnag chubby chubby cute cute na froglet. Sumenyas si Sergio Sabayangkokak kay Palakang Petot:

"Bet mo yun?"

"Bet ang alin?"

"Yung froglet sa may puno na sumusuba?"

"Hmm... Pede na din..."

Napansin naming napapailing si Fortune Kokak sa amin, "What the hell are you 2 talking about?"

Casual na sinagot ni Palakang Petot, "Nagbo-boy watching kami."

"At sa tingin mo naman, bading ang froglet na yun?"

"Sureness," sagot ni Sergio.

"Affirmative," sabi ni Palakang Petot.

"Paano naman ninyo nalalaman na bading ang isang lalaki," Tanong ni Fortune.

"Basta," sagot ni Sergio,nakatupi ang mga braso sa may dibdib at nakapikit, "May spark."

"Di kaya nakalulon ng Watusi yun?" sabat ni Palakang Petot.

Nakatitig sa kanya ang dalawa. Biglang humuni ang mga kuliglig.

Paano nga ba nalalaman kung ang isang lalaki ay Verdadero?

Sunday, May 8, 2011

Mudaraka

Noong kabataan niya, may baywang siang 24 inches. Mula nang niluwal niya ako, nahirapan na siyang panumbalikin ang dati niyang kurba. Nagtatrabaho siya dati, nakakalabas ng bahay, nakakasama ang mga pinsan at mga kaibigan. Nang nakita niyang lumalaki na kami ng kapatid ko, lalo na noong 'naaksidente' ang yaya ko dahil sa akin, nailitan siyang pumirmi ng bahay.



Mahirap pakisamahan ang tatay ko, pero tahimik siya. Animo'y siya lang ang nakakapagpatahan sa aming magkakapatid at nakapagpapaamo sa leon naming ama.

Minsan ko nang nakita siyang lumuha. Tulad ko, hindi siya naging malayang bata.

Marami siyang bagay na hindi naranasan bilang ina. Bahagi na rin ng limitasyong ibinigay sa kanya ng Diyos. Walang gatas ang nanay ko, Hindi ko naranasang mabreastfeed. (Ahhh... kaya pala...)

Opo, Ako yung bata

Noong maliit ako, siya ang dahilan bakit ayaw ko maligo. Mabigat ang kamay niya. Hindi niya maperpekto ng pagiging housewife. Nasanay siya nang may yaya. Malaking lihim ng aking ina na maikli din ang pasensya niya. Hindi lang niya pinahahalata, dahil may breeding siya.



Lahat na kasi kaming magkakapatid, masusungit, isama mo pa ang ama namin, sasabay pa ba siya? Lahat nga kami ngayon, may hypertemnsion, nauna na ang Daddy ko sa langit. Dahilan kung bakit banned ang lahat ng maalat, mamantika at matamis sa bahay.

Kunsintidora siyang Lola.

Kung paano niya napapaamo ang tatay ko, hindi ko alam. Iisa lamang ang alam ko. Mula nang mamulat ang aking mga mata hanggang sa ipikit na ng tatay ko ang kanya... Nakita ko kung paano sila magmahalan.

Ang ina ko ang nag-iisang tali na nagbibigkis sa amin, at ang iisang puwersa sa pagsasama sama namin. Kung hindi dahil sa kanya, matagal ko na sanang tinalikuran ang aking mga kapatid, at malamang, ganoon rin sila.



Lola ng bayan. Pati mga kapitbahay namin, Lola ang tawag sa kanya. Lahat ng mga kaibigan ko, gusto siyang maging nanay. Pag puyat ako, puyat din siya. Pag problemado ako, problemado din siya.

Kayat sa araw na ito, Mumsie...

Happy Mother's Day

Thursday, May 5, 2011

Goodbye Mars

Ilang araw na ang nakakalipas, hindi ko magawang sumulat. Hindi ko alam kung bakit walang lumalabas sa kukote ko. Magdamag ako nagpupuyat sa harap ng computer ko pero wala ni isang patak ng letra o tuldok.

Marahil dahil hindi o alam, nabawasan pala ng tala sa ibabaw ng lupa noong biyernes.


Naalala ko noong ganitong panahon rin noong isang taon, wasak ang kaluluwa ko. Ayoko nang magsulat, ni ayoko nang tingnan ang munti kong blogelya. Pinagkanulo ako ng mga taong pinagkakatiwalaan kko at pinaglaruan ang bawat nararamdaman ko.

Panahon iyon na nawalan na ako ng tiwala sa mga tao at sa sarili ko.

Tuesday, May 3, 2011

DEAL or NO DEAL

May pinost ako sa Formspring na question/statement/offer.



It states:

Papayag ako sa 1 month na relationship. Yung tipong masabi mo lang na IN A F*CKING RELATIONSHIP KA (galit po yun, hindi literal) kahit alam mo na may expiration date. 1 month lang, dapat gwapo. Pagkatap[os ng 1 month, you can break up with me. No hurt feelings. Para lang mawalis itong putanginang BV na nararamdaman ko, mga UNSETTLED PASTS. Para lang may matuldukan ako.



Tatanawin kong malaking utang na loob iyon kahit binreak mo ko. We can still be friends.

May mga nag react na DESPERATE MOVE daw yun. Bakit? ano ba tawag mo sa sitwasyon ko? HIATUS?

MALIGAYANG ISANG TAON SA IYO

Nahihilo pa din ako sa kinain ko kanina.

Nagpapaka exotic na naman ang gunggong kong kapatid, nag eeksperimento ng mga bagay para asunin kaming lahat. Pakiramdam ko  sumasahimpapawid na naman ang Blood Pressure ko ng sanlaksang ulit at kalahati.

Sabayan pa ng Nawalan ng pera ang pamangkin ko, nanghihingi ngayon ULIT sa akin ng pera. Hindi naiintindihan ng mga tao dito kung gaano kalaking pressure ang dinadala nang hindi ko malaman kung may trabaho pa ako sa kalagitnaan ng Mayo o magugutom na kami'ng lahat.

Mga abusado kasi, akala nila pwedeng sa akin na sumandal. Wala naman akong masandalan. Sinira nila kanya kanya mga buhay nila, tapos iaasa sa iisang tao ang karaniwang araw nila.

MAMAMATAY ako dito, sigurado ako. Ikamamatay ko kung ano kinamatay ng tatay ko: SAMA NG LOOB.

Sana ibang dahilan na lang ang ikabilis ng takbo ng dugo ko. Gaya nito:


Paksyet, GOOD CHOLESTEROL yan.

Monday, May 2, 2011

@jexplore asked: Which common break up line do you hate the most?

Yung ginamit sa akin nung ex ko nung pagkatapos niya chorvahin ang roommate ko, "I need space."

tangina, kung alam ko lang that time ginagawa nila ng roommate ko sa sarili kong pamamahay habang nagtatrabaho ako, BAKA PINADALA KO NGA SILA SA SPACE USING MY FIST.

Brave enough?

Sunday, May 1, 2011

Writer's Block

Hindi ako makapag-isip ng maisusulat. Kung nakita mo kung nkailang drafts na ako, susme, naiinis ka, para akong isang malaking INTROBOY. Kaya ikakanta ko na lang ang frustration ko. Dinasalan ata ako ni Kulas KUPALOID. Tangina kang baboy ka, may araw ka rin.


Flower, Gleam and Glow,
Let your power shine,
Make the clock reverse,
Bring back what once was mine.



Heal what has been hurt,
Change the fates design,
Save what has been lost,
Bring back what once was mine.
What once was mine

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...