Be One of My Froglets

Search This Blog

Monday, January 31, 2011

Matinik ka pa sa Bangus



Merong mga tao na sa hindi maintindihang kadahilanan, bukod sa ganda ng anyo, ay mabilis makabingwit ng chuwariwariwap. Ano na naman ang ibig ko'ng sabihin?Chuwariwariwap. Kalukadidang. Karir. Chorva. Kachukchakaninels. At para sa iba, Target Practice.

Hindi ko maubos maisip kung papaanong nakakakarir nang walang kaeffort effort ang mga Baklang Diyosa na ito. At anglalakas ng loob makipaghadahan kung saan saan! May kung anong bulong o powers na sumasanib sa katauhan nila at makurap ka lang ay jowa na niya ang gwapong tambay sa tabi-tabi?

I went through counseling (oo, hindi lamang mga sira ang kukote at mga baliw ang nagpapakonsulta sa psychiatrist) at sinabi sa akin na dapat nakikihalubilo ako sa mga tao, lalo na yung makapagbibigay sa akin ng companionship, at well being upang mag-function bilang isang indibidwal.

Nag nosebleed ako sa sinabi ni Doc,

Sunday, January 30, 2011

Ang SUMPA.

Meron ako'ng sumpa.

Ganito yun: Kapag may nagugustuhan ako, o may crush ako, dapat hindi niya ito malalaman, dahil sa sandaling malaman niya na crush ko siya, NILALAYUAN AKO. Mandidiri siya sa akin. Kahit pa sabihin mo na may gusto din siya sa umpisa, o hinahangaan ako, MAWAWALA lahat iyon at hindi na ako kakausapin kahit kailan.

May mga instances pa nga na bina-block ako sa FB o sa mga social networking sites kapag nalaman na may gusto ako.



Hindi naman kasi ako palaging ganito kadesperado. 3 taon na ako'ng walang sex life. Bukod pa roon, 4 years na ako'ng walang relationship, mula nang iwan ako ng ex ko matapos chorvahin ang aking roommate. After 2 years ko lang nalaman kung ano ang nangyari, kaya't sa loob ng panahong iyon, naghihintay pa rin ako.

Sa loob din ng mga taong iyon, marami ako'ng tinanggihan na manliligaw.

Hindi ko alam kung sino sa kanila ang mambabarang o sino sa kanila ang may lagay sa akin ng sumpa.

Tuesday, January 25, 2011

At Iadya Mo Po Kami Sa Lahat ng Masama

Paiba-iba ang bilang ng mga nasawi. Kanina 2 lang daw ang patay. Ngayon, apat na daw ang patay. 3 lalaki at isang babae. Nakaupo na ako sa tapat ng aking computer sa bahay, Pagtingin ko sa aking cellphone, may mga missed calls at mga messages ako mula sa mga tao sa opisina. Hindi ako makasagot. Wala akong load.

Nakatingin ako sa litratong ito mula sa Twitter account ng MMDA:



Kung hindi ko chinika si Rachel sa opisina, malamang kung hindi ako sakay ng bus na iyan, naka-tengga ako sa counterflow traffic ng EDSA . Paano na lang kaya kung katabi'ng bus iyan na sumabog at nakita ko ang pagkamatay ng mga tao sa loob? Paano kung nag aabang ako dyan sa Bus Bay na iyan nang sumabog ang bus na iyan.

Ala-una ng hapon, nagmamadali na ako'ng mag ayos ng gamit sa aking station,

Monday, January 24, 2011

Domo-Kun

May mga taong paborito si Doraemon, may mga taong ang gusto si Hello Kitty. Ako ang paborito kong character ay si Domo

Domo-kun, Tachan, Usaji-san


Hindi ako collector. May lalagyan ako ng cp na Domo, may bag. Yun lang. Balak ko bumili ng sweatshirt na nakita ko last week sa Comic Alley, pero pinag iisipan ko pa kung yun o bibili na ako ng bago iPod. Sa kakaisip ko nito, malamang ang ending, wala mapuntahan ang mga balak ko.
May nakapagtanong sa akin kung bakit gusto ko si Domo. Ang sagot ko dun ay,
"Nakakarelate kasi ako sa kanya."

Palaging bago ang mundo kay Domo. First time niya sa lahat ng bagay. Kakaiba itsura niya, hindi mo nga alam kung ano siya, e. Samantalang mga kaibigan niya, alam mo na rabbit si Mr. Usaji, weasel si Tashanna, Ang mag inang paniki na sina Shinobu at Morio,

Sunday, January 23, 2011

Sin Verguenza

Sa lahat ng ayaw ko, yung napapahiya ako sa sarili ko.



Mapahiya ka na sa ibang tao, gaya ng mali ang alam mo, at hindi mo naman alam na mali iyon, o napagkamalan mo ang kung sinong Herodes na kung anuman siya, sa ibang tao, Nadulas ka, nabutas ang pantalon mo, nautot ka ng pagkalakas-lakas. Nahubaran ka ng shorts sa pag ahon mo sa swimming pool o sa dagat.

Lahat ng kahihiyan na iyan, nakakalimutan yan ng ibang tao. Marami silang ginagawa sa buhay nila at hindi na nila pag aaksayahan ng panahon na alalahanin buong buhay nila na minsan habang tumatawa, ay tumulo ang laway mo at hinigop mo ulit. Hindi na nila maaalala na minsan sa PE Class ninyo, ay nag si-sit ups ka at bigla kang nautot, at umalingaw ngaw sa buong gymnasium ang kabag mo. Hindi na nila matatandaan na sa Bus, habang ikaw ay umaakyat, nakakapit sa estribo, pag-angat ng hita mo ay bumukas ang pundya ng pantalon mo.

Pero kung mapapahiya ka sa sarili mo, kahit hindi na nalaman ng ibang tao, mas matindi iyon. Parang ang tanga-tranga mo. Iyon, maalala mo. Paulit ulit na nagpi-play yun sa utak mo na parang youtube clip na naka autoplay.

Yung mga tipo'ng umasa ka sa pagtingin ng isang tao, tapos yun pala

Saturday, January 22, 2011

Blind Items.

Uso sa trabaho yang mga blind items na iyan. Nakakalimutan natin ang hirap ng trabaho natin para manghula sino sa mga kasamahan natin ang may chorva, sino ang pumalpak, sino ang gumawa ng kahihiyan.

Mapapatigil talaga ang mundo mo kapag nakakita ka ng blind item. Marami na itong napakain na reporter, at marami na siyang sinirang mga buhay, karera at pakikipagkaibigan...

Napakahilig sa Chismis ng mga pilipino. Nakakainis na minsan. At hindi totoong mga bakla ang palaging chismoso, o mga babae. Mas grabe makapagchismis ng mga TNL... Mga Tunay na Lalaki. Asyus... Mas malala pa mag chismis yang mga yan.



Ehemplo:

Sino itong blogger na ito na depress-depressan ang drama sa facebook at nag stage ng mala world war 3 na away, upang makahuthot ng mega blockbuster na jowa-jowaan para

Thursday, January 20, 2011

Kapag Hindi Maitago ang Bukol

Nahuli na ba ninyo ang sarili ninyo na nakatitig sa nakaumbok na bahagi sa harapan ng pantalon ng lalaki?

Pasesnsya na, ha? Wala ako'ng pasintabi. OO KALIBUGAN  NA NAMAN ANG PAG UUSAPAN NATIN. Peste.

Hindi  ko alam kung phase lang ito, o naho-horny lang ako, o overworked and super uundersexed ako (ikaw ba naman 3 taon walang chorva, hindi mo ba maiisip yun paminsan minsan?) Minsan kasi, kapag may nakakasabay ako sa bus o kaya sa MRT/LRT, napapansin ko yun e. May mga tao talaga na tinitigasan ng ganun-ganun lang.



Like yesterday, this guy na nakasakay sa LRT, nakatunganga lang sa kawalan... Napansin ko siya dahil gwapo siya. Medyo chubby, pero grabe, gwapo siya. Ganda ng mata saka lips. Nakaupo lang naman siya opposite me. Wala namang kumikiskis sa kanya, o natapat sa kanya na magandang babae, nakaupo lang siya. Naka polo siya ng puti at may dalang gamit, mukhang estudyante. May T-square na dala.

Pagtayo niya, Hindi lang binti niya ang nakatayo. At aware siya sa katigasan ng "ulo" niya, dahil pilit niyang pinangtatakip ang T-square sa harapan niya. Naka slacks pa naman si Kuya, at hula ko, naka boxers siya, o walangunderwear,

KASI BAKAT NA BAKAT.

Saturday, January 15, 2011

Mga Kwento'ng Kaengkantaduhan

Sometime this week, pumanaw ang tatay ng Team Leader namin na si Reng Tanseco. Kagabi, dinalaw namin siya at ang mga labi ni G. Jose Tanseco sa Santurio de San Antonio, Capella della Virgen. Ang daming pulitiko. Nakita namiin si Sonny Belmonte. The other night daw nanduon si Bayani Fernando. 



At andaming GWAPO. Nakita ko sa kabilang chapel yung sinusundan-sundan ko sa gym about 2-3 years ago na mestiso. Ganda ng katawan, gurl, at kahit for caucasian standards, GWAPO. Period. Nakisindi sa akin ng yosi. My God, that was the pinnacle of my froglet life.

ANYWAY... 

Dumating din doon ang isa sa mga kasamahan namin sa opisina, si TL Rose. Una ko'ng bati sa kanya ay, "Rose, is it really you?" Dahil noong umaga lamang ng araw na iyon, nakakita siya ng doppelganger ng isa pa'ng TL sa opisina.

FLASHBACK: (BG MUSIC: Intro ng Dancing Queen)

Umaga ng Biyernes, nag-iingay na naman sa kanyang station si TL Rose nang makita si Jenn Nebres,

Friday, January 14, 2011

Ganito ang tipo ko'ng lalaki hahahaha



Share ko lang ito. Pucha, bukod sa nakakatawa to'ng eksena na ito, shet, yung siga na kuya, ang asteeeeg... hehehehe, medyo cute, sumablay lang yung ilong hehehe.

Monday, January 10, 2011

Viajero Part 4: Alas Singko ng Hapon

Sabaw-sabaw ka na pagdating ng alas-singko ng hapon.

kapag 4:49 na ay wala ka nanag nakikita kundi ang relo na pumapatak ng alas 5

Kating-kati ka nang umuwi. Para kang bampira, kasi naririnig mo na ang pinakamaliit na  tik-tak-tik-tak ng relo mo (na alam mo'ng hallucination dahil DIGITAL ITO). Namimilipit ka nang umuwi at wala ka na sa sarili. Parang ambagal-bagal ng patak ng oras, na sinasadya talagang yung huling minuto na hinihintay mong mag-5:00pm ay ayaw dumating.

Sunday, January 9, 2011

Viajero Part 3: Travelling Alone

Mag isa ako kung bumiyahe madalas. Napapansin ko, mas marami kang nakikita kapag mag isa ka'ng umiyahe. Marami ka'ng naiisip. Marami kang napupuna. Mas madali ka'ng mainip. Mas madali ka'ng tamaan ng inis, takot, pagkamangha.

ganda ng legs ni kuya... nakaka urrrh...

Kasi solo mo ang biyahe.

Marami ang nagsasabi sa akin minsan, "Masyado ka namang mag isip kasi. Relax."

Mahirap ang hindi mag isip kung nag iisa ka. Bakit ika ninyo?

Saturday, January 8, 2011

Viajero Part 2: Kinakati

Hindi ako mapakali, kiti-kiti.

Kagabi habang nakasakay ako sa bus, may nakatapat ang bus namin na isa pa'ng bus na medyo walang laman. Natapat kami sa Megamall, at nakita ko ang 2 tao na nasa likuran, malayo sa ibang pasahero. Isang babae at isang lalaki. Nakapatong nag kamay ng babae sa harapan ng lalaki at nakangiti si lalaki na palingon lingon.



hinihimas ni girl ang bukol ni guy.

Friday, January 7, 2011

Viajero

Kausap ko na naman kaninang umaga si Vince Galang, at nakakuha na naman ako ng very profound na idea galing sa kanya. Na, ang buhay ay parang biyahe pauwi. Minsan, naghihintay ka ng mga bus, at alam mo'ng isa lamang ang masasakyan mo, hindi mo masasakyan lahat nang sabay sabay. Minsan may palalagpasin ka, pero yun pala ang matulin na biyahe.

Tama siya.

Minsan namimili ka ng bus depende sa  dadaanan. Gusto mo Ibabaw, Ilalim, Fast Lane. Alam mo'ng kung dadaan ng sangkaterbang stop at mamamakyaw ng pasahero. Alam mo kung matatagalan ka sa biyahe o hindi. May bus na puro movies ni Vic Sotto, May puro katayan na pelikula, o puro bagong pirated na pelikula ang pinapalabas. Tulad ng mga tao na nakikilala natin, ang mga bus ay may personalidad.



May kung tawagin ako ay Chaka Bus. Yan ang mga bus na walng sumasakay kundi mga chaka'ng tao. Lalo na kung yung mismo'ng bus, chaka din. Mabaho sa loob, amoy gasolina at usok, aircon pa namang naturingan. Wala siyang na-a-attract na pasahero kundi mga chaka lang.

May bus na kung tawagin ko ay Buwaya Bus. Ito yung mga bus na

Tuesday, January 4, 2011

Kuneho Time

This year, It's ME time. I've lived my life walking over peanut shells. It's high time I stop caring if I break some shells and MAKE SOME NOISE!

Ang taon ng KUNEHO ay taon ng KALANDIAN.

Mabuhay ang KALIBUGAN ng mga kuneho!

This morning nabanggit sa akin ng isang kaibigan ko, si Vince Galang (Oo, follow ninyo siya sa Facebook, cute na daddy-type yan) at naitanong ko sa kanya kung bakit ako iniiwan na lang? O bakit sa 3 taon na naka online ako, o kahit sa mga pinupuntahan ko, sa work, sa church, sa kung anik anik na social gatherings, WALANG NANGAHAS na CHORVAHIN ako?

Ang nasagot na lamang ni Vince, "Alam mo yan. Ayaw mo lang tanggapin kung bakit. It will hit you sooner or later kung bakit." (well, something like that.)

Ewan ko kung may sa dilang anghel ang mama na ito, pero
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...