So ganito ang eksena: 5 araw na trabaho, Linggo lang ang pahinga. Pagdating pa ng Sabado, naputol ang cable ng adapter ko. Wala'ng makausap.
So alis ako ng linggo papunta ng address na ibinigay sa akin ng kapatid ko, doon sa Sta Cruz, malapit sa simbahan.
Novacell Electronics.
Sarado.
Naiyak ako. Kaya sinubukan kong lakarin ang Ongpin para sa kahit na ano na pwede'ng ipalit sa wasak na kordon. May makausap lang. Makapag blog lang ako. Makapagsulat. Hindi ko mabasa ang mga online books ko. Hindi ko pa naisi-sync ng mga kanta ko.
Higit sa lahat, ang notebook ko lang ang kaibigan ko kasi hindi ako sinusumbatan pag nalulungkot ako. Pag horny naman ako, nagpapakita siya ng porn.
Wala naman ako naaasahan sa mga taong humihinga, o buhay. Mga palamuti lang kung sino pa ang buhay. Pampasikip sa tren. Para lang habang nagbibiyahe ka sa dyip[, hindi ka nilalamig. Para kapag sa MRT, may nakakaaway ka kasi nanunulak sila. Para hindi ka bored kapag 3 oras ka sa bus at walang palabas na pelikula.
Yun ang silbi ng mga tao sa akin. Higitr sa madalas, online lang nagkakaroon ng kabuluhan ang mga tao. Online lang nagiging tao ang mga tao sa paligid ko. Online, ung iba sa kanila na hindi ako pinapansin sa work, kinakausap ako.
Gaya ng isang Poi Papa na nagtatanong kung pwedemng makipag hook up?
-Bakit hindi ako lapitan sa office, e nasa iisang building lang naman kami.
Gaya ng mga nagtatanong kung pwedeng makita ako sa webcam.?
-Bakit hindi kaya makipagkita na lang sa akin, kesa ako lang pinapanood nila.
Gaya ng mga nagpapa-buy sa FFS?
-Kayo naman bumili sa akin.
Ang punto ko, ang tao puro ikaw ang gagalaw para sa kanila, wala ka naman mahihita, kahit kakapiranggot na entertainment. Kaya kanina, daig pa ng tao'ng maysakit na kelangan ng blood donation ang pag ikot ko sa Sta Cruz.
Naalala ko tuloy nung bago mamatay ang Dad ko, ganito din ako, every other day nasa Red Cross ako. Kaya kapag nanghihingi sila ng donation (Yiung sa may MRT). binibigyan ko talaga, e.
Anyway, nabigo ako sa Sta. Cruz. Buma;lik ako sa may simbahan at tumangis (tumangis, talaga). Oo, gurls, iniyakan ko po ang laptop ko, kasi sa puso ko, SIYA ANG SYOTA KO. Mahal na mahal ko siya dahil hindi pa siya napapalitan ng kahit na sino'ng tao.
ASo umiiyak kong nilisan ang Sta Cruz Church. Umakyat ako ng Carriedo station, at inusisa ni Manang guwardya ang akoing bag. Nakita ang case ng laptop at itinuro ito... OMG, ang akong baby... naghihingalo.
"Ano iyan?" Tanong ng buchikels na guard.
Asawa ko po, ang gusto kong isagot. "Laptop po."
Sabay tingin sa likod at baka naman manakawan pa ako sa loob ng tren. Lalo pa ako tumangis dahil tuluyan ako'ng mabibiyudo.
So bumaba ako sa Monumento. At sa North Mall, may nakita ako'ng karatula ng isang computer repair shop. (trip ko din ang Hello kitty na set na keyboard at speakers.)
Sakto, dun ako nakakita ng adaptor na hinahanap ko. Buhay na anman ang baby ko! Buhay si Agnolo! Umagos ang masasayang luha sa aking mga pisngi at makakapiling ko na naman si Agnolo magdamag.
Hindi man siya isang sosyaling Macbook, o Dell o HP, mahal ko pa din siya kasi dito ko na lang naibubuhos ang lahat ng emosyon na bawal ipakiyta sa mundo. Hinahayaan niya akong magalit ng magalit para hindi ko na dalhin sa umaga ang nararamdaman ko. He makes me feel ok.
Ok ako dahil sa iyo, Agnolo.
I love you so much.
2 comments:
i remember, paborito ko ang Sta Cruz Church para humiling sa Diyos na bigyan ako ng "matinong" tarbaho dito sa arboad. sinagot naman nya mga dasal ko. wala lang, naikwento ko lang.
Sana BF na pala ang hiniling ko ano? Galante pala si Lord dun e. Lols.
Hindi ko pala nabanggit... sa Sta Cruz ako pinanganak.
Post a Comment